"Sis sige na please, ask mo na si Bryan kung may bago na ba siyang girlfriend." Sabi ng best friend kong si Liz with matching puppy eyes.
I rolled my eyes. "Tigilan mo nga ako. Ikaw itong nakipagbreak tapos ganyan ka." Inis kong sabi.
Last month, Liz broke up with Bryan and never niyang kwinento sakin ang reason why she broke up with him. And kahit anong kulit ko she keeps on saying lang na "it didn't workout."
She didn't want to elaborate it anymore. Kaya ngayon sobrang nagtataka ako why she keeps on convincing me on asking Bryan about his lovelife.
Wag na kayong magtaka kung bakit ako ang kinukulit niya para magtanong kay Bryan dahil simula ng pinakilala ako ni Liz kay Bryan ay naging close na kami nito.
Madalas naman din kasi talagang makaclose ko ang mga naging boyfriend ng mga kaibigan ko. Maybe because, one of the boys ako. Minsan pa nga namimisintrepret nila ang pagiging close ko sa mga ito. Kaya minsan kahit walang issue nagkakaroon.
Feeling ko yun din ang naging reason why their ex boyfriend thought that they like me and wanted to court me. Yes marami ng ganoong nangyari sa akin but I never entertain anyone. Dahil na nga lang sa balak nilang panliligaw ay nawawalan na ako ng mga kaibigan lalo pa kaya kung may inentertain ako. At isa pa never ko silang tinignan as more than friends.
Kahit na nga sobrang crush ko before si Bryan ay inalis ko na siya sa list ng mga crush ko, simula ng sabihin ni Liz na boyfriend niya na si Bryan.
She pout at parang batang nagmamaktol itong si Liz. Yung totoo Liz bata lang?
"O sige na nga para namang di mo ako titigilan e." Sabi ko na lang ng matigil siya.
Pagkasabi na pagkasabi ko nun ay agad na yumakap at nagtatalon habang nakapulupot pa din ang kanyang braso sa leeg ko. "Yehey thanks sis sabi ko na nga ba e hindi mo ako matitiis e."
Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si bry.
'Hey Lo may gf ka na ba ulit ngayon?' diretso kong tanong kay Bryan
Ganyan kasi talaga ang personality ko, masyadong diretso. Hate na hate ko yung mga paligoy-ligoy. Kaya minsan ang daming nagugulat sa way ng pakikipag usap at pagtatanong ko. Nagkikibit balikat na lang ako sa kanila. Kesa naman kasi maging plastic ako, what you see is what you get. Yan ang laging sinasabi ko.
But don't get me wrong, nafifilter ko pa din naman ang mga lumalabas sa bibig ko. Syempre nagiging sensitive din naman ako sa feelings ng ibang tao.
"Grabe sis ang diretso naman masyado niyan, wala ba man lang hello! and kamusta? bago mo tanungin yan? Mamaya isipin nun na ako ang nagpapatanong sa kanya."
I rolled my eyes. "E totoo naman diba?"
"Eeee... Kahit na, ang pangit kaya tignan. Isipin pa niya ako itong nagkipagbreak pero habol naman ako ng habol." Nakasimangot na sabi niya.
"E bakit ka nga kasi nakipagbreak e obvious naman na you still like him?" For the nth time na tanong ko sa kanya.
Natahimik lang siya.
I sighed. "Hahaba pa yun e tsaka ito naman talaga gusto mong itanong ko e bakit ko pa papahabain?" Sagot ko na lang sa kanya.
Wala pang isang minuto ay nagreply na agad si Bryan sa text ko. Mukhang hindi busy si lolo. Sabay naming binasa ni Liz ang reply ni Bryan
(Oo bakit?)
Tinignan ko agad si Liz. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pagtataka at lungkot at the same time. Well kahit naman ako nagtaka sa sinagot nito. ang alam ko kasi wala pa siyang girlfriend.
"You okay?" Nag aalalang tanong ko.
Tumango siya at pilit ngumiti.
"Paano ba yan may gf na daw?" nag aalalang tanong ko.
"Oo nga. Ang bilis magpalit parang damit lang." bitter na comment nito.
"E ikaw naman kasi bakit ka ba nakipagbreak sa kanya?" Muling tanong ko. Baka sakali ngayon magsabi na siya.
"Basta."
Naiinis na ako. Hindi na talaga ako natutuwa. "Ikaw lagi na lang ganyan ang sinasagot mo. Bakit ba ayaw mo saking sabihin?" Naiinis na sabi ko.
Kita ko pa din ang pagpipigil niyang sabihin sa akin ang tunay na dahilan.
"Hay naku. Liezel Mae Rivera hindi ka ba talaga magsasabi?" Seryosong sabi ko. Alam na na this time naiinis at nagagalit na ako kaya dapat lang ay magsabi na siya.
Napabuntong hininga siya bago ako sinagot. "Eh kasi feeling ko hindi na siya yung dating Bryan na mahal ako. I think meron na siyang mahal na iba. And I think totoo nga? Kasi tignan mo meron na siyang girlfriend."
"Well actually nagulat din ako. Wala din naman siyang nabanggit sakin na may girlfriend na pala siya." sabi ko.
Tinanong ko din kasi noon si Bryan kung ano bang dahilan ng pagbri-break nila pero ayaw din niyang sabihin. Mahirap daw kasing ipaliwanag.
"Syempre magdadalawang isip magsabi yun sayo dahil bestfriend kita." bakas pa rin ang bitterness sa boses nito.
"Teka nga paano mo pala nasabi na mayroon na siyang iba?" curious na tanong ko.
Kasi ako hindi ko nahalata yun.
She release a heavy sighed. "Kasi feeling ko nanlalamig na siya. Tapos madalas siya na may katext o kaya katawagan. Mas marami pa nga siyang binibigay na oras dun sa katext and katawagan niya kesa sakin e."
"Naconfront mo na ba siya about diyan?" Tanong ko.
Umiling lang siya.
Nanlaki ang mata ko "ANO HINDI MO MAN LANG MUNA SIYA TINANONG ABOUT SA HINALA MO AT BASTA KA NA LANG NAKIPAGHIWALAY?"
Maloloka na talaga ako sa babaeng ito. Baka naman may dahilan si Bryan kung bakit siya ganoon. Hindi naman sa kinakampihan ko si Bryan pero kasi parang wala naman akong napansin na ganoon sa taong yun madalas ko pa ngang katext at katawagan yun e. Lakas naman niya kung makipagtext at tawagan siya sakin habang niloloko niya ang bestfriend ko.
Hindi ako makapaniwala na basta basta na lang siya nakipagbreak. At itong Bryan naman na ito e mukhang walang ginawa para maayos silang dalawa.
"E kasi natatakot ako na baka totoo e."
Pigilan niyo ako at baka masakal ko itong bestfriend ko na ito. "Hay naku Liezel Mae Rivera tapos ngayon nagkakaganyan ka. Anong gusto mong mangyari?" Inis na sabi ko.
Napayuko siya at kita ang lungkot sa mga mata niya. Naguilty naman ako bigla dahil feeling ko and mean ko sa bestfriend ko.
"Sorry sis. And insensitive ko." Nahihiya kong sabi.
Umiling siya at ngumiti. "Wala yun. Ahm sis tanong mo naman kung anong name nung girl."
Nanlaki ang mata ko. Yung totoo masokista ba tong bestfriend ko? Hay naku bahala na nga siya.
Agad kong kinuha ang phone ko para itext ng follow up question si Bryan.
'Okay lang ba malaman kung sino yung bago mong gf?'
After 1 minute ay nagreply na siya. Ako muna ang nagbasa ng text dahil nag eemote pa ang bestfriend ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat ko ng malaman ko ang pangalan ng bago niyang gf.
(Alexandria Ramirez. :) )
Teka pangalan ko yan ah?!

BINABASA MO ANG
MY BF's BF
General FictionHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...