Chapter 28

1.9K 17 0
                                    

"Hubby!"

Napalingon kami sa babaeng sumigaw.

Tumakbo siya at pumunta kay Bryan.

"Hubby I miss you!" Excited na sabi nung babae habang nakayakap ng mahigpit kay Bryan.

Hinihintay ko ang reaksyon ni Bryan. Kitang kita ang pagkabigla. Pero agad din naman siyang nakabawi.

Gumati siya ng yakap dito. Biglang sumakit ang dibdib ko ng makita ang ganting yakap ni Bry sa babae.

Kumalas ng yakap si Bryan. "Delle is that really you? Your back!"

Kita ang saya sa mga mata ni Bryan. Kabaliktaran ng nararamdaman ko.

Nagbabadya na ang luha sa mga mata ko. Kinagat ko ang ibaba ng akong labi para pigilan ang luha ko.

"Yep. Finally! Bumalik ako dito para tuparin mo ang promise mo sa akin." Nakangiting sabi nung Delle.

"Hindi mo pa yun nakakalimutan?" Nakangiting tanong ni Bryan.

Okay curiosity hits me. Pabulong na tinanong ko si Gian. "Anong promise?"

Napaisip si Gian. Parang inaalala ang promise na tinutukoy nung Delle. Bigla nanlaki ang mata ni Gian. "Sineryoso niya yun?"

"Ang alin?" Sabay na tanong namin ni Liz.

"Na pag umuwi siya ng Pilipinas at wala pa din siyang boyfriend, papakasalan siya ni Bryan."

"What?" Sabay na tanong namin ni Liz.

"Well elementary pa lang naman kami nun. And itong si Delle before e ugly duckling, halos di ko nga siya nakilala kanina e. Pero don’t tell me wala pa din siyang boyfriend? Sa ganda niya ngayon kahit sino pwede niyang makuha."

"Tulad mo?" Tanong ni Liz.

Natawa ako sa biglang reaksyon ni Liz. Para siyang girlfriend na nagseselos.

"Nope. Why will I need her if you are already there?" He grin.

Napailing na lang ako sa dalawa.

Tumingin ulit ako kina Bryan. Kasalukuyang nakakapit sa braso ni Bryan yung Delle. Habang si Bryan naman ay nakangiti habang ginugulo ang buhok nung Delle.

What a lovely couple. Biglang sumikip ang dibdib ko ng maisip iyon.

Hindi ko na kaya. Konting konti na lang tutulo na.

I don’t what urge me to still say this "Mukhang di ko na kailangang mamili" at saka tuluyang umalis.

------

Nakabalik na kaming lahat sa Manila, and nagsimula na ulit maging busy.

Simula nung nangyari sa Mindoro ay tumigil na talaga si Bryan sa panliligaw.

At bakit nga ba hindi? E may Delle na siya.

The nerve of that guy! Paasa siya masyado.

Paano kung walang Nic? Paano kung naginv kami tapos dumating yung babaeng yun? Iiwan niya ko para magpakasal dun?

Unfair man kay Nic pakinggan pero buti na lang pala at nandyan siya kung hindi mas lalo akong magmumukhang kawawa.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni ng dumating si Nic.

May dala siyang bouquet of pink roses. Iniabot niya yun sa akin.

I try to smile tsaka tinanggap ako binigay niya.

"Are you okay?" Tanong niya

Tumango ako.

"Sure? Bakit nga pala wala na ang manliligaw mo?"

I rolled my eyes. "Busy sa pag aasikaso ng kasal niya."

Kumunot ang noo ni Nic. "Kasal? Sinagot mo na siya?"

Natawa ako sa reaksyon ni Nic. Oo nga pala di pa niya alam ang tungkol kay Delle.

Kwinento ko sa kanya ang buong nangyari sa Mindoro.

"Now I know that you’re not okay."

Nang sabihin yun ni Nic. Hindi ko na napigilang umiyak.

Niyaka niya ako. "Sshhh... Tahan na. All you need to do is to talk to him and tell him na siya ang pinili mo."

"As if naman gusto niya pa ako. Tignan mo nga ngayon kung na saan siya."

"That’s because you push him away."

"Paano kung di niya ako tanggapin?"

"I will always be here for you"

"Nic..." With that mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon