Tomorrow na ang engagement party namin ni Nic kaya naman napakabusy ng week na ito, buti na nga lang at tapos na ang busy week ng Sapphire dahil nacascade na lahat ng program sa mga dealers at puro execution na lang.
Maaga kong dinismiss ang sales and marketing team dahil may dinner kami ni Nic.
Halos everyday na nga kami magkasama ni Nic. Dahil bukod sa getting to know stage namin ay pinag uusapan na rin namin ang next inde movie na gagawin niya.
Sobrang excited na ako sa movie na yun. First time kong makakakita ng actual na shoot.
Sa totoo lang sa tuwing kasama ko si Nic ay masaya ako. Para siyang si Liz, magaan kasama. Hindi tulad pag si Bryan laging may kaba at takot.
Papunta na ako sa lobby para doon na hintayin si Nic ng makita ko si Bryan na may dalang bulaklak.
Biglang kunmunot ang noo ko. Para kanino ang mga bulaklak na dala niya?
Para kay Liz?
Nagkabalikan na ba sila?
Teka bakit parang may kumurot sa puso ko?
Diba dapat maging masaya ako para sa kanila?
Isa pa ikakasal na ako...
"Hey baby girl!" nakangiting bati sa akin ni Bryan
"Lo!" pinilit ko ang ngumiti.
Kitang kita sa mga ngiti at mata niya na masaya siya. Pero bakit parang di ko kayang maging masaya para sa kanya.
Inabot niya sa akin ang bulaklak.
Hindi ko kinuha ang mga bulaklak. Nakatingin lang ako sa mga ito na nakakunot ang noo.
"For you baby girl!" nakangiti pa ring sabi niya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat.
Para sa akin?
Bakit?
Is he happy now because Im marrying someone else?
Dapat maging masaya ako diba? Dahil mukhang nakamove on na siya.
"For what?" tanong ko at hindi pa rin tinatanggap ang bulaklak.
"Because I'm courting you." cool na sabi niya.
My jaw dropped. "W-what? Are k-kidding me?"
"No. I’m serious. I talked to Liz she already moved on. Kaya pwede na kitang ligawan."
"BRYAN ARE YOU CRAZY? I’M ALREADY ENGAGED! BUKAS NA ANG ENGAGEMENT PARTY KO TO INFORM THE PUBLIC. KAYA ANO YANG COURTING COURTING NA SINASABI MO?" tumaas na ang boses ko.
My gosh ano bang iniisip nitong si Bryan.
Kibit-balikat lang siya.
I try to calm my self. I count 1-10 before I speak.
"Look Bryan, Nic and I are getting married. And hindi niya deserve ito. Isipin mo naman ang mararamdaman niya sa ginagawa mo." I told him almost pleading.
Nandilim ang mukha niya. "Bakit ako deserve ko bang biglang malaman na ang babaeng mahal ko, na hinihintay ko ay bigla na lang magpapakasal dahil lang ayaw niyang masaktan ang bestfriend niya?" Seryosong sabi niya. "Inisip mo ba ang nararamdaman ko sa pagpayag mong magpakasal sa Nic na yun?"
Wala akong maisagot. Sobrang guilty ako. Sa sobrang gusto kong takasan ang complikadong sitwasyon namin 3 ay pumayag akong magpakasal kay Nic.
But still, Nic doesn't deserve this.
"Bry look I'm sorry-" di na ako pinatapos ni Bryan magsalita
"Sorry? Yun lang? Lex I cant let you go. I know you like me too. Kung si Liz ang iniisip mo okay na siya sa atin wala ka nv dapat ipag alala." napakadesperadong sabi ni Bryan
"Bry hindi na lang naman tayo ang dapat isipin dito e. Nic is a very nice guy, I don't want to hurt him."
Napatawa ng mapakla si Bryan "At ako okay lang masaktan? GANOON BA YUN ALEX!" Sigaw niya. Kita ko sa mga mata niya ang galit.
"I’m sorry Bry." Yun lang ang kaya kong sabihin sa kanya.
"Lex ngayon ko lang ginawa ito. I’ve never been this desperate. Ngayon lang!"
"I’m sorry Bry." sorry Bry yan lang ang kaya kong sabihin sayo.
"No Alex I will court you whether you like it or not." may finality na sabi niya.
"B-but-" pipigilan ko pa sana siya ng biglang may magsalita mula sa likuran ni Bryan
"Okay. If that’s what you want." Napalingon kami pareho ni Bryan.
Its Nic.
"Pumapayag ka?" Tanong ni Bryan.
"Yes. May the best man win" sabi ni Nic sabay offer ng kanang kamay niya to seal the deal.
Bry smirked. At nakipagkamay dito.
----
N/A
react react din po pag may time.
Ano po masasabi niyo sa chapter ngayon?
vote and comment. Thanks

BINABASA MO ANG
MY BF's BF
Ficción GeneralHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...