******
Masakit mang tanggapin pero mukhang kahit ako pa ang gusto ni Alex ay hindi pa rin sapat para piliin niya ako. Hindi ko alam kung tama ang desisyon kong ito, but I need to take risk.
Adelle is a childhood friend. May pagka losyang kasi siya noong mag ayos kaya walang nagkakagusto sa kanya. Maagang lumabo ang mata niya dahil sa pagbabasa, may pagkageek kasi. But she still know how to have fun naman. Kaso may isang tao ang nanloko sa kaya that triggers her to leave this country. Kung iisipin mo noon ang babaw dahil puppy love lang naman yun. Elementary pa lang kami nun pero naka experience na siya ng bullying actually not heartbreak.
Kaya naman bago siya umalis just to gainher confidence I told her na pagbumalik siya dito at wala pa ding nagkakagusto sa kanya I will marry her, because I can see her beauty na di nakikita ng iba. But years had passed and she has changed. Sa laki ng ginanda niya physically, idagdag mo ang ang talino at katawan kahit sino ay mahuhumaling sa kanya. But not me because I already have Alex, though I still have to win her.
She is getting married next month and I will be there best man.
I told her everything about me and Alex and she gave me an idea on how to shake Alex.
Planado lahat ang nangyari sa Mindoro, from my being cold to her to Delle's arrival.
Nung nakikita ko ang mga malungkot niyang mata, I really wanted to get her and hug her to comfort her pero I need to be firm. She needs to fight for me.
Walang may alam ng plano except me and Delle. Mahirap na baka mabuko pa.
Weeks passed, me and Delle needs to go to the States for her wedding. Hindi ko din sinabi sa kanila ang reason kung bakit ako sasama kay Delle sa States. Kaya naman di ko masisi si Liz ng magalit siya sa akin at sa pagsuntok ni Gian sa akin. One day I'll make him pay for that punch.
Baka matagalan akong makabalik ng Pinas dahil bukod sa kasal ni Delle ay may mga business din akong need asikasuhin sa Korea.
Kaya naman pinuntahan ko si Alex sa office niya. Hindi ko na kasi kaya, kahit sana mukha lang niya ang makita ko bago ako umalis. But then sana hindi na lang pala. I saw Alex and Nic hugging, Na para bang si Nic ang knight and shinning armor ni Alex. Alam ko that Nic has a special feeling kay Alex, lalaki din ako at hindi ako manhid.
Kinabukasan ay nasa airport na ako, okay na kami ni Gian. But he told me na sana hindi ko pagsisihan ang desisyon ko. I just smile at him and told him to trust me.
After a year....
Matatapos na ako dito sa Korea and finally next week makakauwi na ako ng Pinas. I miss Philippines and Of course I miss Alex.
Kagigising ko lang ng may inabot sa aking invitation ang maid namin. Nanlakia ng mata ko ng makita ang nakalagay sa invitation. Its a wedding invitation, invitation sa kasal ni Nic at Alex. At mamaya na ito.
Dali dali akong tumayo at pumunta sa kwarto para kunin ang wallet at susi ng kotse ko. Agad kong tinawagan ang tauhan namin to ready our private plane. I still have 5 hours kaya pa yan.
After 3hours ay nasa airport na ako dali dali akong pumasok ng taxi.
"Manong pag nakadating tayo sa lugar na yan in an hour ay dodoblehin ko ang babayarin ko sayo o kahit triple pa."
Agad na pinatakbo ng driver ang taxi. Sa batangas ang venue ng kasal, beach wedding. Buti na lang at magaling itong driver na nakuha ko, madami siyang short cut na alam.
And in just 1 hour ay nakita ko na nagsisimula na ang kasal. Papalapit na ako para pigilan ang kasal ng mahinto ako ng makita si Alex na naglalakad. Beautiful is an understatement sa itsura niya ngayon. Mukha siya Goddess ng lugar na ito. Nakasimple white dress lang siya at walang belo. Kaya kitang kita mo ang maganda niyang mukha.
Nakita ko din ang napakaswerteng groom. Kitang kita sa mata niya ang kislap at saya.
Ako dapat ang nasa lugar niya. Papalapit na si Alex sa groom, parang tinutusok ng karayom ang puso ko.
Kumunot ang noo ko ng nilagpasan ni Alex ang groom at umupo sa may gilid kasama ang mga abay.
Biglang may tunapik ng balikat ko. At ng tignan ko yun ay nakita ko si Gian na nakasmirk.
"Akala ko--" hindi na niya ako pinatapos.
"That's our way bumalik ka na."
"What do you mean?"
"Nung araw na umalis ka, yun ang araw na kinancel nina Alex and Nic ang kasal nila."
Nanlaki ang mata ko. "WHAT?! Bakir ngayon mo lang sinabi?"
Nagkibit balikat siya. "Alex told us na you two need a break. Kaya hayaan na lang muna. At nalaman din namin from Delle yung plano niyo."
"How is she?"
"She's doing great. Pero nawawalan na siya ng pag asa na bumalik ka pa, she is thinking na mag move on-"
"What? And you did not tell me all these things?"
"Yan ang napapala ng mga gumagalaw mag isa. Pero since I'm your friend hindi ko na hinayaan yun kaya nga kita binigyan ng invitation e. E di napauwi ka ng di oras." Then he grin
Di ko alam kung magpapasalamat ba ako o ano dito sa kaibigan kong ito e.
Tinignan ko si Alex nakikita ko na masaya siya pero may lungkot pa din sa mga mata niya.
Hinintay kong matapos ang kasal bago ko siya lapitan.
Nakita kong mag isa si Alex na mukhang may malalim na iniisip.
"Miss me?" Sabi ko sa kanya.
Humarap siya sa akin para makita kung sino ang nagsabi nun.
Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya sa gulat. Agad din siyang nakabawi. Ngumiti siya at laking gulat ko ng tumakbo siya sa akin at niyakap ako.
"Bry you're back!" Nararamdaman ko na may mainit na likido na tumutulo sa balikat ko.
"Shhh" I tapped her head. "Stop crying, andito na ako."
Tumatango siya ngunit tuloy pa din sa pag iyak.
Naglalakad kami habang magkahawak kamay. Catching things up.
Huminto kami ang iniharap ko siya sa akin.
Lumuhod ako sabay kuha ng isang box. Yes kahit nagmamadali ako kanina ay hindi ko ito nakalimutan. Nung akala kong totoo na sila ang ikakasal I'm planning to stop the wedding ang propose to her.
Wala namang nabago sa plano, except sa pagpigil ng kasal.
"I love you baby girl. I want to you to be my wife. Will you marry me?"
I can she how schocked she is. Tinakpan niya ng kanyang dalawang kamay ang kanyang bibig. And then tears again came down from her eyes.
"Yes Lo."
I hug her immediately and put the ring on her finger. And then kiss her.
Then we heard people cheering for us. Nilingon namin and nakita namin ang mga guest sa kasal and even the newly wed. Nakita ko din ang parents ni Alex na nakangiti.
Lumapit kami sa kanila. Pinakilala ako ni Alex sa parents niya.
"Take care of my daughter" ang sabi ng daddy niya I can see her parents teary eyes.
"Yes Dad."
![](https://img.wattpad.com/cover/8658462-288-k735682.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
Ficción GeneralHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...