Alexandria Ramirez :)
Teka pangalan ko yan ah?!
Bigla akong nakaramdam ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko na tila ba kinakabahan.
Pinagtritripan ba ako ng matandang ito? I was about to text him when Liz ask me regarding Bryan's reply.
"Ano sis nagreply na ba?" Tanong nito
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Buti na lang talaga at binasa ko muna ang reply ni Bryan dahil kung hindi baka kung anong isipin ni Liz.
Syempre napakalabo naman coincidence lang na magkapangalan kami ng bago niyang girlfriend. Tsaka parang di ko atah alam na may boyfriend na pala ako at ex pa ng bestfriend ko? Kaloka siya!
Tsaka baka tulad ng mga kaibigan namin baka isipin din ni Liz na inaahas ko ang boyfriend niya at mawala siya sa akin.
At yun ang hindi ko kakayanin. Mas gugustuhin ko pang maging old-maid for life kesa mawala sakin ang best friend ko.
"H-ha? Hindi pa. Hay naku hayaan mo na nga yun." Sabi ko na lang.
"S-sige. Sis alis na ko." Malungkot na sabi ni Liz.
Naawa ako for her. Alam ko at nararamdaman ko na mahal pa niya si Bryan. At yang Bryan na yan lagot sakin yan mamaya. Ipapahamak pa ako sa reply niya kanina.
***
Pagkaalis na pagkaalis ni Liz ay agad kong tinawagan si Bryan.
'Hello girlfriend!'
Aba't ang kapal ng mukha.
"GIRLFRIEND KA DYAN? BRYAN JAMES LEE UMAYOS KA NGA!"
'Easy ka lang girlfriend!'
Galing talaga ng lalaking ito na bwisitin ako. Alex inhale exhale... relax... I count 1-10 para pakalmahin ang sarili ko.
"Bryan seryoso ako. Nasasaktan ang bestfriend ko." Seryosong sabi ko.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ng bestfriend ko ng umalis siya kanina.
'Sige na sige na sorry. E kasi naman mga tanong mo e. Bakit mo ba kasi tinatanong kung may bago na kong girlfriend? Gusto mo bang mag apply?'
K-A-P-A-L ng mukha. Hmpf! Hindi porket gwapo siya, hot and mayaman e papatulan ko na siya. Well boyfriend material naman kasi talaga siya. Idagdag mo pa ang pagiging koreano niya.
Malakas kasi talaga ang appeal sakin ng mga korean. Yun kasi ang pangarap ko ang makapangasawa ng korean. Medyo adik kasi ako sa panonood ng mga korean drama. And super gusto ko yung mga lead actor sa mga dramang yun. Kaya ayun naging interesado na ako sa mga korean.
Actually crush ko na noon pa si Bryan. Matagal ko na siyang gustong mamimeet ang kaso naunahan lang ako ni Liz. Hindi ko na rin sinabi kay Liz na may crush ako kay Bryan. Para ano pa? Mamaya magulo lang sila.
"Tigilan mo nga ako. Hindi ako pumapatol sa ex ng mga friends ko lalo na kung ex ng bestfriend ko!" Inis na sabi ko.
Natahimik siya. Ooops may mali ba akong sinabi? Naoffend ko ba siya? Pero bakit naman siya maooffend?
"Hoy bakit ka natahimik dyan?"
'A-ah e wala. Alex given a chance mainlove ka sa ex ng isa sa mga naging kaibigan mo anong gagawin mo?'
Kumunot ang noo ko. Bakit niya tinatanong? "Iiwasan ko siya." Mabilis kong sagot.
'Bakit naman? E paano kung inlove din siya sayo?'
Ano ba itong mga tinatanong ni Bryan? "Iiwas pa din ako."
'Bakit naman?'
"Hindi ako kumportable. Basta ayoko." Ano ba kasing pinagtatanong nitong matandang ito.
Tahimik ulit siya. Teka nga bakit ba siya nagtatanong? Hay naku maiba na nga lang ang topic.
"Hoy lolo ikaw nga magsabi ka sakin, may babae ka ba habang kayo pa ng bestfriend ko?" Di ko na malipigilang tanong.
Kasi naman diba mamaya totoo nga yung nararamdaman ni Liz. Tutal hindi naman niya kayang tanungin e di ako na lang ang magtatanong para sa kanya.
'H-ha? Yun ba ang sabi niya sayo?'
"Oo. E ano nga ba talaga ang reason bakit kayo nagbreak dalawa?"
'May pangangailangan kasi ako na hindi niya kayang ibigay.'
Kumunot ang noo ko. Pangangailangan? Ano naman yun? Naghihirap na ba siya at kelangan niya ng pera? Pero kung yun lang e mayaman naman si Liz so kaya niya yung ibigay.
"Ano naman yun?" Tanong ko.
'Seryoso gusto mong malaman?'
"Oo nga pasuspense ka masyado" naiiritang sabi ko.
'Hmmm... promise mo muna hindi magbabago ang tingin mo sakin pag nalaman mo.'
Napalunok ako dun. Ano kaya yun? Hmmm...
'Huy ano promise mo?'
"S-sige na. Ano ba yun?" Sabi ko na lang.
Grabe kakaba naman itong si Bryan.
'Sex.'
Biglang nanlaki ang mata ko. Ano daw? S-sex? As in sex? Tama ang narinig ko?
"H-ha?" Tanong ko. Mamaya namali lang ako ng narinig.
Bigla siyang tumawa ng malakas. Aba't siraulo atah itong lalaking ito.
'Nagulat ka ba?'
Tingin niya sinong hindi magugulat sa sinabi niya. Oh my gosh my virgin ear.
"Seryoso Bry yun nga?" Baka naman kasi ginugood time niya lang ako.
'Oo.'
Napalunok ako. "Dahil hindi niya yun mabigay kaya kayo nagbreak?"
'Oo nga.' Medyo may bahid na ng pagkakairita ang boses niya.
"Ah o-okay bye." Sabi ko na lang.
'Uy wait sabi-"
Di ko na siya pinatapos magsalita at inend ko na ang call.
Bigla naman akong nadisappoint sa kanya. Well I'm proud of my bestfriend kasi hindi siya bumigay. Pero sobrang nadisappoint talaga ako kay Bry hindi kasi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya. Wala naman kasi sa itsura niya ang pagiging manyak e. Baka yung mga kabarkada pa niya pero siya? Napakaharmless niya kayang tignan.
Perfect Guy kaya ang PEG nito. He's hot (as what other people describe him), successful business man and a loving son.
Kasi alam niyo ba hinayaan niya ang father niya to have his early retirement para naman magkaroon na yung parents niya ng quality time together.
Alam niyo na kapalit ng success and wealth is medyo nacocompromise na yung time with their family. Kaya nga daw ngayon parang honeymoon everyday and PEG ng parents niya.
And because of that, Bryan took over the company at an early age. Kaya naman at the age of 28 ay napakadami na niyang naaccomplish at napatunayan. Kumbaga hindi na lang siya si Bryan na anak ng Lee, ngayon kilala siya as one of the hottest, youngest and successful business man not only in the Philippines but also sa buong Asia.
Dahil mas lalo pang naggrow ang business nila ng hinawakan ito Bryan.
Pero sige given na lalaki siya na may pangangailangan, why not ask Liz to marry him para naman kahit everyday or everynight gawin nila yun okay lang. Tutal nasa tamang age na rin naman sila e.
Baliw talaga yung dalawang yun kahit kailan.
Kaya hindi ako nagkakalovelife dahil sa dalawang yun e!

BINABASA MO ANG
MY BF's BF
General FictionHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...