Chapter 9

2.6K 30 1
                                    

First time ko makapasok sa office ni Bryan. Sobrang laki ng office niya, para yatang 3x ang laki nito sa office ko. Simple but elegant ang office niya. Parang VIP suite sa isang five star hotel. 

Ang cool din ng dating ni Bryan habang seryosong nagbabasa ng mga papers sa kanyang office table. Ibang iba sa Bryan na laging nang iinis sa akin. 

'a different side of Bryan.' ani ko sarili

"Sir Ms. Ramirez and her team are already here." 

At doon lang napansin ni Bryan ang presensya namin. Dahan dahan niyang inangat ang kanyang mukha tungo sa direksyon namin at ngumiti. 

And weird ng pakiramdam ko, bakit bigla bumilis ang tibok ng puso ko ng ngitian ako ni Bryan. 

Nagsimula agad kami sa presentation c/o syempre ng team ni Janet. Very professional ang naging meeting namin. Tulad ng mga ibang accounts ay madami ding mga binatong tanong sa amin si Bryan and he also discuss their terms with the brands that they are carrying. This is the side na ngayon ko lang nakita kay Bryan. Kung hindi ko nga siya personal na kakilala e siguro baka makaramdam ako ng intimidation. 

Naging successful ang meeting namin with Bryan. Well expected na rin naman namin na talagang maoopen namin ang account na ito. Hindi lang dahil kay Bryan kundi dahil confident kami with our brand.

Ito na yung matagal naming hinihintay. Now na nakapasok na kami sa SK Telecom, sure na ang tuloy tuloy na success ng Sapphire. SK Telecom is the number 1 cellphone store in the Philippines because of their different approach with consumer. If the other stores are giving discounts or they lessen their price to attract consumers SK Telecom is the exact opposite, instead their price are higher than the unit SRP. 'No room for 2nd best we are nothing but the best' that's the message that they are giving to the consumer kaya naman kuha nila ang Class A, B and Mid C consumer. Kumbaga sosyal ka kung dun ka bibili ng phone. And kung andun ang brand mo ibig sabihin your brand is one of the best. Their store din is 3x or 4x bigger that the other cellphone stores. Hindi din ganoon kadami ang branch nila but one store is equivalent of 10 stores of the competitor.

Halos 12nn na nung matapos ang meeting namin. Inaasikaso na lang ang mga papers for requirements of our partnership na siyang inaasikaso nila Janet and Chad.

"Hey"

Bigla naman akong mapatalon ng may magsalita na napakalapit sa likod ko. 

"Ya Bryan!" 

*Ya means hey in korean

He chuckled. "Koreana ka na pala ngayon?"

I rolled my eyes. "Nag "Ya" lang korean na agad? Hindi ba pwede na adapt ko lang kakapanood ng mga korean drama?"

Pinagtawanan lang niya ako. Hilig ko kasing manood ng mga korean drama. Kaya naman nakukuha ko na ang mga expression nila. Sa totoo lang may balak na din akong mag aral ng korean pero lilinawin ko lang hindi iyon dahil kay Bryan okay? Kundi dahil sa Sapphire, korean brand kasi ang Sapphire. And knowing the english accent of asians especially ang mga singkit kailangan talagang umeffort para magkaintindihan. Kaya naman para less hassle I am planning to learn their language.

"Okay sige na. Anyway, lunch time na is it okay to invite you for lunch?"

Hmmm as if naman makakatanggi ako, mamaya bawiin pa nito ang pagpayag niya na makapasok kami sa kanila.

'Yun ba talaga ang dahilan?' sabi ng kabilang isip ko

'Oo ano pa bang pwedeng maging dahilan?' sagot naman ng kabilang isip ko.

'Ano pa edi ang makasama siya.'

'Hindi no! Dahil lang ito sa business.'

"Baby girl are you okay?"

"h-ha?"

"Kasi bigla ka na lang natulala. Ano lunch tayo together?"

"S-sure."

"Great!"

Kita ang saya sa mukha ni Bryan. Ayan na bumalik na ang Bryan na kilala ko.

***

Yes! Napapayag ko si Alex na maglunch. Sobrang miss ko na talaga siya. 

Pumunta kami sa isang korean restaurant. One thing na napagkakasunduan namin ni Alex is food. Given na koreano ako kaya I love korean food, si Alex naman dahil sa pagkawili sa mga korean drama e nahiligan na rin niya ang mga korean foods.

"Grabe namiss ko to" nakangiting sabi ni Alex.

"Namiss din kita."

"Anong ikaw? Itong food ang sinasabi ko."

"Sus kunyari ka pa, e ako lang din naman nakakasama mo pagkumakain ka ng mga korean foods e."

She rolled her eyes. "Whatever Lo. Pero maiba tayo. Alam mo Lo kanina sa meeting you're very different."

"In a good way ba yang different na yan?"

"Oo naman no. Di ko nga maimagine kung papaano mo pinatatakbo yung mga business niyo, feeling ko kasi puro kalokohan lang ang alam mo. Pero kanina naimpress ako, very professional and intimidating ang presence mo." 

Natuwa naman ako sa narinig ko. I think I need to show her more that side of me.

I grin. "So inlove ka na sakin niyan?"

Totoo ba itong nakikita ko, si Alex nagblush. Okay ito ah.

"A-ano ba yang mga s-sinasabi mo." 

Stammering. Sign na guilty siya. So naiinlove na nga siya sakin?"

I chuckled. "Sus aminin mo na. Wag kang mag alala sasagutin naman kita baby girl."

"Ang kapal mo as if naman!"

"Puro ka kalokohan. Nga pala s-si Gian?"

Kumunot ang noo ko Bakit niya biglang nabanggit si Gian. Hindi kaya...

"A-anong meron kay Gian?"

"P-pwede ka bang magkwento about kay Gian?"

"B-bakit?"

"Interesado ako sa kanya."

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon