Chapter 20

2.2K 27 2
                                    

Malapit na ang engageent party ni Alex at nung Nic na yun.

Balitang balita na ngayon sa buong bansa ang engagement party ng dalawa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Na ibang lalaki at hindi ako ang ipapakilalang mapapangasawa ni Alex.

All my life ngayon lang ako nangarap na ikasal. Kaya hindi ako papayag na mawawala sa akin so Alex.

Siya lang ang babaeng papakasalan ko. At ako lang ang lalaking papakasalan niya.

Kailangan kong mag isip kung paano mapipigilan ang engagement party na yun.

30 minutes na akong naghihintay kina Liz at Gian. Hindi naman sila late sa katunayan may 15 minutes sila. Masyado lang talaga akong maaga.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Paano ko makukumbinsi si Alex na itigil ang engagement party.

Nasa malalim ako ng pag iisip ng dumating ang dalawa.

Napataas ang kilay ko. Bakit magkasabay ang dalawang ito? Magkasama ba sila?

Hay naku Bryan hayaan mo na sila may mas malaki kang problemang dapat isipin.

Focus Bryan. Focus.

"O dude bakit mo ba kami pinatawag?" bungad na tanong ni Gian.

Bago ko sila sa sagutin ay saktong dating ng pag kaing inorder ko para sa aming tatlo.

Nang matapos ang pagseserve ng food ay nagsimula na akong magsalita.

"Its about Alex and her engagement party."

"Yah I heard. Condolence dude." nang aasar na sabi ni Gian.

Tinignan ko siya ng masama. Inis na inis ako dahil nagawa pa niyang magbiro sa sitwasyong ito.

"Dude easy. Pinapatawa lang kita. Masyado kang seryoso e. Tumanda ka niyan lalo kang di pwede kay Alex dahil napaghahalataan kang matanda." tuloy pa din sa pang aasar itong magaling kong kaibigan.

"Stop it you two." pag aawat ni Liz. As usual siya ang taga awat kahit noon pa kapag lagi kaming nagtatalo ni Alex.

Alex. I really miss her.

"Liz help me. Hindi pwedeng matuloy ang engagement party nila Alex." nagmamakaawang sabi ko kay Liz.

Yes Im desperate. Kaya kahit magmakaawa gagawin ko wag lang mawala si Alex.

"Im sorry Bry. I really want to help you. Nakausap ko na din si Alex. Desidido na siya sa na magpakasal kay Nic."

"Pero ako ang gusto niya."

"Oo gusto ka niya."

Nagulat ako sa sinabi ni Liz. "I-inamin n-niya!"

"Oo."

Bigla akong nagkapag asa. Gusto niya ako.

"Liz gusto niya ko. Mas lalo nating dapat pigilan ang engagement na yun."

Umiling si Liz. "Oo umamin sa akin si Alex na gusto ka niya. Pero gusto ka pa lang niya hindi pa ka niya mahal. Malaki ang pinagkaiba nun. Hindi sapat na gusto ka niya para suwayin ang gusto ng parents niya." seryosong sabi ni Liz.

Nanlumo ako sa sinabing iyon ni Liz. Oo nga malaki anb pinagkaiba nun. Alam na alam ko yun. Gusto ko si Liz pero mahal ko si Alex. Malaki ngang pinagkaiba nun.

"Then make her fall inlove with you." cool na cool na sabi ng kaibigan ko.

Oo nga tama. I need to make her fall inlove with me.

"Pero 4 days na lang at engagement na nila. Paano mo siya mapapainlove sayo?"

Oo nga. Paano? Ngayon pang busy si Alex sa lalaking iyon. Sila lago ang laman ng news. Para silang nasa drama na sinusubaybayan ng mga tao.

Hindi naman nakakagulat dahil kilala pa lang inde director yung Nic na yun isama mo pa ang pamilya nilang dalawa na kilala di lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa.

"Engagement pa lang naman hindi pa kasal. May 1 year pa si Bryan to make her fall for him." Sabi ni Gian.

Oo nga. Next year pa ang kasal. Ano ba Bryan bakit ba hindi ka makapag isip ng maayos. Buti na lang talaga sinama ko dito si Gian.

"Thanks bro."

"No problem dude."

Humanda ka Alex. This time hindi mo lang ako magugustuhan. Mamahalin mo din ako tulad ng pagmamahal ko sayo.

__-_--

n/a

Sana po magustuhan niyo.

vote and comment naman diyan pag may time.

MY BF's BF Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon