"Tulips for my baby girl."
Napngiti ako habang binabasa ang card na nakalagay sa bouquet ng tulips na bigay ni Bryan.
"Wow Ma’am ang sweet naman po ni Sir Nic." Sabi ng secretary kong si Paula.
Siya ang laging nag aabot sa akin ng mga bouquet na galing kay Bryan.
Nginitian ko na lang siya. Hindi ko na din sinabi sa kanya na kay Bryan ito galin at hindi kay Nic.
Pumasok na ako sa opisina ko bitbit ang bouquet of tulips.
Kahit hindi sabihin o ilagay ni Bryan ang pangalan niya sa card alam ko na sa kanya galing ito.
Siya lang naman ang may tawag sa aking baby girl.
Hindi ko pa din makalimutan ang sinabi niya sa akin nung gabi ng engagement party ko. He will make me fall daw to the point that I will learn to fight for him.
Yes I admit I became a coward. At naisip ko na ang pagpapakasal kay Nic ang solusyon sa sitwasyon kong ito.
Yes I am running away. And Yes I like him but not enough for me to fight for him.
I smile. Akala ko after ng engagement party ay titigil na si Bryan. Akala ko tulad ng iba susuko na pagkatapos ng konting pagsubok to win my heart.
But no. Kinabukasan ng engagement party ko ay simulan na niya ang panliligaw niya. I really can’t believe na seryoso siya sa sinasabi niyang panliligaw.
Every morning I always got a call from him saying na gusto daw niyang unang marinig ang boses ko and vice versa. Then pagpasok ko sa office bouquet of tulips naman. Then sa lunch may bigla na lang dadating na mga food. And pag gabi naman before I went to sleep he will always call me to say good night.
I’m actually getting use to it. And hindi ko alam kung magiging masaya ba ako dun or hindi.
Yes because yun ang nararamdaman ko every time I will hear his voice and receive those flowers and foods and of course his time and effort that he is giving me. Sino bang babaeng hindi gusto yun? No because paano pag kinasal na kami ni Nic? Siguradong iistop niya lahat ng ito and he will move on.
Parang may kumurot sa puso ko ng maisip na magmomove on siya lalo na kung may iba na siyang mahanap na gagawan ng mga ito.
Naputol ang pag eemote ko ng biglang tumunog ang intercom.
"Ma’am nasa conference room na po si Mr. Lee and ang team ni Janet." sabi ni Paula.
"Okay. I’ll be there in a minute."
After a week ay makikita ko na din si Bryan. Masyado kasi kaming parehong na naging busy ni Bryan kaya sa phone lang kami nakakapag usap.
Patapos na ang Q2 kaya andito sina Bryan for us to present a business review for Q2 and plan for the next quarter.
Pagpasok ko sa conference room ay agad kong nakita ang napakagwapong kliyente namin. Ngumiti siya ng makita ako.
"Good morning baby girl." nakangiting bati ni Bryan.
Alam niyo ba yung moment na parang kayo lang dalawa ngayon? Alam kong binati din ako nila Janet pero di ko masyadong naintindihan masyadong akong focus kay Bryan at sa mga ngiti niya.
Nagstart na ang meeting and again nakikita ko na naman ngayon ang serious side ni Bryan. Very professional and very intimidating.
After the meeting umalis na agad sila Janet.
"So lunch?" Sabi ni Bryan.
Napatingin ako sa watch ko. Oo nga lunch na.
Tinaas ko ang kaliwang kilay ko. "Wala bang delivery today?"
He grin. "Wala. Kasi sabay tayong malalunch today." Then he winked.
Tumawa ako at napailing.
"So shall we?"
Tumango ako at umalis na kami.
Dinala niya ako sa restaurant malapit sa office.
Mukhang nakaplano na talaga ang lunch na ito dahil bukod sa nakareserve na seats namin ay nakahanda na rin ang mga food namin.
"Finally." sabi ni Bryan
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"Wala. I’m very happy kasi kasama kita ngayon. Halos isang linggo din kasing puro silip ang ginagawa ko sayo."
"Silip?"
"Yes. I’ve been so busy kasi talaga. Kaya all I can do is to have a glimpse of you. Hindi kasi ako pwedeng lumapiy sayo kasi for sure mahihirapan akong umalis."
My jaw dropped and blushed. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.
But then.
"Bryan mali ito."
"I don’t think so. Mali lang ito kung kasal ka na. I’m just taking my chance. Ayokong magsisisi and mag isip ng mga what if’s dahil wala akong ginawa to win you back."
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
General FictionHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...