Matapos ang naging pag uusap namin ni Bryan ay hindi na kami muling nag-usap pa. Naiinis ako sa kanya, sa kanila ni Gian. Sino sila para paglaruan ang kaibigan ko? Maganda man ang intensyon nila pero mali pa din, dahil sa huli alam kong ang bestfriend ko pa din ang masasaktan. Gustuhin ko man na makamove on na si Liz ka Bry para naman magkaroon na ako ng excuse para pagbigyan itong nararamdaman ko pero hindi ko pa din ipagkakanulo ang bestfriend ko. Paano na lang kung mainlove ang bestfriend ko sa Gian na yun, tapos wala naman pa lang nararamdaman ang lalaking yun kay Liz, e di uuwi na namang luhaan ang bestfriend ko.
Hay naku Alex enough of Bryan na nga! You need to get ready para sa family dinner.
Laking gulat kong ng tawagan ako ng daddy ko to inform me na may family dinner daw kami. Bigla akong kinabahan dahil nung huling family dinner namin ay ina-nounce ni daddy ang wedding ni Kuya ko without my Kuya's knowledge. O diba siya ang ikakasal pero hindi niya alam? Yes guys isa iyong arrange marriage katulad din nung sa isa ko pang kuya. Actually hindi na ako magugulat kung ang mapangasawa ko ay bunga ng arrange marriage dahil mula sa lolo ko hanggang sa mga kuya ko ay puro arrange marriage, and maganda naman ang naging result. In the end they learn to love each other, though madrama nga lang sa una.
Pero kung ipapakilala na nga sa akin ang magiging husband ko papaano na kami ni Bryan?
Sobrang awkward ng atmosphere. Lahat ay tahimik na kumakain at nagpapakiramdaman. Ganitong ganito ang sitwasyon namin noong ina-nounce ni papa ang kasal ng 2 kong kuya. So ito na ba yun?
Alex relax. Wag assuming okay? Malay mo hindi naman ganoon ang mangyayari.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpapakalma sa sarili ko ng magsalita si Daddy.
"Everyone. I ask you all here because I have an announcement to make."
Napalunok ako. Ito na ba yun? Bye bye Bryan na ba?
Tumingin sa akin si Daddy. Napalunok ako ulit. Ito na nga atah...
"Alexandria."
"D-dad?"
"Are you dating someone right now?"
"W-wala po"
"Good. So walang magiging problema."
Tahimik lang ang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin ni Daddy.
"I know that all of you already have an idea why we are having a dinner together tonight. And yes. The reason of this dinner is to announce the wedding of Alexandria."
Napapikita ako. So tama nga ako. Ikakasal na ako.
"Are you alright Lex?" My kuya Thomas (eldest) ask me.
"O-oo naman kuya. Inexpect ko na naman ito e."
"Don't worry honey. I assure you that Nicholas is a good man." Sabi ni mommy
"Nicholas pala name niya." sabi ko
"Yes honey. He is the only son of Chloe and Damian Aquino, the owner of Aquino Corporation. Damian is my college friend. Alam ko na mabubuti silang mga tao. Kaya ang anak niya ang napili ko para sayo not just for our company but for you honey. Alam kong aalagaan ka niya tulad ng pag aalaga namin sayo.?"
Napangiti naman ako. Alam ko naman na bukod sa business ay kami pa din ang iniisip ng parents namin. Hindi sila tulad ng iba na pure business, they still consider yung magiging future namin sa kung kanino kami ipagkakasundo. Yun din siguro ang dahilan kung bakit successful ang lahat ng marriage life ng pamilya namin. So I guess wala na kong dahilan para tumanggi?
'Paano si Bryan?' tanong ng isip ko.
Paano na nga ba kami ni Bryan? Napabuntong hininga ako. Siguro this is for the best. Less gulo.
_________________
New character. Ano kayang mangyayari sa pagdating ni Nicholas?
Sana magustuhan niyo.
![](https://img.wattpad.com/cover/8658462-288-k735682.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
Fiksi UmumHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...