Chapter 30 (Hope)

37 6 0
                                    

"GUYS! NAHUBUAN SI JOSHUA!!" Sigaw ko kina Audrey habang kumakaway.

Biglang may tumakip sa bibig ko at muntik na akong lumubog sa tubig.

"Wag ka ngang maingay!" Galit na bulong ni Joshua habang tinatakpan ang bibig ko.

"Mmmmm--! Mmmm-!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. Kainis, ang lakas nya. Hindi ako makawala. Wait, alam ko na. I opened my mouth at agad kong kinagat ang kamay nya.

"ARAAAAAAY!" Sigaw ni Joshua at agad na bumitaw sa pagkakatakip sa bibig ko. Yes! Chance ko na 'to!

Agad akong umahon sa tubig at tumakbo papunta sa buhangin.

"AH WAWA! NAHUBUAN! BLEH-BLEH-BLEH-BLEH-BLEH!" I shouted while making funny faces.

"BUMALIK KA DITO!" Sigaw ni Joshua mula sa tubig. BWAHAHAHA. Hindi sya makaahon dahil naka brief lang sya. HAHAHAHAHAHA. Grabe namiss ko syang asarin.

************************

Charm's POV:

"Dinner is served!" Sigaw ni Audrey habang kinakawayan kami. Tumakbo ako papalapit sa isang mahabang table sa may tabing dagat. Mmmm, ang bango! Ang daming ulam na nakahain. May tuyo, crabs, hipon, crispy pata, litsong paksiw at inihaw na bangus! May mga sawsawang toyo din sa gitna at napakaraming kanin. In short, Boodle Fight!

Pumwesto na kami ng nakapalibot sa table. Yippiiee! Excited na ako! *o*

"Okay, 3, 2, 1, ATTACK!" Sigaw ni Rence at agad akong kumurot ng isda at dumakot ng kanin. Sunod sunod akong sumubo ng pagkain habang nagtatawanan kami.

Pagkatapos naming kumain, umupo kami palibot at nasa gitna namin ang isang bonfire. Nag-iinuman kami at may hawak kaming tig-iisang baso ng champagne.

"Cheers!" We said and we had a toast. Uminom ako mula sa baso ko at pinunasan ang bibig ko. Medyo inaantok na din ako ng konti.

"Whooo! Ang sarap! Ang ganda talaga dito!" Sabi ni Kuya habang nakataas ang dalawang kamay at hawak hawak ang isang baso ng champagne.

"Mas maganda pa kesa sakin?" Tanong ni Lian na noon ay lasing na.

"Syempre pinakamaganda ka." Sagot ni Kuya at hinalikan si Lian sa noo. Eww. Nakakakilabot.

"Naks naman!" Pang aasar ni Joshua at uminom sa baso nya. Pag dating pala sa mga babae, may pagaka korni si kuya.

Pagkatapos ng mahabang inuman at kwentuhan, napag pasyahan naming pumunta na sa mga kwarto namin.

"Tara na sa room natin? Knockout na si Lian eh." Sabi ni Kuya habang akay-akay si Lian.

"Sige." Sagot ni Rence.

Naglakad na kami papunta sa hotel at pumunta sa concierge.

"Reservation po para kina Joshua Luis Rivera, Lian Jane Rivera at Terrence Herrera." Sabi ni Joshua.

"Sige po. Iche-check ko lang." Sagot nung concierge at nag type na sa computer nya. Hay grabe, gusto ko nang matulog. Super inaantok na ako.

"Sorry po. Pero occupied na po yung room para sa inyo eh." Sagot nung concierge.

"Ha? Pero bakit po?" Naguguluhang tanong ni Joshua. Pashnea naman oh. Kung kelan antok na antok na ako. Badtrip. -,-

"Lahat po ng mga nagpa reserve kahapon ng rooms ay invalid. Naghalo po yung mga last week na reservations dun sa kahapon kaya po may mas nauna pa pong magpa reserve kaysa sa inyo. Sorry po pero fully-booked na po ang hotel. Sorry for the inconvenience, mam and sir." Sabi nung concierge. Great, just great. Saan na kami tutulog ngayon? -,-

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon