Six: Terrah's fall

3.8K 122 10
                                    

-Dasha-

"Baka matunaw." I said through a low voice tone na sapat lang para marinig ni Terrah at hindi marinig nang mga naka-paligid saamin.

Nakita ko kasi siyang nakatitig sa isang lalaking matangkad, maputla, at simpleng guwapo. Dahil sa sobrang pagtitig niya, hindi narin niya kinikibo yung pagkain niya.

And I guess that man was her latest love interest.

Napa-tingin naman siya sakin nang marinig ang sinabi ko. Inirapan niya ako at nagpa-halumbaba.

"Who says that I like him?" Tanong niya saakin....... more like, sa sarili niya. It was like, may kausap ka pero mas prefer mong kausapin yung sarili mo.

I laugh."I didn't say you like him, what I'm saying is he'll melt if you keep on looking at him that way."

"I didn't like our rules." She mumbled in herself. I nodded.

"Neither did I." I retorted.

"You are allowed to fall for anyone, human or vampires." I swallowed the last bite of my burger.

"How?" She asked me. Confused.

"Dahil tao ka rin dati, and besides your not still betrothed to anyone." I finally told her the secret that I -and my sister- hide from her, long time ago.

"So your saying na puwede kong mahalin ang kahit sinong gusto ko?" Surprise na sabi niya saakin.

"Ako lang naman ang hindi." Bulong ko. I gave her an reassuring look, a look na puwede na niyang gawin kung ano man yung gusto niya.

"Thank you." I just love this child too much para itago sa kanya ang karapatang matagal na naming kinuha sa kanya. I don't wanna die, hiding the most precious thing for her, love.

"Uhmmm, mauna ka na sa next subject natin. Susunod nalang ako, maybe I'll ditch subjects first." I just want to feel some fresh air. Maybe in the school forest will do. Basta, I just think na maybe I need some space for myself.

"Ju-just don't take too long." Napag-hahalatang pinapalayas ako neto, porket dumaan lang yung crush niya. Abat, kiniling ang babae.

Napa-'hmp' nalang ako at tumayo, iniwan ko na siya dun na naglalaway dun sa crush niya. Char lang.

Naglakad-lakad muna ako ng mga ilang minuto bago napag-pasyahang pumunta na sa forest. Pagka-hanap ko nang magandang puwesto sa gubat ay agad na akong nadismaya. May lalake na kasing nakaupo doon, his back facing me.

Paalis na sana ako para maghanap ng bagong puwesto nang lumingon yung naka-upo saakin. Para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko, hindi ako maka-lingon man lang o maka-galaw. Naka-titig lang ako sa kanya, grabe ang guwapo niya pag-nasisinagan ng araw. Mukha siyang isang paraiso.

Ngumiti siya saakin at wi-nave yung kamay niya.

"Looking for something?" Tanong niya mula sa di-kalayuan. I didn't respond, nor blink.

"Ahhhhh, ju-just wandering around. Mu-mukhang naistorbo ata kita, aalis nadin naman na ako." I silently prayed na sana hindi na niya ako pigilan, it was awkward.

"Wait, just seat here. Let's talk about us." I am the kind of person na hindi madaling mautusan, pero I am literally shock nang naglakad mag-isa yung mga paa ko. Great, I can't turn back anymore.

Umusog siya ng kaunti sa nag-iisang bench dito sa parang kalagitnaan na ng gubat. Parang especial ang lugar na ito at para lang sa kanya. Feeling ko tuloy trespasser ako.

Umupo ako sa tabi niya and keep my distance from him, anyway possible. Pero pansin ko lang na kahit anong usog ko ay lumalapit parin siya saakin.

"I love watching them from here." Butterflies lingered around to where he pointed it. I feel pity for myself, bakit ba ansakit isipin na kahit kelan hindi ko naranasan ang maging malaya?

"Buti pa sila, malaya." Bulong ko sa sarili ko, kahit minsan kasi parang hindi ako naging malaya. Palaging naka-kulong.

"Hmmm? Malaya? Bakit?" Umiling nalang ako bilang sagot.

"I just wanted to know, who are you?" As ambiguous it's sound, ewan ko kung ano ba ang isasagot ko. Parang dalawa ang meaning eh, but I choose to tell him the easiest.

"Dasha Merina Empire." I don't want him to know kung ano ba talaga ako. Ayokong kata-kutan niya yung totoong ako.

"No...... What I meant is, who are you the night you saved me." That rang the bell inside me. I knew he was going to ask.

"It's not your business to know." I simply said. Sana...... Sana lang, wag na siyang magtanong. I'm not good at sharing secret to anyone, so I'm not sure who I was going to trust.

"But you can rely on me. I just wanted to know, isa pa ako naman yung kasama mong nakakita sa kanila diba?" Maybe he's not that bad, maybe it was worth telling him. For heaven's sake, he's the first person I will trust. At partida, tao siya.

Suminghap muna ako ng hangin bago nagpatuloy.

"Them......... Me...... We are." I paused a bit, looking up at him. Meeting and locking our gaze, I told him.

"I will tell you who I was, but promise me. Your not going to runaway." I clearly saw the desire in his eyes as he nodded.

"We-were.... Ahmm.... Were.... Some sort of.... Vampires." Pinilit kong ngumiti nang sinabi ko iyon. Nanlaki ang mga mata niya.

Shit, I knew it he would scream and runaway like idiot telling everyone that the devil had summoned us to end this world.

Pero hindi, he just laughed. Very very loud laugh. At para ba siyang nakarinig ng joke na bumenta sa kanya.

"I knew it!! Sabi ko na, totoo kayo! I have seen one before. At nung gabing iniligtas mo ako! I knew you were real. Thank you.!"

Unexpectedly, he just hugged me. And my imaginary heart just skipped a beat.

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon