One month after ng naging pag uusap namin ni Bryan ay wala na akong narinig mula sa kanya.
Biglang natahimik ang phone ko. I'm not really fan kasi ng pag text and pag tawag, which is very weird because I love gadgets, especially cellphones. Halos twice a year ako kung magpalit ng phone. Laking tipid na nga on my part kasi now I can change my phone every quarter na free lang from the manufacturer.
Pero aaminin ko namimiss kong makatanggap ng message from him every morning and before I go to sleep, boses niya every break time. Kahit na nga puro pambwibwisit ang ginagawa niya.
Hindi naman ako nagulat ng sumunod si. Bryan sa gusto ko. What do. I expect? Lagi namang ganoon, kahit ayaw niya basta gusto ko yun ang nasusunod.
Alam ko dapat na masaya ako na sinunod ni Bryan ang gusto pero aaminin ko din na may bahagi ng puso ko ang nalungkot sa pagsunod niyang yun.
***
We will be having a Media launch next week. And because of that me and Liz decided to go to our favorite boutique to buy clothes na susuotin namin for the said event.
As owners syempre we need to look presentable, we are the one representing our products. And for sure magiging laman kami ng Magazines, Newspapers, TV and others.
Nang makarating kami sa boutique ay agad kaming sinalubong ng favorite designer naming si Ms. Leila. She is a known designer not only in the Philippines but also around the globe. Madami na siyang nabihisang sikat na personality. With her credibility hindi basta-basta lang ang mga pwedeng magpagawa ng mga damit sa kanya.
We are bless lang kasi Ms. Leila is a good friend ng family namin kaya naman we are very privilege na makasuot ng mga creation niya.
"As expected Ms. Leila you are superb. Sobrang ganda I can't wait to wear this." Sabi ko ng makita ang gown na ginawa niya sakin for the Media launch.
"Me too. I can't wait to see you two wearing my creation. Sabi naman kasi sa inyo pumayag na kayo sa offer ko na maging model ko. I'm sure you two wil be a big hit." Sabi ni Ms. Leila
College pa lang ay lagi na kaming pinipilit ni Ms. Leila to be her model. Ang kaso lang di kami ganoon kaconfident ni Liz to do it. Feeling namin mas okay kami as entrepreneur kesa magmodel.
"Kung nagfail ang business namin ni Liz baka iconsider pa namin yung offer niyo. But as you can see maganda yung tinatakbo ng business namin. Even if we want to medyo malabo because we need to focus on Sapphire." Malambing kong sabi.
Nakita kong napanguso siya. "Hmpf! Nauna naman ang offer ko kesa sa pagtayo niyo ng business e." Sabi nito na may pagtatampo ang boses.
We chuckled. "Don't worry Ms. Leila pag nakapag adjust na ang Sapphire at lumuwag na kami, maybe we can try it." Sabi ni Liz.
Nakita ko na ang biglang pangingislap ng mata ni. Ms. Leila. Napailing na lang kami ni Liz sa naging reaksyon nito.
***
Gabi na kami ni Liz na nakaalis sa boutique ni Ms. Leila. We both decided na magdinner muna before umuwi.
Busy kami ng bestfriend ko sa pagkain and pagchichikahan ng may lalaking lumapit sa amin.
Sabay kaming napatingin sa lalaki. In fairness gwapo siya pero teka parang nakita ko na siya. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Tinignan ko si Liz and from her reaction mukhang kilala niya rin ito.
"Hi Ms. Ramirez and Ms. Rivera right?" Sabi nung lalaki.
Pareho kaming tumungo ni Liz as confirmation sa tanong nung lalaki.
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
General FictionHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...