Two: New Home

6.7K 157 11
                                    

-Dasha-

New home

"You go there. Catch that Queen. Go back here. And we'll kill her." Sounds easy, but I know it will never be. I shrug at saka sumandal sa upuan na inuupuan ko ngayon sa kuwarto ni Dana.

"How can I even find that Queen? I don't know her face nor encounter her." I rolled my eyes. Nakaka-boring kausap to. Walang kagana-gana.

"Kaya nga. Every month of your stay there, magpapadala ako ng friscus. That's a potion that you will use as a perfume. Wolves hated that smell, so when they smelled it magtatakip agad sila ng ilong. Pero sa ordinaryong tao, mabango ito at parang pabango lang din. Here's the first bottle." Kinuha niya sa isang box ang isang bote ng pabango at iniabot sakin. Inamoy ko ito at agad ko namang nagustuhan ang amoy.

"This is it? Pinatawag mo ako dito tapos ito lang to? Huh, you can just leave it on my front door with a note." Iritable kong saad. Naiinis ako sa kanya, naiinis ako sa sarili ko, at mas lalo akong naiinis sa naging kapalaran ko. Normal lang naman ang gusto kong buhay eh, hindi ganito.

"No..... Marami akong habilin sayo." Nag-lahad siya ng isang folder sa harapan ko at dalawang vial na may lamang mga capsule. Napa-taas naman ang isang kilay ko at tinitigan siya.

"This......... Folder." Sabay abot sakin nung kulay pulang folder. "Is your bio-data, you're still Dasha Merina Empire but we'll just going to hire dummies to be your parents."

Binuklat ko ito at binasa ang nilalaman. It's funny na hinati-hati nila yung age ko. Look, I am 172 years old at ang inilagay nila ay 17 lang.

"Why not Mom and Dad?" Tanong ko.

Inirapan naman niya ako at iniwasan ng tingin.

"Of course wala sila dito sa bansa. Busy sila masyado, but kung pera ang problema mo, may credit card na nasa loob niyang folder. You could use it." I frowned. Para akong laking gubat. Masyadong inosente.

"Don't worry, hindi ka pa papasok bukas. Pupunta kayo ni Terrah sa mundo ng mga tao bukas at ituturo na niya sayo yang mga yan." As if reading my mind. Nireplayan niya ng ganun yung pag-simangot ko kanina.

"So this is........." Tinuro ko yung isang vial na may lamang kulay green na capsule-gel. Kinuha naman niya ito at tinitigan for a second na para bang sarili niyang imbensyon ay hindi niya alam kung ano.

"This is the blood potion........ Take this every morning to control your blood tempting feeling over the whole afternoon. Bale, 12 hours ang epekto ng isang capsula. But don't over assume to take more that two capsule nang sabay. You might go savage, remember gawa ito sa dugo ng Traxcikurus ang tanging hayop na hindi kumakain ng dugo or any flesh. Side effects niya ay panandaliang hilo. This is not a capsule as you think. It is for injecting." I will remember to take down notes mamaya para hindi ko makalimutan. But I'm not so sure kung mailalagay ko ba lahat nang sinabi niya, dahil sa sobrang haba nito.

"Next is this potion..... The foutar potion. It is a food potion, and it has the ability to make one vampire taste human food dahil nga sa hindi tayo nakaka-tikim ng pagkain ng mga tao, we certainly need this. Hindi gaya ng blood potion, the fuotar potion has no side effects but I'll prescribe na uminom ka lang ng isa. It will last for 12 hours. And...... Ayan ang iniinom." Ibinaba niya ito at sinenyasan ako na kunin ko na. Agad ko namang hinila ito papalapit saakin.

"In your stay at that realm, don't do anything unnecessary. Just go to school, and make your surveillance. Dream Academy is the only school at Vampington Town at ang lugar kung nasan ang Akademya ay sentro ng kalakaran sa buong lugar. Kaya, let's hope na mapabilis ang paghahanap mo, para mabilis ka ding maka-uwi." Bumuntong-hininga ako bago napa-tango. Wow, just wow, magiging bait ang isang reynang katulad ko. Hope it's worth a shot.

"So......... This school thingy, kailan ako mag-uumpisa?" Napa-kamot naman siya sa kanyang ulo nang dahil sa inis. What did I do wrong again?

"Are you even listening? Kaya nga kayo pupunta na nang bayan bukas diba? Dahil lilipat ka na!" Ito talagang si Dana, napaka-low tempered. Nagtatanong lang ako eh.

"Right. Bukas." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil hindi ko maiwasang kabahan. Dalawang beses lang akong lumabas nang palasiyo sa buong buhay ko. Una nang mamatay si Kuya Dionysus, at pangalawa nung namatay si Lance. May posibilidad kayang may mamamatay ulit dahil sa pag-punta ko sa mundo nang mga tao?

"Get out of my room. Mag-empake ka na. Aalis kayo nang madaling-araw."

---

"And this is?" Tanong ko sabay turo sa isang pa-rectangle na bagay na nakita kong ginagamit ng lahat ng tao na nandito. Yung bagay na pinipindot, at minsan pa nga ay nginingitian ng mga tao.

"My Queen, act normal. Nasa Mall po tayo, ang isa sa mga madalas puntahan ng mga tao kung mayroon silang kailangan. At eto po ang tinatawag na cellphone. Ibibili po kita ng isa at ituturo ko kung paano gagamitin mamaya." Inabot niya saakin yung cellphone daw at sinuri ko naman ito, I stared at it and smiled.

"No need, alam ko na kung pano gamitin yang 'cellphone'." Ngiti-ngiti kong sabi sa kanya. One of my latest ability na halos wala pang nakaka-alam ay ang pag-adopt ko sa isang bagay. I just stared at that phone at parang nakuha ko na agad kung paano siya gamitin. Guess that's one of the unique ability of a pure blood.

---

"What do you call this?" Sabay pakita ko sa kanya nung isang chips na kinakain ko. Masarap siya, grabe.

"Piatos roast beef flavor. Dun lang po yan mabibili sa mga convenience store." Paliwanag nito while we're making our way to my condo. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ko ay huminto muna kami ng saglit.

"Great. Salamat." Compliment ko.

"Babalik ako bukas, to join you on your first day of school. Good afternoon." Sabi niya sabay talikod na at nag-uumpisa nang maglakad. Bago siya makalayo ay nagtanong muna ako sa kanya.

"Babalik ka ba ng Ardiss----*slam*" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may biglang walang habas na nag-sarado ng pintuan sa katabing unit ko. Nang mainis na ako ay inirapan ko nalang iyon at tinignan ulit si Terrah.

"Ughhhh. Whatever, sige na bukas na ulit. Goodbye." Nawalan na ako ng sasabihin dahil dun sa bastos na kapit-bahay ko. Agad akong pumasok at isinarado ang pintuan. Sumandal ako sa may pintuan at nag-isip ng masinsinan......

I think........ Gusto ko pa ng Piatos...

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon