Bryan invite me to come with him in his private resort in Mindoro. I was hesitant to go with them but when I found out that Liz will be coming also with none other than Gian, I decided to come with him.
"Are you sure di ka sasama?" I ask Nic.
Yes isasama ko siya. Sinabi ko na din ito kay Bryan at pumayag siya ang kaso lang...
"I love to but I can’t malapit na ang movie na gagawin ko ang I need to prepare." Nic said
"Aw. Oo nga pala. Hmmm ... wag na lang kaya akong pumunta? Tulungan na lang kita dun?"
"Ikaw bahala. Pero akala ko ba gusto mong sumama dahil gusto mong bantayan si Liz?"
Ay oo nga pala. Tss. Kasi naman ang bestfriend ko pasaway.
"Oo nga. Haist... kasi diba promise ko I’ll help you sa shoot?"
"Hindi pa naman shooting e... Pre-prod pa lang." nakangiting sabi ni Nic.
Hindi ko alam pero napakagaan ng loob ko kay Nic. Katulad ng kay Liz. Kung hindi ko lang siya fiancee, he can be my best friend.
Napangiti na din ako. "Okay. After ng bakasyon ba ito I’ll help you na."
Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti.
Andito na kami sa resort ni Bryan sa Mindoro. And I must say napakaganda para ka na ding nasa Bora or Palawan at may white sand pa. I wonder bakit hindi ito nasama sa tourist pot sa Pinas.
Para siyang secret treasure ng Philippines.
Malaki din ang rest house ni Bryan. Lahat ay gawa sa kawayan. Napakalaki at napakaganda. Buhay probinsya ika nga pero may air con. Sosyal!
Agad nakita ng mga mata ko sina Liz at Gian. Masyado atah silang sweet.
Pupuntahan ko na sana sila ng may biglang humila ng braso ko.
"Where do you think your going baby girl?" Tanong ni Bryan.
"Saan pa e di sa best friend ko." Inaalis ko ang kamay niya sa braso ko perp masyadong mahigpit ang hawak niya.
"Bry ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Inis na sabi ko.
"Hayaan mo na sila baby girl. Don’t disturb them."
"Anong don’t disturb them? Kaya nga ako sumama dito para bantayan ang best friend ko at yang best friend mo." Naiinis pa ring sabi ko
"Hindi na sila bata para bantayan. At tsaka wag kang mag alala dahil kung sino man ay may magtatangkang manloko o manakit kay Liz ako mismo ang susugod para bigyang leksyon ang taong yun kahit best friend ko pa." Seryosong sabi ni Bryan.
Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya. Alam ko naman na hanggang ngayon ay importante pa rin si Liz sa kanya.
Napangiti ako. Oo nga hindi hahayaan ni Bryan na maloko si Liz.
"E ano pang gagawin ko dito?" tanong ko.
Bryan grin "E di ang asikasuhin ako." Then he winked.
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
Ficción GeneralHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...
