Chapter 8 (Crossover)

127 11 5
                                    

Tama. Kaibigan. Kapatid. Yun lang yun. Nothing more, nothing less. Ganun lang din naman ang nararamdaman ko sa kanya eh.

Pero bakit ganito? Bakit parang di ako kuntento sa sagot nya? Tsh Charm. Ayusin mo nga ang sarili mo. Imposibleng magkagusto ka sa kanya, at mas lalong imposibleng magkagusto sya sayo.

Dahil anghel sya, at tao ka. Tama. Magkaiba kami. Hindi kami pwede. Kaya pwede ba? Tama na ang pag iisip mo ng ganyan. Hay nababaliw na talaga ako.

**************

Nathan's POV:

A cool breeze blew as I gazed through the sky. The sunshine that is touching her face makes her more irresistible.

Nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama ni Charm habang hinihintay ko syang magising. Masyado pa namang maaga kaya hindi ko pa sya kailangang gisingin.

I started feeling strange these past few days. Iba't ibang emosyon na ang nararamdaman ko. And I also got a chance to play a sport called Basketball.

I tried eating human food, I tried taking a bath like a normal person, and I tried going to school like a human should do.

Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi ko nakilala si Charm. Kung hindi ko sya nakabangga noong araw na iyon.

The truth behind our encounter is still a mystery for the two of us. Hindi ko alam kung malalaman pa namin ang dahilan kung bakit hindi sya tumagos sa katawan ko. But for now, I want to cling on her necklace as a token of our promise.

"Nathaniel!" Napalingon ako sa likod ko. A strong wind blew in the bedroom. Nagkaroon ng nakakasilaw na liwanag mula sa langit.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Anong ginagawa nila dito?!

"Ariana?! Raphael?!" Gulat kong tanong. Agad akong tumayo at humarap sa kanila.

"A-Anong ginagawa nyo dito?" I asked.

Ariana flipped her hair and crossed her arms. Dahan dahan niyang pinaliit ang pakpak niya hanggang sa maglaho ito.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Sa kwarto ng isang tao?" She asked sarcastically.

"Binabantayan ko si Charm." Sagot ko.

"Geez Nathaniel. Hanggang ngayon ba naman sumasama ka pa din sa taong yan? Didn't I tell you to stay away from her?" Galit niyang tanong.

"Dude! Sya ba?! Sya ba yung kaibigan mong tao?! Ang ganda nya!" Tuwang tuwang sabi ni Raphael at nilapitan si Charm habang natutulog.

"Wag mo nga syang lapitan!" Galit kong sigaw at hinigit ko siya palayo. Wait, bakit ba ako nagagalit?

"Nathaniel, kakambal mo 'ko. And I'm telling you to leave this place immediately." Seryosong utos ni Ariana.

"No Ariana. I'm gonna stay by her side hangga't hindi pa namin nalalaman kung bakit kami nagkabunggo." I said as I looked straight at her eyes.

She sighed.

"You're hopeless. Kung hindi mo kayang sumama sa amin, then kami ang sasama sayo." She said and smirked.

"W-What do you mean?!" Naguguluhan kong tanong. Ano bang binabalak nila?

"We'll just do a little investigation." She answered and smiled.

"N-Nathan?" Agad akong napatingin kay Charm. Gising na sya. She yawned as she rubbed her eyes. Agad ko syang nilapitan.

"Charm! G-Gising ka na pala. Bumangon ka na at kumain." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

Loving A MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon