"Nic hindi kita maintindihan. Bakit ka pumayag sa gusto ni Bry?"
Kasalukuyan na kaming nagdidinner ni Nic. Mula pag alis namin sa opisina hanggang ngayon ay nakasimangot ako.
Sino ba naman kasing matutuwa sa nangyari? Wala akong magawa dahil pareho na silang sumang ayon at hindi na ako pinapansin kanina.
"I’m just doing you a favor." Nic answered.
Tumaas ang kaliwang kilay ko.
"Doing a favor? Tingin mo Nic anong magiging reaction nila daddy pag nalaman nilang nagpapaligaw ako sa iba kahit na may fiancee na ako? And your mom and dad ano na lang magiging tingin nila sa akin?"
Hay naku ano bang utak meron itong si Nic? Alam kong mabait siya pero OA na ito.
"And kahit anong gawin ni Bry ikaw pa din ang papakasalan ko." dagdag ko.
"E di wala kang dapat ipagworry." sabi ni Nic.
Hindi ako sumagot.
He sighed. "look Lex I talked to Liz-"
Nanlaki ang mata ko. "You talked to Liz?"
Kelan? Bakit hindi ko yun alam?
"Yes. And she tell me more about you and Bryan. She’s so guilty sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ka mapipilitan magpakasal sa akin."
"Nic..."
Nagi-guilty ako. Ayokong makarinig si Nic ng mga ganoon. Na para bang ipinamumukha sa kanya na siya ang kontrabida dito.
"I want you to marry me because you really want to marry me not because you are force to marry me."
"I want to marry you Nic, they did not force me."
"Yes because you are running away from Liz and Bryan."
Hindi ako makapagsalita. Wala akong ibang maramdaman kundi guilt.
"Sorry Nic."
Ngumiti siya sa akin. "Its okay. I just hope na in the end ako pa rin ang piliin mo. Pero kung hindi, okay lang. I will be happy for you."
Hindi ka tao Nic. Isa kang anghel. Sobrang bait mo. Tingin ko tuloy hindi ako deserving para sayo.
"Kelan nga pala kayo nag usap ni Liz?" curious na tanong ko.
"Yesterday. Nagkita kami sa isang cafe."
"What do you think of Liz?"
Kumunot ang noo niya. "Bakit mo tinatanong yan? Nilalakad mo ba sa akin ang kaibigan mo?"
Kinagat ko ang ilalim ng aking labi. Guilty ulit.
"Kasi naman sobrang bait mo, feeling ko hindi ako deserving para sayo. Tingin ko mas bagay kayo ni Liz."
Napailing siya.
Kinagat ko ulit ang baba ng labi ko. "Sorry."
"Its okay. Mukhang kailangan ko ng maghanda sa panliligaw sayo dahil mukhang lamang na ang kalaban ko." he chuckled.
"Nic fiancee na kita."
"Oo nga pero di pa tayo kasal."
"Bahala ka nga. Basta matutuloy ang kasal natin. Unless hindi na ako ang gusto mong bride."
Yes Nic kahit anong mangyari papanindigan ko ang desisyon ko. Its the least thing I can do for you.
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
General FictionHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...