Chapter 8

2.7K 28 1
                                    

Naging successful ang product launch namin last week. Kaya naman busy ang lahat to cascade our plan sa mga accounts dahil next week na ang dating ng mga stocks ng mga new units ng Sapphire. 

"Janet what's the status of SK Telecom?"

"Ma'am until now hindi pa rin po available si Mr. Lee."

"Ah ganoon ba? Kahit kamo 1 hour lang hindi siya pwede kahit dinner?"

"Yes Ma'am. Everytime I call him he will ask me first kung kasama kayo sa meeting pagsinasabi ko na hindi kayo makakasama bigla niyang sasabihin na he's not available."

"Wha't about the other brand na ask niyo ba kung nakapagset na sila ng meeting with Mr. Lee?"

"Yes Ma'am halos lahat ng brand nakausap na si Mr. Lee last week."

"WHAT??? Tapos sa atin ayaw niyang makipagmeet?"

Malilintikan yan sakin. Pinapahirapan talaga kami ng kumag na yun. Tss.

"Ma'am kung si Ma'am Liz na lang po kaya ang isama ko sa meeting?"

"Ha?"

"Kasi Ma'am aside from being a CEO e diba Ma'am ex-boyfriend niya si Mr. Lee so hindi po yun makakatanggi."

"Let me ask her first."

Kinuha ko agad ang phone ko to call Liz.

"Hello Liz"

'Yes sis may kailangan ka?'

"How's your sched for this week?"

'Hmmm let me check first.'

"Okay"

'Puno ang sched ko this week e. Why?'

"I want to ask you sana na to talk to Bry and set a meeting with him with Janet ofcourse."

'O? E bakt hindi ikaw ang sumama? Madalas naman na ikaw yung kasama sa mga meeting na ganyan diba? Especially kung for activation.'

"Yes sis. Pero medyo busy ako this week e."

'Can't Janet do that alone?'

"She can. But the thing is Bry always tell her that he's not available. And I found out that most of the other brand already met him. last week pa."

'Really ha? Mukhang humihina tayo kay Bry ah?' she chuckled.

"Oo nga kaya nga naisip ko na baka pag ikaw e pumayag na yun."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw? Duh? Kahit naman break na kayo e may pinagsamahan pa din kayo. Kaya di ka matatanggihan nun."

'E ikaw din naman ah? Bakit hindi ikaw ang tumawag sa kanya e mas malakas ka dun?' 

Hindi ako agad nakasagot. Paano ko ba sasabihin na iniiwasan ko nga ang kumag na yun para sa kanya.

'O? Bakit di ka na nakasagot? Hay naku Alex if ako pa rin ang iniisip mo forget it. I moved on, oh ayan ha past tense yan ibig sabihin tapos na. You don't need to do that for me.'

"Sure ka? Hay naku lagot talaga sakin yun."

'Oo na sige na close mo na yang account na yan.'

"Copy. Bye."

Nakapag move on na nga kaya talaga siya? Hay bahala na nga. Be professional Alex, you can't lose this account, number 1 account sila.

"Okay Janet ako na lang kakausap kay Mr. Lee. Your dismiss now."

"Okay Ma'am."

After my talk with Liz I've decided na kausapin na ang kumag na yun.

Isang ring pa lang sinagot na agad ng kumag. Di naman siya excited niyan?

'Hello baby girl! Napatawag ka?'

"Baby girl mo mukha mo. Bakit ayaw mo makipagmeet kay Janet tapos sa ibang brand nakikipagmeet ka!" Galit na sabi ko sa kanya.

Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko. I feel like nabetray ako sa ginawa niya.

'Easy baby girl.'

"Easy easy ka dyan. Makipagmeet ka na kay Janet this week!"

'Bakit sasama ka na ba sa meeting?'

"Hindi pwede busy ako."

'Sorry baby girl busy din ako.'

"Aba't BRYAN JAMES LEE UMAYOS KA NGA!"

Rinig na rinig ko ang lakas ng tawa niya. 'Maayos naman ako baby girl e.'

"Bry bakit mo ba ko pinahihirapan?"

'Pinapahirapan? That's the least thing I want to do to you baby girl.'

"Kung ganoon makipagmeet ka na kay Janet."

'Okay no problem basta kasama ka.'

"E hindi nga ako pwede e."

'E di hindi din ako pwede'

Patience Alex patience. Again count 1-10 ang calm down.

'Hello baby girl andyan ka pa?'

"Pagsumama ba ako magiging available ka na?" nagtitimping sabi ko

He chuckled. 'Oo naman kahit ngayon na ipapacancel ko lahat ng meeting ko.'

I close my fist. Inhale exhale... afte that I try to compose myself. "Okay the Bryan meet us tomorrow 10 in the morning at your office."

'Sure its a date.'

"Okay. Bye."

After our talked I send a message to Janet informing her about the meeting.

***

Finally makikita ko na ulit si Alex. Well kahit naman anong presentation ang gawin nila isa lang ang sagot kundi YES. Dahil ibig sabihin nito I'm free to meet her dahil client nila ako. What a wonderful idea Bryan.

Matagal ng sinasabi sa akin ng tita ko ang balak nila to migrate sa Korea. Nasa Seoul kasi ang pinaka main branch/office ng SK Telecom, ang mga pinsan ko ang nagmamanage nun nung naisipan ni tita na branch dito sa Philippines dahil sa ilang mga business nila dito. Naging successful naman ito dito katunayan kami na ang number 1 cellphone dealer sa buong Pilipinas. Kaya naman lahat ng brand e nakikipag usap sa amin. Pero syempre we have an image that we need to maintain, hindi kami katulad ng ilang cellphone dealer or store na parang fiesta sa dami ng mga brand sa store nila. Kami we only chose 5 brands na nagcacater sa class A,B and mid C. And our store is very different sa mga ibang store, dahil sa lawak ng space and designs. Plus we have commercial sample ng lahat ng latest and hightech unit ng 5 brand na yun. E ngayon nga ay madadagdagan na ng 1 brand.

Excited na ako to meet ALex one week na din kasi kaming hindi nagkita. Well pwede namang yung Puchasing head ang kausapin nila pero syempre kung mangyayari yun wala na akong excuse to meet Alex.

First time kong magtagal sa salamin at mag effort na magpagwapo paano ba naman kahit atah hindi ako magsuklay o mag ayos e hahabulin pa din ako ng mga girls. Pero ewan ko ba kahit sa mga niligawan ko before hindi ako nag effort na mag ayos kasi given na naman na hot ako (sabi nila yun okay. Umuoo lang ako kasi totoo din naman haha) kay Alex lang talaga. 

Honestly kanina pa gusto ng paa ko na umalis at pumuntang office ang kaso syempre VIP kaya dapat late entrance. 10am ang usapan namin 15 mins lang ang byahe from my pad to office kaya at exactly 10am pa lang ako umalis.

Pagdating na pagdating ko sa office ay agad akong sinalubong ng assistant ko na si Chad to inform me na nasa conference room na sila Alex.

"Tell them na dito na lang kami sa office ko." 

"Copy Sir." after nun ay agad ng pinuntahan ni Chad sila Alex.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon