Chapter 3-revised

3.4K 40 1
                                        

Its been 3 years since we started to build our own company, the R2 corporation. R2 comes from our surname Ramirez and Rivera.

Liz is 2 years older than me. Our parents are the best of friends kaya naman hindi na rin nakakagulat na naging magbest friend kami ni Liz.

Both our parents are successful business man, my parents are into hotels and malls while Liz's family are into airline.

We are very thankful that we have siblings and mga kuya pa kaya hindi kami pressured to take over our family business. Malaya kami to choose our own career path.

Pero hindi rin naman malayo. Kasi we're also into business but we want to establish our own name, ayaw namin dumikit sa success and name ng family namin. Kaya din siguro nag iba kami ng industry.

Our company is a distributor of a cellphone brand, so we are in the telco industry. Impluwensya na rin siguro ng pagkahilig namin sa gadget kaya when someone offer to us to distribute Sapphire, the cellphone brand that we are carrying right now, we accept it right away.

We love challenges and we consider Sapphire as a challenge. Kasi naman ang dami ng naglabasan sa Philippines na mga brand ng phone, kaya how can we make that brand standout, is the challenge for us.

And I'll tell you hindi siya talaga madali. It took as 2 years to reap all our investment for this brand. That's why i am so proud that our brand is now the most 'must have' gadget or brand of the elite here in the Philippines.

I'm the owner slash Sales and Marketing Director of the R2 Corp. while Liz is the co-owner slash CEO. Wala namang issue sakin na I'm not the CEO or VP kasi posisyon lang yun. And I'm really into creative and planning kasi talaga. Mas mag eenjoy ako dun kesa taga review and taga pirma lang. Liz naman has a great skills when it comes to people management and business administration, kaya perfect siya for the position.

Dahil patapos na ang 3rd quarter (which we consider the ghost quarter dahil kahinaan talaga ng benta ng mga ganitong month) busy ako for the whole month dahil puro reports and planning ang gagawin ko. 4th quarter kasi is the busiest quarter dahil sa mga holidays like Christmas, na siguradong aakyat sales. Ganoon naman lagi e.

I'm busy reviewing the sales report when my secretary told me that Bryan is outside and wants to talk to me.

I don't want to be rude naman kaya I told her na papasukin si Bry. Honestly after our talked on the phone I decided not to be close with him anymore.

May phobia na kasi ako sa mga Ex ng mga friends ko. Lahat kasi sila after they broke up with them they will ask me out and court me.

And yun ang nagiging dahilan kung bakit nababawasan ang mga friends ko. Well siguro hindi ko naman talaga sila friends to start with. Tsaka kasalanan ko ba na magkagusto sakin ang mga yun.

Don't get me wrong, I'm not defending myself. I know na I'm not doing anything wrong, I did not flirt with them sila lang yung talagang malakas ang loob na magtapat sa akin. And ni minsan wala akong pinatulan sa mga iyon.

Kaya nagiging biruan na namin na bawal akong ipakilala sa mga boyfriend nila mahirap na daw kasi.

Well hindi ko din naman sila pinipilit na ipakilala ako sa mga yun, as if I'm interested. Kaya nga nung pinakilala ni Liz sa akin si Bry yun din ang biro nila sa amin, na hindi daw ba natatakot si Liz na baka magkagusto sa akin si Bry.

"Hi there baby girl!" Nakangiting bati nito.

"Hi Lo! Ano bang ginagawa mo dito? Wala dito si Liz kaya alis na" Pagtataboy ko sa kanya

Lolo and baby girl ang naging endearment namin. Oh diba kami na may endearment? Pero wala yun asaran lang namin yun. Tsaka sa kanya naman nagsimula yun e.

Madalas niya kasi akong asarin noon na bata pa daw ako, na wag mag feeling matured. Kaya bilang ganti tawag ko sa kanya ay lolo 5 years kasi ang age gap namin. Oh diba lolo na?

He smirked. "Hindi po siya ang pinunta ko dito. Break na kami remember? Gusto ko lang pong malaman kung bakit mo ako iniiwasan."

Napalunok ako. Masyado bang obvious? "H-ha? Ano bang mga pinagsasabi mo?" painosenteng tanong ko.

"Hindi ka sumasagot sa text at tawag ko. Sige nga sabihin mo saking hindi mo ako iniiwasan." Seryoso niyang sabi.

'Boyfriend lang kung makareact Bry?' yan sana ang gusto kong isagot kaya lang baka sabihin niya na assuming ako masyado.

"I don't really see any reason why I still need to keep in touch with you, like we're... you know... became friends because your my bestfriend's boyfriend... and now that you two are not together so why will I still be friends with you?" Seryosong sabi ko. As I said before ayoko ng paligoy ligoy.

Natahimik siya. Halata na nalungkot siya sa sinabi ko. Naguilty naman ako. Ang bad ko ba? E umiiwas lang naman ako sa gulo e.

"Ganoon na lang ba yun? We're friends din naman diba?" May halong paghihinakit sa boses niya.

Napakagat ako sa may ilalim ng labi ko. Sobrang nakonsensya naman ako dun. "Yes. Pero kasi parang ang pangit tignan na close pa rin tayo kahit na break na kayo ni Liz knowing na hindi pa rin siya nakakamove on, though I know na nasa process na siya." Sincere na sabi ko. Sana maintindihan niya kung saan ako nanggagaling.

"Alex ganyan ka ba talaga? Why are you keep on thinking about what other may think or say?" Halata ang inis at frustration sa tono niya.

"Bry I'm just doing what I think is right." Seryosong sabi ko.

"Kahit na ang ibig sabihin nun ay mawala ako sayo?"

Hindi ko alam pero may parang may kumurot sa puso ko sa sinabi niyang yun. Gusto kong maiyak dahil sa nakikita kong lungkot at sakit sa mga mata niya. Pero kailangan kong maging firm. Para din ito sa lahat.

"Ang deep naman nun Bry. Pero well sa sitwasyon ngayon I think yes. But I hope in time we will be friends without ... you know... thinking what other people will say." Sabi ko ng may halong joke to lighten up the mood.

"Are you sure that its okay with you to let me go?"

Napapikit ako. Ayoko man pero kailangan.

Huminga ako ng malalim. "For now. Yes." hirap man pero thankful ako na nasabi ko yun ng hindi nagstutter. 

Sorry Bry this is for the best. Lalo pa't alam kong hindi pa nakakamove on si Liz sayo. Sigurado ako masasaktan yun pag nagkita kayo lalo pa't alam niya na may girlfriend ka na. Wait speaking of girlfriend.

"Bry yung about sa new girlfriend mo totoo ba yun?"

Umiling lang siya.

"So bakit sinabi mong meron?" Curious na tanong ko. Nasaktan pa tuloy ang best friend ko.

"Because I know Liz is with you. Alam ko namang you are not interested whether I have a new girl or not." May halong hinanakit ang tono niya.

I chuckled. "Well yes. Pero buti na lang hindi nabasa ni Liz yung reply mo na name ng girlfriend mo."

Nagkibit balikat lang siya at nagpaalam na umalis.

He really look sad, I feel sorry for him pero I need to do this.

I will miss him.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon