Nine: Going Out

3.1K 94 8
                                    

Dasha-

Going out (Part one of three)

I almost choke nang biglang nanggulat si Terrah habang nasa canteen ako. Damn, what's gotten into her small mind now?

"Istorbo." Bulong ko. Ineenjoy ko pa kasi yung Mushroom soup ko tapos bigla niya akong babatukan? Is that her proper way of treating her Queen?

"Don't mutter, naririnig kita." I looked at her face. Bakas ang mga luha niya sa mata. Magang maga ito. Mahirap talagang maramdaman ang nararamdaman ng mga tao. Hmp!!

"Hindi ko naman sinabing pakinggan mo eh." Depensa ko. Nang hindi ako makatiis,  I slurped the soup. I don't care kung may mga makakita sakin. Edi maturn off sila. Bahala sila sa mga buhay nila.

"I cried the whole night Empress." Anong kasalanan ko doon ngayon? Bakit nga ba niya sinasabi sakin na umiyak siya buong gabi?

"So?" I asked. Tumingin ako doon sa cellphone ko and saw that 13 minutes nalang at magsisimula na ang geography class ko.

"Eisshhh. Kaya ka sinasabihan na walang modo eh." Tumayo ako then stare at her. Mag-uumpisa palang sigurong kumain to.

"Then I don't care about them. I'm the Queen and like what I've told you. I have the jurisdiction to say what I want and do whatever I must." Tumalikod ako then started to walk away. Tinawag niya ako ng ilang beses pero I didn't bother looking back.

Hindi naman sa nasaktan niya yung pride ko nun, pero I just need to show her na hindi niya kailangan ng kahit sino para lang maging masaya. She can be happy on her own way.

Pagdating ko sa classroom ng last subject ko ay naabutan ko lahat ng kaklase kong natutulog. Halos lang pala, dahil nang mahagip ko nang mata ko si Darryll kumaway siya sakin at sinenyasan akong umupo sa tabi niya.

Mukhang pina-shift ata niya lahat ng subject niya papunta sa mga subject ko. Napailing nalang ako.

Naglakad ako papunta sa tabi niya at umupo sa upuan ko. Matutulog din sana ako nang bigla niyang sinapo yung noo ko. Hindi ko tuloy mai-subsob yung mukha ko sa upuan.

Naiinis naman akong tumingin sa kanya.

"What?!" Kahit konting kaligayahan naman oh!!! Nakakainis, akala ko makakatulog na ako sa last subject eh. Hindi pala, panigurado dadaldalan lang ako nito.

"You can't sleep. May importanteng sasabihin si ma'am satin." Nagtaas naman ako ng isang kilay ko.

"Bakit hindi nalang ikaw ang mgasabi saakin. Tutal mukhang alam mo naman na eh." Napakamot naman siya ng ulo. Huh, can't have a girlfriend this harsh.

"Look, hindi ako teacher kaya wag ka nang matulog. Hintayin na natin si Ma'am." I snob him. Pinitik ko rin yung kamay niyang kanina pang nasa noo ko. And I glared him.

"Don't talk to me." Masungit kong sabi bago tuluyang sumandal sa upuan ko. Hindi rin naman ako makakatulog eh panigurado. With this jerk on my side.

"Fine. Normal lang naman sa couple ang l.q diba? Let's talk about this later." I was just going to retort nang biglang dumating yung teacher namin.

"No classes muna tayo. Dahil magkakaroon ang school ng field day at magaganap iyon sa isang private resort sa labas ng Vampington. At, wala na pala si Miss Albuea. Namatay siya kahapon." Miss Albuea is our Last subject teacher at ang pinakamatanda sa lahat. Buti na nga lang at namatay na siya eh, mukhang may alam kasi siya sa mga sikreto ko.

"But. May papalit naman sa kanya. At nandito na siya ngayon para sa orientation niyo." Lumabas si Ma'am at mukhang tinawag yung bagong teacher. Napakapit naman ako sa aking upuan nang pumasok yung bago.

"Good afternoon. I'm Donna Park, your new Chemistry teacher." Buong lakas kong pinigilan ang galit na nararamdaman ko nang makita ko si Dana na nasa harapan. She's smiling widely at nakakainis yun.

"Okay class. Pack your things neatly for tomorrow. Makakauwi na kayo." Parang mga kabayong nasa racing na nagsitakbuhan palabas ang mga kaklase ko. Mukhang exited eh. Tinignan ko ng masama si Dana pero ngumiti lang siya sakin.

Sinenyasan ko siyang sumunod bago ako tumayo at nagpunta sa may backdoor. Not minding Darryll, binilisan ko ang lakad ko hanggang makarating ako sa isang bakanteng room and waited for Dana.

Nang makarating na siya ay agad ko siyang sinunggaban at sinakal. Pinning her on the wall with my hands on her neck. Nagpupuyos na ako sa galit at baka mapatay ko na siya.

"Bitawan mo nga ako." Aba, she still manage to speak straight eh sinasakal ko na nga siya.

Binitawan ko naman siya at tumingin dito.

"Are you meddling with my business again?" Naiinis kong tanong. Tumawa naman siya at hinawakan yung leeg niya.

"No. I'll stay here hanggang matapos yang field day na yan. Magbabantay lang ako dito sa school without anyone suspecting me." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. I can't let her know na I have relationship with a human or else they'll let her do her own way.

"Anong ginawa mo dun sa matanda?" Tanong ko. Napaisip naman siya dahil mukhang hindi siya sigurado kung ano yung tinatanong ko.

"Ahhh ayun ba... Nagutom kasi ako nung unang pasok ko dito kaya nagmeryenda lang ako. Pero nakakainis lang, wolf ang matandang yun. Allergic pa naman ako sa wolf. Kaya yung janitress nalang na matanda yung kinain ko. Buti pa yun tao." Kahit kelan talaga napaka-arte nito. Not to mentiom masungit.

"Kapag nalaman ko lang na magtatagal ka dito. Say goodbye to your precious place." Cold kong sabi bago lumabas ng bakanteng classroom.

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon