Twenty: Taking Back my Queen's Heart

2K 60 5
                                    

-Dasha-

Taking Back my Queen's Heart

"Are you crazy?!" I'm pretty hundred percent sure na maririnig ko itong salita na ito kay Dana kapag sinabi ko na ang plano ko.

"I need to save him!" Pag-dedepensa ko naman. Siyempre kailangan kong ipaglaban ang sa tingin ko ay tama.

"But you might get killed!! We have no idea what's his up to, mamaya hindi na siya yung Lance na nakilala mo!" Doon ako natamaan ng sobrang lakas. Oo nga naman, 50 years is very long time kaya napaka-imposible na hindi siya nagbago ng kahit konti.

I smiled a little and look at her.

"When I heard from someone na it seems like there is something or maybe someone na pumipigil sa kanya na pumasok, I felt pity for him. Kaya sino ba naman tayo para ipagkait sa kanya ang minsan narin niyang natawag na tahanan niya?" I closed my eyes. Hindi ko alam kung ano bang klaseng espirito ang sumanib saakin, that I'm letting enemies on my liar.

"Can I stop you?" Minulat ko ang aking mga mata and saw a little hint of hope sa mga mata niya na para bang sinasabing magback-out na ako. I shook my head.

"Then I'll send the best Knights with you." Umiling ulit ako.

"Just Terrah would be fine." Naiwan namang naka-awang yung bibig niya ng mga five seconds bago ito sinara.

"You want to be dead?" Tanong niya.

"You want to say goodbye to your precious place?" Tanong ko naman pabalik. Napangiti ako kasi kahit papaano ay meron akong pang blackmail sa kanya, kung yun man ang tawag doon.

"Ugh!! Stop blackmailing me already. Go on! Bumalik ka na bukas. Hmp!" Hinawakan niya ang braso ko at puwersahan akong hinila palabas ng kuwarto niya. What a way to say goodbye.

"Uhh.. Pakitawag nga si Terrah." Utos ko sa isang alalay? Ay hindi pala, sa isang member ng VK. Tumango naman siya at nagbow bago nagpatuloy na naglakad palayo.

I rushed into my bedroom and pack my things immediately. Lance is a good excuse now that I can go back, of course he's not just an excuse. I can also use him to track that Queen. Pamysterious epek pa kasi yun.

---

"You must be happy." Bulong ko kay Terrah. We're currently on our way to my old condo unit and she's smiling like an idiot.

"Good morning po. Ano pong maitutulong ko?" Napansin kong iba na yung receptionist, kaya siguro hindi na niya ako nakikilala.

"We're here to avail the room number 262." Maiksing sagot ko na nakapagpa-tango naman sa kanya bago inabutan ako ng susi. Agad ko naman itong inabot at hinila si Terrah papunta sa elevator.

---

Looking around, halos wala namang nabago sa loob ng bahay. The normal aura of the house made my cheeks warm. Lol, siyempre this house served as my home in the past month noh, kaya hindi ko maiwasang hindi mamiss ito.

"Thank you Terrah, let's see each other tomorrow. May aayusin lang akong ilang bagay sa school." Inilapag niya sa isang gilid ang mga gamit ko at tinignan ako ng nagtataka.

"But you have nothing left unfinished here." Napa-nguso naman ako. Inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at kinuha ang credit card na binigay ni Dana.

"Meron... Take this, go wherever you want with him. Gawin niyo lahat nang hindi niyo nagawa noong nakaraang linggo." She pursed her lips na para bang pinipigilan ang pagiging masaya. Iniabot ko sa kanya ito at mahiya-hiya pa niyang tinanggap.

"Pero wala kang pera." I grinned, ini-muwestra ko sa kanya yung isang maleta na dala namin. Nilapitan niya ito at binuksan. Tala-talaksang pera ang nahulog mula dito.

"That card is bottomless. So enjoy!!" Naupo ako sa kama habang naglalakad siya paalis. I smiled and waved goodbye.

"First I have to take a new phone, second I don't know where." Kinatok ko ang sarili ko habang inaalala yung daan papuntang mall. Eh sa hindi ko ba alam kung saan bibili ng cellphone.

"Oh damn." Tumayo ako at kinuha yung sling bag na nakapatong sa isang maleta ko. Naglagay ako ng pera doon at nagmamadaling lumabas.

I'm planning on surprising Darryll. And at the same time, papasama narin ako.

Ni-lock ko yung pintuan at agad na nagtungo sa unit ni Darryll. Nanginginig ko pang pinindot yung doorbell ng dalawang beses. I'm afraid what his reaction will be.

"Surpri...." I stayed put. My smile vanished from my lips. Napatingin ako sa baba dahil si Hannah ang sumalubong saakin.

Bakit nga ba siya nandito?

"Hey. What brings you here?" Nakalagay pa ang isa niyang kamay sa may door frame at nakangiti akong tinignan. And worst? Nakasuot siya ng isang hindi makataong damit!!

"Hannah, andiyan na ba yung piz--" Parang nalunok rin ni Darryll ang dila niya dahil hindi siya makapag-salita nang makita niya ako.

"She's up to something. Right?" As much as I want to answer yes, I can't find the right courage to say so.

Kaya tumango nalang ako.

'I want to get out of here!!' Nagwawala na ang utak ko pero ang nararamdaman ko ang sinusunod ng lahat ng organs at muscle ng katawan ko.

I was not planning on walking out nang may biglang humawak ng kamay ko at hinila ako palayo doon.

"Your mine........ Only mine... Claire."

I feel stunned. Nanigas ang buong katawan ko nang makita ko yun. It was a merely image of Lance and a girl named Claire... It was his future.

Humito siya sa labas nang condominium bago binitawan ang kamay ko.

"What are you doing there?" Medyo galit ang tono niya ang I swear na hindi ko ito gusto.

"Nandoon ang bahay ko bakit ba?" Masungit ko ring tugon. Nasapok naman niya ang ulo niya at hinilamos ang sariling mukha.

"What I meant is anong ginagawa mo doon sa unit ni Dream?" I tilted my head, nakakapagtaka ang pagkakakilala niya kay Darryll.

"I was planning to ask him out. Ikaw anong ginagawa mo dito sa building namin?" Napa-isip naman siya.

"Darryll was going to tell me something. Ako ang guidance counselor nila." Tumango nalang ako, ayokong magtanong eh.

"And also I'm planning to take you back." Bulong niya. Nag-irap naman ako sa kanya at maglalakad na sana palayo.

"Dasha."

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon