Ayoko mang aminin pero nagpapasalamat ako sa pagsama ko dito kina Bryan.
Napaka peaceful ng paligid, nakakawala ng stress.
Nagulat ako ng may mag abot ng orange juice sa akin. Tinignan ko kung sino yun,
"Bry."
"Enjoying yourself?"
"Yeah." matipid na sagot ko.
"I miss you calling me Lo."
Kumunot ang noo ko. "Really?" I chuckled. "I thought ayaw mo nun dahil feeling mo napakalaki ng agwat ng edad natin?"
He checkled. "Yeah at first. Pero I realize na ako lang ang binigyan mo ng endearment kaya gusto ko na siyang laging naririnig. Oh! That’s so gay."
Natawa ako. Oo nga malayo ito sa Bryan na kilala ko.
I never thought na ganito siya ka sweet and kacorny. Paano ba naman puro lang kami asaran before. Parang never pa kaming nag usap ng matino, dahil pag seryoso na pinag uusapan bigla niya akong aasarin.
I miss him, especially the times na wala kaming iniisip basta we enjoy each others company.
Iba talaga pag next level na. Kaso aabot ba kami sa finish line?
"Natahimik ka?"
I smile. "Wala. Naalala ko lang yung datong tayo, yung comfortable, yung free."
Napabuntong hininga siya. "Yeah. Ikaw kasi si ka nag antay. Kung naghintay ka lang ng ilang buwan e di sana tayo na ngayon."
Natahimik ako bigla. Oo tama siya. Ngayon kitang kita ko na na nakapag move on na si Liz. Thanks to Gian.
I trust Bryan’s word. I should give Gian the benefit of the doubt. I should give him a chance to prove na he is sincere with Liz.
Pero iba na ngayon, andyan na si Nic.
"Yeah." Tangi ko lang nasabi.
"Pero hindi pa naman huli ang lahat I still have a year to win you back."
"Bry look, I think we should stop this."
"No. I won’t."
"But this is wrong. Masyado lang mabait si Nic kaya sa pumayag sa gusto mo. But I’m so guilty ’coz I feel like I’m cheating on him. And he don’t deserve it."
"E ako? Paano ako Lex? Yung nararamdaman ko di mo naiisip?"
Natahimik ako. I don’t know what to say.
"Lagi na lang di Nic, yung nararamdaman ni Nic. Paano naman yung nararamdaman ko? Tingin mo ba gusto ko ito? Tingin mo ba na masaya ako sa ginagawa ko? Nasasaktan ako Lex. At tinitiis ko lahat yun dahil sayo. Dahil mahal kita."
I wanted to cry. I can see in his eyes how hurt he is.
Kasalanan ko ito. Ako ang dapat sisihin. Bakit ba ako nagpadalos dalos? Bakit ba ako natakot?
I don’t know what to do anymore.
Biglang nag ring ang phone ko. It’s Nic.
"Sorry Bry. I need to answer this."
I answered it, habang si Bry ay naghihintay lang.
"Yes Nic. I’ll be back tomorrow. See you. Bye."
Pagkababa ko ng phone ay agad kong hinarap si Bryan. Na parang gusto ko agad tumalikod dahil sa nakikita kong lungkot at sakit sa mata niya.
"Sa mga pinapakita mo, sa mga pinipili mo. Parang... parang gusto ko ng maniwalang wala ng pag asa... na siya ang pinili mo..." matapos niyang sabihin yun ay agad siyang umalis.
Nanlumo ako. Ano ba itong nagawa ko. Akala ko ito yung mas mabuting gawin.
Tama si Bryan hindi ko naisip kung masasaktan siya o hindi sa mga ginawa ko.
I’m sorry Bry. I don’t think I deserve you, even Nic. I don’t deserve any of the two of you.

BINABASA MO ANG
MY BF's BF
Fiksi UmumHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...