Twenty four: A world Without Souls

1.7K 52 5
                                    

Dasha's POV

"T-t-terrah."sabi ko, eyes widen as I look at her.

She's smiling pero nawala yun nang makita niya si Darryll. Kumunot naman yung noo niya.

"You're a real rule breaker my Queen. You even manage to smuggle a human into our sacred world."sarkastiko niyang sabi.

"Cut the crap Annesia. Kung may sasabihin ka eh doon na lang sa kuwarto ko."sabi ko with a commanding voice. Nilingon ko naman si Darryll na ngayon ay nagtatago sa grandfather clock. Tell me, bakla ba itong boyfriend ko?

"Better yet."tipid na sabi niya at saka naglakad, papasok ng kuwarto ko. Aba, inunahan ba naman ako binabastos ako ng kapatid ko?

Imbes na sigawan ko pa siya ay hinayaan ko nalang siyang pumasok sa kuwarto ko.

Nilapitan ko naman si Darryll at saka hinila.

"Ano ba, tsina-tsansingan mo ba ako Dasha?"tanong niya.

"Yes.........I mean No!! Wait, ano ba ibig sabihin nun?"magulong tugon ko sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina. Inirapan ko naman siya, muret.

"Practically ayaw ni kuya ang may kaagaw, lalo na sa fiancée niya."sabi niya. Nag-irap naman ako ng mata saka binitawan si Darryll.

Naka-upo si Terrah sa isang round table na nasa may mini sala ko. Pagka-bitaw ko kay Darryll ay agad siyang naki-upo kay Terrah doon. Kaya ako no choice, naki-upo nadin ako.

"F-f-fiancé?"tanong ni Darryll kay Terrah. Nag-irap naman ng mata si Terrah kay Darryll at saka hinarap niya ito.

"Mukhang hindi pa nga nasasabi sayo ng ate ko-in the near future-at mukhang wala nga siyang balak sabihin sayo....."pag tigil niya ng pagsasalita ay tumingin siya sakin at nag-smirk. Inirapan ko naman siya.

"May fiancé na siya.........at yun ang kuya ko."mayabang na pagmamalaki niya. Para namang binagsakan ng langit at lupa yung mukha ni Darryll. Natawa ako ng mahina sa utak ko.

"Terrah. Lance is long dead......at hindi ako puwedeng mag-asawa right? I just need to find my true heir."sabi ko. Nang tinignan ko Darryll ay nakita kong nakahinga siya ng maluwag. Huh? Nakahinga ng maluwag? Bakit?

"No!!! My kuya is not dead. I can feel it. Babalik siya para kunin ka. Para pakasalan ka."pilit na sabi niya. Simula nung umamin siya sakin na kuya niya si Lance ay paulit-ulit na niyang sinasabi na hindi pa patay si Lance.

"Accept the painful truth sister. Besides, hindi ako kayang mahalin ng kuya mo..... He just wanted the throne, bata palang kami ay gusto na niyang maging hari."malungkot na sabi ko.

"Oo nga ang patay na dapat hindi na pinag-uusapan just look for the future."singit ni Darryll. Napatingin naman kami pareho ni Terrah sa kanya at saka sinabing......

"Shatap!!"sigaw namin pareho sa kanya.

"Sabi ko nga. Tatahimik na."sabi naman niya. Natawa naman na kami pareho ni Terrah sa kanya.

"Ano nga ba ang sasabihin mo sakin."panimula ko nang makatigil na ako sa kakatawa.

"Ti-next ako ni Xander.....he wanted a talk from me...tatanggapin ko ba?"tanong niya habang kinikilig.

"Actually nakausap ko ang boyfriend mo kanina..........sabi nga niya, gusto niyang mag-sorry."sabi ko sabay tingin kay Darryll. Yung mukha niya, priceless.

"Oh my God......"kinikilig niyang sabi, nabaling naman yung tingin ko sa kanya.

Tumayo siya sa kinauupuan niya at saka nag-dive-- este niyakap ako. Nang mahigpit.

"You should show him the village."sabi niya nag kumalas sa yakap ko habang nakatingin kay Darryll.

"Yeah I'm planning too. Pero maaamoy nila siya."pag-aalala ko. Umiling naman siya.

"Sinong nagsabi na kailangan mong dalhin pa siya sa baba? Remember the Veranda?"Siya na!!

"Sure. Salamat."sabi ko naman habang nakangiti.

Tinanguan niya naman ako at saka lumabas ng kuwarto ko.

Nang maiwan na kaming dalawa ni Darryll dito ay napag-pasyahan kong mauna nang magsalita.

"Tara....let me show you the vampire ville."pag-yayaya ko. Pero hindi siya umiimik. It took him 3 seconds bago makapagsalita.

"You didn't tell me that you has a fiancé."cold na sabi niya. Nag-irap naman ako ng mata at tumayo atsaka hinila siya palabas.

Nagpupumiglas pa nga siya pero wala siyang magawa kasi, mas malakas ako sa kanya. Sorry siya.

Buti nalang at nakarating kami sa veranda ng walang nakakakita. Medyo busy kasi ang mga tao sa palasiyo ngayon, busy sa pagbabantay sa mga kinikilos ng mga wolves, lalo na at confirm na lumabas na sila ng kanilang barrier na dati ay hindi naman nila ginagawa. Probably the Queen, had already finished her medication at hindi na sila takot.

Nang bukasan ko ang pintuan ng veranda at nakapasok na kami ay agad ko itong isinara. Para atleast walang makakakita samin dito at sasabihing, 'magdiwang lumalandi na ang reyna!' Like yuck.

Nang lumingon ako kay Darryll ay nakita ko siyang nakatingin sa baba. Probably sa mga kabahayan dun.

Nang nilapitan ko siya ay narinig ko siyang nagsalita.

"Your world doesn't fail to amaze me."sabi niya. I silently laugh. Siguro, yung ganda ng mundo ko palang ang nakikita niya. Pag nakita niya ang totoong peligro ng pagiging isang bampira ay kakainin niya lahat ng mga sinasabi niya.

"This is my world"sabi ko at saka tumitig sa kanya.

"A world without souls."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Guys don't be bother by some lines that I put in here ok?

Nilagay ko lang po iyon para pag nirevise ko na po yung story eh hindi na ako masiyadong mahirapan.

A simple warning for you guys........ from now on you'll be encountering some confusing words/scenario. Pero wag pong mag-alala right after ko pong mai-publish ang epilogue ay irereverse ko po agad.

Enjoy reading.

Apple🍎

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon