3 hours before magstart ang product launch, halos hindi na ako magkanda uga-ugaga sa mga ginagawa ko. Check ng venue, ng mga sound system, video presentation, gadget display (dummy and commercial phones), brand ambassador/s, food, clients. Sige nga sinong nagsabing busy ako? Haist... pero actually super enjoy ko ang ganito, ewan ko ba mas nanghihina ako pag walang ginagawa.
"Ma'am good news." kita sa mukha ni Janet na excited siya kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin.
"What's the good news Janet?" Cool na sabi ko rito.
"Nagconfirm na and SK Telecom Ma'am pupunta na sila today!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Janet. Talagang good news iyon, matagal na naming nililigawan ang account na yun, well ano pa nga bang aasahan mo e sila ang number one dealer ng mga cellphone gadgets hindi lang dito kundi pati na rin sa Asia especially sa Korea dahil mga koreano ang may-ari nun.
"Wow Janet good news talaga. Finally!" Hindi ko matago ang saya ko sa balitang iyon.
"Okay Janet I want you to focus on that account let your people entertain your other accounts, I will also accompany you."
"Yes Ma'am. Sobrang kinakabahan ako, balita ko Ma'am bago na daw po ang magmamanage nun kasi nagmigrate na sa Korea sina Mrs. Lee sila na ang mag aasikaso ng branch nila sa Korea kaya daw po yung pamangkin nila ang magmamanage dito sa Philippines."
"Really? Do you have any idea kung sino yung bagong magmamanage?"
"Wala pa Ma'am later pa natin makikilala, kahit yung ibang brands hindi pa din daw namimeet yung bagong magmamanage, pero balita ko Ma'am gwapo daw yun kasing gwapo ng mga Kpop artist"
Napailing na lang ako basta gwapo talaga itong si Janet.
****
30 minutes na lang ay magsisimula na ang program.
"Janet any feedback andyan na ba si Mr. Lee?"
"Ma'am medyo malalate daw po ng konti. Bigla po kasi siyang nagkameeting pero patapos na daw po as per his assistant"
"Copy thanks." after that call agad akong pumunta kay Elaine.
"Elaine I want you to delay the avp for Sapphire's newest product, we can have a special number first before that AVP we are expecting a special client today. I'll give you a cue kung pwede nang ipalabas yung AVP. Got it?"
"Copy Ma'am."
After few instruction pumwesto na ako sa may gilid ng stage kasama si Liz for a short message.
***
After I give a short message agad kong kinuha ang phone ko to check Janet.
"Janet any feedback?"
"Yes. Ma'am nasa parking lot na daw po paakyat na."
"Copy Thanks." After I talked to Janet agad akong pumunta kay Elaine to give some instruction
***
Papunta na ako sa direksyon ni Janet. May kausap na siyang dalawang lalaki. Yung isa ay nakilala ko na when I went sa isang product launch ng isa sa mga competitor namin to research about their former owner. So it means yung kasama niyang lalaki yung Mr. Lee. Nakatalikod pa ito kaya hindi ko pa makita yung mukha.
'Infairness talikodgenic. Sana naman pati sa harap gwapo din.' Ang ganda kasi ng built ng likod nito halata mong naglaan ng oras sa gym. Bagay na bagay sa kanya yung suot niyang black slacks and white longsleeve na tinupi hanggang siko.
Napansin na ako ni Janet. Laking gulat mo ng humarap yung lalaki.
"Ma'am this is Mr. Bryan James Lee, the new CEO of SK Telecom, Mr. Lee this is Ms. Alexandria Ramirez our Sales and Marketing Director"
"Nice to finally meet you Ms. Ramirez" he winked at me.
"B-bryan? Ikaw si Mr. Lee of S-sk T-telecom?"
He smirked. "The one and only."

BINABASA MO ANG
MY BF's BF
General FictionHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...