Chapter 31

2.1K 25 6
                                    

My BF's BF

Finally after all that happened me and Bryan are getting married.

Dati ang wish ko lang ay makahanap ng tulad ni Bryan pero ngayon siya pa mismo ang binigay ng Lord sa akin. Syempre nahiya naman akong hilingin na maging si Bryan yun dahil boyfriend siya at that time ng bestfriend ko.

Flashback

"Bryan? As in Bryan Lee yung poging koreanong business man? Kyaaa ang swerte mo sis!" Kinikilig na sabi ko ng ikwento sa akin ni Liz na nanliligaw sa kanya si Bryan.

Crush ko kaya yun. Mahilig kasi ako sa korean dahil na rin sa mga napapanood kong korean drama at hilig sa korean food. Kaya ayun pati taste sa boys gusto ko korean din. Iniiisip ko nga din noon na tumirang Korea kaso for sure di papayag sila daddy.

Sikat din kasi sa business world si Bryan kaya kilalang kilala ko siya. Matagal ko na siyang gustong mameet kaso naunahan ako ni Liz. At dahil bestfriend ko siya papaubaya ko na yun sa kanya.

"Gusto mo ipakilala ko siya sayo? Para masabi mo kung okay ba siya or hindi for me." Sabi ni Liz

"No Liz. Mamaya sa akin pa mabaling ang atensyon nun maudlot pa ang lovelife mo." Pagyayabang ko.

"Lakas ng hangin ha." Biro niya.

Nagtawanan kami.

"Sana lang talaga katulad niya ang mapili nila daddy na mapapangasawa ko." Sabi ko. Alam na ni Liz ang tungkol sa arrange marriage sa pamilya namin. Siguro dahil hindi ako tutol ay ganoon din siya.

"Tulad ni Bryan? E pagiging koreano lang naman niya ang nagustuhan mo." Sabi ni Liz.

"Oo nga meaning sana korean ang ipakasal sakin ni daddy" sabi ko naman.

Nagtawanan kami ulit.

Makalipas lang ang ilang buwan ay sinagot na ni Liz si Bryan.

Birthday ni Bryan at invited ako kahit di pa kami magkakilala. Syempre ako atah ang bestfriend ng girlfriend niya kaya dapat lang. Grabe marami kayang koreano dun? Magkalovelife kaya ako doon?

Sobrang engrande ng birthday party na iyon ni Bryan. Talagang pinaghandaan. At in fairness masasarap ang food di tulad sa ibang party na nadala lang sa decor.

Mag isa lang akong nasa party habang hinihintay sina Liz at Bryan ng may lumapit sa aking grupo ng mga lalaki.

"Hi Miss are you alone?" Sabi nung isang lalaki.

In fairness gwapo naman itong 4 ito ang kaso di naman korean. Kaya sorry di ko kayo type.

"No. I'm waiting for my friend." Sagot ko.

"Oh I see. Parang ngayon lang kita nakita. How are you related to Bryan?" Tanong nung isa.

"We don't really know each other except for our names. I'm Liz's bestfriend. And Liz is-" di ako na natuloy dahil sabay sabay nilang dinugtungan ang sinabi ko

"Bryan's girlfriend." Sabay na sabi ng 4.

"And we're Bryan's best pal. I'm Drake and this is Josh, Chase and Gian." Pakilala nung Drake.

"Ah. I'm Alex"

"Nice meeting you Alex. Matagal ka ng nakwekwento ni Liz. Finally na meet ka din namin." After Drake said that as if on cue dumating ang dalawang magboyfriend.

"Alex!" Excited na bati sa akin ni Liz.

"Hon this is my bestfriend Alex, Alex si Bryan." Pakilala ni Liz sa amin.

Nakipagkamay siya sa akin at nakipagkamay din ako sa kanya.

"Finally nameet na din kita. Ginugulo ka ba ng mga to?" Sabi ni Bryan.

Napangiti ako. Ang gwapo niya talaga. Parang siya yung mga napapanood ko sa mga korean drama.

"Hey sis boyfriend ko ito bawal pagpantasyahan. Don't worry ipapakilala ka niya sa mga friends niyang korean" biro ni Liz.

Napailing na lang ako. Tamang ishare ang kalokohan kong yun?

Simula ng pagkikitang iyon ay naging close na kami ni Bryan. Siya na rin kasi ang tanungan ko sa mga gusto kong malaman sa Korea.

End flashback

"Hey!" Bati ni Bryan. "Tired?" Tanong niya.

Katatapos lang kasi naming asikasuhin ang mga kakailanganin sa kasal. Grabe sobrang dami naming aasikasuhin. 1 week na lang din kasi at araw na ng kasal namin kaya mas nakakapagod.

"Medyo. Pero nasanay na ko, dahil tinulungan ko sila Nic nung kasal nila.

"Speaking of di mo la nakwekwento sa akin kung anong nangyari simula nung umalis ako." Sabi niya.

I rolled my eyes nung maalala ko yung ginawa kong pagpunta sa unit niya.

"After our Mindoro vacation, I talked to Nic and I told him that I am choosing you over him." Sabi ko.

"Really?" Parang hindi siya makapaniwala sa narinig.

Ito kasi ang unang beses na pag uusapan namin ito. Hindi naman sa iniiwasan naming pag usapan pero kasi masyado kaming naging busy sa kasal. Nagmamadali kasi si Lo, tumatanda na kasi.

"Oo. Kaya kinabukasan we invited our parents sa isang dinner to tell them our decision. And you know what? Nic took all the blame. Sinabi niya na kaibigan lang ang kayang ibigay sa akin. Pero syempre I won't let his name be ruined because of me. Kilala ko si daddy. Kaya sinabi ko yung totoo."

"Then?"

"Then pumunta ako ng unit me. And to my surprise nakalipad ka na papuntang states, kasama ang future wife mo." Sarcastic na sabi ko.

"Really?" Gulat na sabi niya.

Sinabihan ko noon sina Gian na wag sabihin kay Bryan ang ginawa kong desisyon, akala ko kasi talagang magpapakasal na siya dun at ayaw ko namang guluhin yun. That time kasi naniwala ako na baka hindi talaga kami.

Until we found out na hindi naman pala siya ang pinakasalan ni Delle. Pero hindi ko pa din sinabi kay Bryan ang naging desisyon ko. Reason ko noon, baka we both need space and peace. Pag stable na kami emotionally and kung mahal pa namin ang isa't isa e di okay, happily ever after ang drama namin.

"Yep. Ano nga palang nangyari bakit hindi ikaw ang pinakasalan ni Delle?" Tanong ko.

Pinisil niya ang ilong ko. "Bakit ko naman papakasalan yun e ikaw ang mahal ko?" Seryosong sabi niya.

Bigla naman akong namula sa sinabi niyang yun.

"Tss. Akala ko kasi totoo yung sa usapan niyo noon e." Parang batang nagtatampo kong sabi.

He chuckled. "Silly girl. That's actually Delle's plan kaso di agad umepekto e inabot pa tayo ng 1 year e. Tsaka matagal ng may boyfriend si Delle. And nung bumalik siya dito is para tulungan ako sayo at sunduin na rin dahil ako ang best man sa kasal niya." Paliwanag niya.

Natawa naman ako sa mga nangyari sa amin. "But I guess its for the better. At least now mas peaceful and hindi complicated.

"Agree."

****

N/A

Naisipan ko lang lagyan ng epilogue. Okay ba or bitin pa din?

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon