Chapter 4-revised

3.1K 35 1
                                    

"Are you sure that its okay with you to let me go?"

"For now. Yes."

Paulit ulit na bumabalik sakin ang pag-uusap namin ni Alex.

Hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap ang desisyon niya na huwag munang makipagkita o kahit makipag usap o kahit text man lang sa akin.

Mas mahirap pa itong tanggapin kesa nung nakipagbreak sakin ang bestfriend niyang si Liz. Though inaamin ko na sinadya ko ang lahat para makipagbreak sa akin si Liz.

Liz is a great person. Kaya ko nga siya nagustuhan e. Gusto ko naman talaga siya at seryoso ako sa intensyon ko sa kanya nung niligawan ko siya. Kaso nung nakilala ko si Alex, everything has changed.

Hindi ko din naman matanggap nung una e. Pinilit kong paniwalain ang sarili ko na nakikita ko lang si Alex as my littler sister. Kasi naman 5 years ang age gap namin. Pero hindi e, alam ko na hindi lang little sister ang tingin ko sa kanya. I knew that I love her.

Pinigilan ko naman nung narealize ko na mahal ko na siya. Sinubukan kong umiwas at hindi siya kausapin o kahit anong means to communicate with her kaso wala e di ko talaga kaya. Mababaliw atah ako pag hindi ko siya nakausap.

And I don't want to be unfair with Liz. She doesn't deserve this. She doesn't deserve me. Alam ko na there is someone na mas perfect o mas deserving para sa kanya. Na mas mamahalin siya.

I heard about the rumors about Alex. Na ang mga nagiging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya.

Nung una natawa ako ng ikwento sakin yun ni Liz. Winarningan niya kasi ako nung birthday ko, nung araw na pinakilala niya si Alex sa akin. Ang sabi ko never mangyayari sa akin yun dahil mahal ko at seryoso ako kay Liz.

Pero ito ako ngayon at nahulog din kay Alex. Sino ba naman kasi ang hindi mamahulog sa isang Alexandria Ramirez?

Bukod sa maganda, sexy ay napakasayang kasama, kalog, walang arte sa katawan and very reponsible. She's too matured nga for her age kaya ko nga siya tinatawag na baby girl just to remind her na she's still young. Pero ang baliw na yun, tinawag naman akong lolo.

Sa gwapo kong ito tatawagin niya akong lolo?!

Siya nga lang ang kayang bumasag sakin ng ganoon e. Dahil yung iba naiintimidate o kaya naman ay nangingisay sa kilig.

She's always an exemption. Dahil sa kanya may mga bagay na di ko hilig gawin pero nagagawa ko. Like text and call, I'm not really into those things.

Walang araw na di ko siya katext o katawagan. Para akong bumalik sa pagiging teenager. Kahit na nga noon teenager ako ay hindi ko ito nagagawa e. Alex is really different.

Kaya napakahirap ng gusto niya ngayong mangyari.

Nakasanayan ko na kasi ang magtext ng 'Good morning baby girl!' O kaya naman 'Good night Baby Girl!'.

Nasanay na rin ako na kausap siya tuwing lunch break, kung minsan pa nga kahit hindi break basta mamiss ko lang siya.

"Hey dude spacing out again?"

I was in the middle of my thoughts when Josh ask me.

"H-ha?" wala sa sarili kong sabi.

"Let me guess... is it because of your baby girl?" Nakangising sabi ni Chase.

Pilit akong napangiti. "She let me go." Malungkot kong sabi.

Ang sakit, first time ko atah maka experience ng ganitong heartbreak. Wala pa man busted na.

Josh, Chase, Drake and Gian are my college buddies. They knew about my situation. They knew that I fall inlove with my girlfriend's bestfriend.

Sila nga actually ang nagparealize sa akin ng bagay na yun noon e. Kasi naman diba why would I entertain those kind of thoughts e may girlfriend ako at bestfriend pa niya iyon.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon