Andito ako ngayon sa office ni Liz para ireport sa kanya ang nangyari sa meeting namin with SK Telecom kahapon.
"Great news Alex! Buti na lang talaga si Bryan na ang new CEO ng SK"
Napataas ang kilay. Parang hindi ko yata kayang tanggapin ang sinabi ni Liz. Parang ng lumalabas kasi ay dahil lang kay Bryan kung bakit naclose ang account at hindi dahil sa brand and galing ng R2 Corp.
* R2 Corp means Ramirez-Rivera Corporation
"Excuse me lang Liz kahit na hindi si Bryan ang CEO nun e kaya pa rin nating iclose ang acount na ito."
She chuckled. "Ooops sis sorry I didn't mean that way."
I just rolled my eyes as an answer.
Niyugyog niya ang braso ko parang bata lang diba? "Uy sis sorry na hindi naman yun yung mini-mean ko e."
"E kung hindi yun ano? SIge nga? Tss"
"Ito naman. Syempre mas favorable tayo kasi nga we're close with him. But it doesn't mean na we can't okay? I trust Sapphire and I trust you team. Kaya ibaba mo na yang kilay mo."
"Tss. Whatever. So ano lunch time na, sabay na tayo?"
Hindi siya nakasagot agad. Hmmm mukhang may date atah itong bestfriend ko.
"Kasi sis I have an appointment na e."
"Date?"
"N-no! Hindi naman. I'm having a lunch meeting with Gian?"
"Gian? As in Gian Fabian?"
Nakangiting tumango si Liz.
Na ikinataas ng kilay ko "Teka nga sis. Tapatin mo nga ako. Nanliligaw ba sayo yang Gian Fabian na yan?"
"Hindi no. He's just a friend."
"Friend? Kelan pa?"
"Lately lang. We bump to each other many times kaya kahit papano nakikilala na namin ang isa't isa. And he's nice, I must say."
"Friends lang? Hindi siya nanliligaw?"
"N-no! Ano ka ba alam niya na ex ako ni Bryan."
"So?"
"Hindi kami talo."
Ouch parang natamaan ako dun.
"S-sure?"
"Oo nga. Teka bakit ba? Hmmm don't tell me you like him?"
"Of course not! Duh?! And playboy kaya nun. Kaya ko lang naman tinatanong kasi ayoko kitang masaktan. Playboy kaya yun."
"I know that, so don't worry okay?"
"Okay. Basta sis wala akong tiwala dun. Ingat ka dun."
Tumawa si Liz. "Okay sis okay. Promise I won't let myself to fall for him nor hurt by him."
Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang hindi mag alala kay Liz. Paano ba naman sa dami ng aaligid sa kanya e yun pang playboy na yun. Naalala ko tuloy bigla yung naging usapan namin ni Bryan at sa tuwing naaalala ko yun mas lalo akong nag aalala.
Flashback
Matagal ko ng napapansin at maging ang mga empleyado ang pagdalas ng pag labas nila nung Gian Fabian na yun. I did some research about him. at napag alaman ko na he's a known playboy. Kaya naman since magkaibigan sila ni Bryan I will ask him about his friend Gian.
Bryan invite me for lunch after our meeting with them. Kumain kami sa isang korean restaurant. Ito na ang parang bonding moment namin noon.
"Grabe namiss ko to" at syempre pati siya.
"Namiss din kita."
Gusto kong ngumiti kaso pinigilan ko, hindi ko dapat aminin na namimiss ko din siya. "Anong ikaw? Itong food ang sinasabi ko."
"Sus kunyari ka pa, e ako lang din naman nakakasama mo pagkumakain ka ng mga korean foods e."
I rolled her eyes. "Whatever Lo. Pero maiba tayo. Alam mo Lo kanina sa meeting you're very different."
"In a good way ba yang different na yan?"
"Oo naman no. Di ko nga maimagine kung papaano mo pinatatakbo yung mga business niyo, feeling ko kasi puro kalokohan lang ang alam mo. Pero kanina naimpress ako, very professional and intimidating ang presence mo."
He grin. "So inlove ka na sakin niyan?"
Shocks I didn't see that coming. Nararamdaman ko ang pagblush ng mukha ko. Oh no hindi pwede ito.
"A-ano ba yang mga s-sinasabi mo." Ano ba Alex bakit ka nauutal.
He chuckled. "Sus aminin mo na. Wag kang mag alala sasagutin naman kita baby girl."
"Ang kapal mo as if naman!"
"Puro ka kalokohan. Nga pala s-si Gian?"
Kumunot ang noo niya ng tanungin ko ang kaibigan niya.
"A-anong meron kay Gian?" Bakit nauutal siya may alam kaya siya?
"P-pwede ka bang magkwento about kay Gian?"
"B-bakit?"
"Interesado ako sa kanya."
Yes interesado talaga ako sa kanya. Gusto kong malaman kung ano bang balak niya sa bestfriend ko.
"I-interesado?"
Teka bakit biglang namutla siya.
"Oo! Interesado ako kay Gian kaya pwede bang kwentuhan mo ko about sa kanya?"
"Ano naman ang gusto mong malaman about him?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.
"A-ano nalaman ko kasi na may pagka playboy yun. Totoo ba yun?"
Bigla namang lumiwanag ang mukha niya. Weird talaga nito. "Oo playboy yun. Kaya kung may gusto ka sa kanya kalimutan mo na masasaktan ka lang."
"Masasaktan? Teka wala pa ba siyang sineryoso na babae?"
"Wala pa."
"A-as in?"
"Oo nga paulit ulit. Kaya wag kang lalapit dun." Iritadong sabi ni Bryan.
Kung ganoon hindi ko dapat palapitin si Liz sa lalaking yun."
End of Flashback
Tinanong ko kanina si Liz kung saan sila magla-lunch nung playboy na yun. Kaya andito ako ngayon sa restaurant kung saan sila magkikita. I can't let that guy hurt my bestfriend.
![](https://img.wattpad.com/cover/8658462-288-k735682.jpg)
BINABASA MO ANG
MY BF's BF
Genel KurguHindi alam ni Alex kung bakit halos lahat na lang ng mga naging boyfriend ng mga friends niya ay nagkakagusto sa kanya. Kaya naman lagi siyang nababansagan noong friend's bf stealer. Kaya simula noon ay unti-unti nababawasan ang kanyang mga kaibigan...