Four: Frienemies

4.6K 138 8
                                    

-Dasha-

Frienimie

Hindi na ako nagtaka nang pagdating ko sa condo building ay pinagtitinginan ako nang mga taong dumadaan pa. Lalo na yung receptionists na kausap ko kanina. Grabe siya maka-tingin saakin eh, parang lalamunin ako ng buhay. Char lang.

Nagmadali akong umakyat ng floor level ko at agad-agad na nagtungo sa unit ko. Hindi ko na kasi matiis yung mga tingin nila sakin. Ganun ba sila ka-conservative? Kaunting dumi lang sa pyjama ko pinag-diskitahan pa nila.

Pinatong ko yung medyo malaking paper bag sa table at tinanggal isa-isa yung laman nito, yung ibang chips ay nilagay ko sa mga empty cupboards at tinira ko naman yung iba. Balak kong kainin mamaya.

Yung ibang drinks naman ay balak kong ilagay sa ref. Ngunit pagbukas ko ng ref, tumambad saakin anf hile-hilerang bags ng dugo at halos punuin na ang two door refrigerator ko. Aba, prepared.

Buti nalang ay may maliit na espasyo pa sa gilid, mga kasya pa siguro ang limang softdrinks. Pero pinagkasya ko ang sampung bote ng softdrinks doon. Puspusan kong pinagkasya yan.

Nang mailigpit ko na lahat ng mga pinamili ko, umakyat na ako sa kuwarto at binalak ko naring matulog. Pero napagtanto ko, matutulog ako nang ang baho-baho ko? Amoy abo pa ako.

Bago ako natulog ay naligo nalang ulit ako at nagpalit ng ibang pyjama set. Hindi ko narin nadala yung mga chips na binalak kong kainin kanina dahil sa medyo antok narin ako.

Humiga ako sa kama at tumitig lang sa ceiling ng mga ilang segundo. Nang maalala ko yung cellphone ko ay agad ko itong kinuha at binuksan. Disappointment plastered on my face nang makita kong wala man lang ni-isang message na sinend sakin. Nang umalis ba ako sa kaharian ay nakalimutan na ba nila ako?

Binaling ko nalang yung atensyon ko sa pag-set ng alarm sa cellphone, napag-alaman ko kasi na ito ang ginagamit ng mga tao para magising ng maaga. But I think some people will not wake up even if there is this alarm.(a/n: yung kaklase mong palaging late, ni hindi mo alam kung papasok pa siya o hindi na. Shout out to Mistaken. XD.)

After kong i-set yung alarm. Natulog narin ako.

---

"No. What I really meant is, thank you!" Grabe, kung alam ko lang na ganito ang mga tao, nag-pumilit nalang sana ako na hindi papasukin dito.

Gaya nalang nung isang to, sinabihan ba naman ako ng 'maganda' tapos pi-nakyu ko siya then sinabihan ba naman ako ng 'binabastos mo ba ako?' Oh di siya na.

Sa sobrang tagal ba naman kasi ni Terrah na dumating, kanina pa ako hindi makapasok ng Academy dahil sa wala man lang akong form o waver o i.d na nagpapatunay na estudyante nga ako dito. Nakay Terrah kasi yung mga form.

Napatingin nalang ako sa daan at nakita ang isang taxi na huminto sa di kalayuan. Nagsi-tinginan naman ang mga kasama kong estudyante na hindi rin makapasok. Bumaba naman ang isang babae, napa-irap naman ako nang makita si Terrah na nag-aala 'model' habang naglalakad papalapit sakin.

Napa-'ohhhh' naman ang mga kalalakihan na nakakita sa kanya. Ang ilan naman ay napa-pasimpleng tingin nalang dahil kasama nila ang mga nobya nila. Takot lang nila sa mga nobya nila eh.

Hindi naman kasi maikaka-ila na maganda si Terrah eh. Pero ang tanging maling nakikita ko lang naman ay pinapaka-landakan niya iyon sa madla. Kailangan niyang tandaan na bampira siya, natural lang na higit ang ganda niya sa mga tao.

"Pa-pasensya na ma-mahal na reyna. Late ako, kasi may ipinag-utos pa si Lady Dana." Feeling ko ngayon, nakatingin lahat ng tao saamin. Center of attraction kumbaga.

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon