Chapter 29

1.9K 24 0
                                        

Nakapagdesisyon na ako. I need to win Bryan back. Mas hindi ko pala kaya na mawala siya sa akin. Tama na itong nonsense na mga excuse ko.

I want to be happy, alam kong magiging masaya ako kay Nic but I want to be fully happy and I know na mararanasan ko lang iyon kung si Bryan ang pipiliin ko.

Ayoko din na maging unfair kay Nic. She deserve someone better.

Kasama ko ngayon si Nic. We invited our parents to tell them na hindi na namin itutuloy ang kasal. Nic assure me na he is with me. Tutulungan niya ako to convince both parties na ito ang tamang desisyon, and nararapat para sa amin ni Nic.

"Mom, Dad..." Panimula ko

"Yes princess?" Nakangiting sabi ni mommy.

Kinabahan ako at the same time nagi-guilty. Sa itsura ng mga parents namin ni Nic parang ayoko ng ituloy ang plano.

Kanina pagdating na pagdating namin ay masayang masaya sila sa pagplaplano mula sa kasal, honeymoon hanggang sa magiging bahay namin. Ultimo apo gusto na din daw nila. Kung pwede nga lang daw ay ngayong taon na ang kasal.

Tumingin ako kay Nic. Nakahawak siya sa aking kamay. Ngumiti siya ngunit umiling ako. Tila ba sinasabi ko na ayoko ng ituloy ang plano.

"Ma, Pa hindi na namin itutuloy ang kasal" biglang sabi ni Nic na mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ko.

Nalaglag ang panga ng mga parents namin.

"What do you mean Nic?" Seryosong sabi ni Tito.

"Dad hindi namin mahal ang isa't isa. Unfair para sa amin na magpakasal." Sagot ni Nic.

Si Nic ang nagsasalita na para bang siya ang may pinaglalaban. Samantalang ako ay tila nawalan ng boses. Gusto ko mang magsalita pero parang walang lumalabas sa bibig ko.

"I thought you two are getting along..." Nalilitong sabi ni mommy.

"Yes Tita we are. But we see each other as friends. Nothing romantic." Paliwanag niya

"Alexandria" seryosong sabi ni dad

"Y-yes?"

"Wala ka bang sasabihin? Wala ka bang reaksyon?" Seryosong tanong ni dad.

Mas lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"T-tama po s-i N-nic" nauutal na sabi ko.

"Tito alam ko po na mahirap tanggapin ang biglaan naming pag atras sa kasal. Mabait at masarap kasama si Lex, pero hanggang kaibigan lang po talaga ang kaya naming ibigay sa isa't isa." Paliwang muli ni Nic

"May iba ba?" Seryosong tanong ng Daddy ko. "Kaya ba hanggang kaibigan na lang ang kaya mong ibigay sa anak ko, dahil may iba kang gusto?" Galit na tanong ni Daddy.

Nanlaki ang mata ko sa takot. Tumingin ako kay Nic. Nakahawak pa din siya ng mahigpit sa akin.

Di ko na namamalayang tumulo ang luha ko.

"Sagot!" Sigaw ni Papa.

Napapikit ako sa takot.

"Opo." Sabi ni Nic.

Binuksan ko ang mata ko at tumingin kay Nic. Umiiling ako. No, hindi. Ako ang may iba at hindi si Nic. Masyado na akong madaming atraso kay Nic.

Tumayo ang daddy ko. Nakita kong nakakuyom ang kamao niya. Hinila niya kami ni mommy at walang sabi sabi na umalis.

Nasa bahay na kami at hindi pa din umiimik si daddy. Paakyat na ako ng kwarto ng bigla akong tawagin ni Daddy.

"Alex..." Seryosong sabi ni daddy.

"D-dad?" Bakas sa boses ko ang kaba.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni daddy "I'm sorry Princess. I just want you to be happy. Pero ang Nic na yun."

Gumanti ako ng yakap. Nagi-guilty ako.

Umiling ako "no dad. Napakabait ni Nic. Siya ang perfect fiancee." Pagtatanggol ko.

"But he hurt you."

Umiling ulit ako. "No dad. Wala siya ginawa kundi ang alalayan ako. I'm sorry Dad."

Kumalas ng yakap ang daddy ko.

Ipinagtapat ko sa kanya ang buong nangyari. Luckily naintindihan ako ni Daddy. He told me to run after Bryan.

Nandito ako ngayon sa unit ni Bryan. Dahil sa penthouse ang unit niya, kailangan muna ng approval ng may ari. First time ko kay di pa ako kilala ng guard.

"Ma'am sorry po pero naka alis na po si Sir Bryan."

"Ah ganoon ba?"

"Opo kanina-nina lang pong umaga. May kasama siyang babae, girlfriend atah niya."

Biglang kumirot ang puso ko sa narinig. Parang nanghihina ang tuhod ko. Hindi kaya kinalimutan na talaga ako ni Bryan? Hindi na ba niya ako mahal?

"May dala po silang maleta... Pupunta atang states. Oo nga States nga ang sabi ni sir."

Nanlaki ang mata ko. "H-ho?"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni manong guard at agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Gian.

"Alex?"

"Gian! A-andito ako sa u-unit ni B-bryan. Ang sabi ng guard p-pupinta na daw siyang S-states?"

"Oo Alex. Actually andito pa kami sa airport kakahatid lang namin sa kanila."

Sa sinabing iyon ni Gian ay hindi ko na napigilan ang pagtumba ko. Kanina pa naghihina ang tuhod ko.

"Ma'am okay lang kayo?"nag aalalang sabi ng guard.

Tumango ako bilang sagot.

"Alex anong nagyayari? Okay ka lang ba?" Bakas sa boses ni Gian ang pag aalala.

"Oo okay lang ako Gian. Thanks."

Yun lang at binaba ko na ang phone.

Umiwi akong sawi. Matapos ang lahat, ito lang pala ang mangyayari. Kasalanan ko ang lahat. Maybe ito na ang consequence ng mga desisyon ko.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon