Chapter 16 (A Trip to the Mountains)

58 7 1
                                    

"Wait!" I called.

Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sakin.

"Bakit?" He asked.

"A-Ahm.... About dun sa..... kanina...." Kinakabahan kong sagot. Argh Charm! Just say it already!

"Ah yung halik ba? Wag ka mag alala. Wala lang yun. Never mind that." He said and walked away. Binuksan niya ang pinto at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong matuwa kasi wala lang yun? Na walang magbabago sa samahan namin? O dapat ba akong malungkot? Dahil ako lang pala yung mag isang umaasa at nag iisip na may ibig sabihin yung halik na yun?

Tsh Charm. That's what you get for overthinking. It's just a kiss. A kiss will always just be a kiss.

**************

Audrey's POV:

("Hello hija, anong oras ka ba makakapunta dito? Malapit na kaming umalis eh.") Tanong ni Tita Tony sa phone call habang nag-iimpake ako ng gamit sa bag.

"Siguro po mamayang hapon, nandyan na ako."

("Sige Audrey. Mag iingat ka ha.")

"Yes po Tita. Kayo din po."

Call ended.

Pinatong ko na ang phone ko sa kama at inizipper ko na ang bag ko.

"Haaaay! Nakakapagod!" I said and laid on my bed.

Tumingin ako sa orasan. Halos three hours na lang ang natitira at aalis na ako.

Uuwi kasi ako sa probinsya namin sa Kalinga. Aalis kasi muna si Tita Tony sa bahay nina lolo at lola kaya wala silang makakasama sa bahay. So kailangan kong pumunta dun para may mag alaga sa kanila.

Hay, I wonder kung nasan na si Charm.

"Audrey! Anak! Nandito na si Charm!" Sigaw ni Mama mula sa salas.

Whoop, speaking of. Nandito na nga siya.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa salas.

"Audreeeeeey!" Masayang bati ni Charm at sinalubong ako ng yakap.

"Giiiirl! Sakto ka. Kumain ka na ba?" I asked at kumalas na ako sa yakap nya.

"Yes yes yes. Oh my God. Excited na akong pumunta sa Kalinga!" *o* Charm exclaimed.

"Maganda ba talaga dun?" I was distracted when I heard a man's voice.

Napatingin ako sa lalaking kakapasok pa lang ng pinto.

O______________________O

"NATHAN?!" Gulat kong tanong. Anong ginagawa nya dito??

"Ay Girl. Nakalimutan kong sabihin sayo. Since kasama ako papunta sa probinsya nyo, nagpilit din si Nathan na sumama. Wala na akong nagawa kaya yan, nandito din sya." Pagpapaliwanag ni Charm.

"Really?" ^_- Tsh. Napaka talaga ng babaeng ito. Sinama pa si Nathan. Lalong dumami ang bisita. Kung alam lang nila kung gaano kaliit yung bahay namin dun. T.T

"Okay fine, sige. Basta kayo ang magbabayad ng pamasahe nyo ha." I said in crossed arms.

"Yes mam!" ^.^ Sagot ni Charm.

"Sige na. Kukunin ko lang yung bag ko tapos aalis na tayo." I said and turned my back on them.

Akmang aakyat na ako ng hagdan nang isang panibagong boses na naman ang narinig ko.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon