-Author-
"I've dreamed about her last night." Sabi ni Darryll kay Terrah while having breakfast at a café near at the school. The Dream Academy.
"What's so special about that? You always dream about her." Tanong naman ni Terrah dito. Kahit halos araw-araw na napapanaginipan ni Darryll ang yumaong kasintahan ay hindi rin niya maintindihan sa sarili kung bakit hindi niya mapag-sawaan ang magandang mukha ng dalaga.
"I have talked to her." Inirapan naman ito ng kaibigan. What's new? Kahit naman paulit-ulit na mag-kuwento si Darryll kay Terrah ay hindi na mababago ang katotohanang patay na si Dasha. Minsan nagsasawa nalang siya.
"You always do. Ano bang bago?" Bored na tugon naman nito. Ibinaling naman nito ang atensyon sa cake na kinakain at sumubo ng isa.
"Natatakot siya... Wala siyang maalala... Hindi niya kilala ang sarili niya. Ano sa tingin mo ang ibig-sabihin nun?" Tanong naman nito pabalik. Napahinto naman sa pag-kain si Terrah at napa-isip.
"It's imposible to have a vision of the dead you know. Baka miss mo lang yung tao." Pambaling nito. A vision of the dead? But---
"What if she's not??" Tumitig si Terrah kay Darryll ng mga ilang segundo bago tumawa ng mahina.
"You're kidding. Kung buhay siya tingin mo matitiis niya ang sampung taon na hindi ka nakikita? At sa tingin mo buhay pa ang reyna ng mga aso?" May point naman siya, sabi ni Darryll sa isip. Bakit ba kasi kailangan pa siyang mamatay?
"You better hurry. May flight pa kayo." Pagmamadali ni Terrah kay Darryll.
---
"Girls are not allowed on you both." Masungit na sabi ni Terrah sa dalawa. Ikaw ba naman maka-kita ng dalawang guwapong nilalang na nasa kalsada, tignan lang natin kung hindi maglaway ang mga makakakita.
Natatawa namang tumango ang dalawa. Kahit kailan talaga ay napaka-stricta ni Terrah.
"Well stick to one ako." Sabi ni Darryll habang natatawa. Tumango naman si Terrah in agreement, habang ang asawa naman niya ay napakamot nalang sa ulo.
Naningkit ang mga mata nito at tinignan ng masama si Xander.
"Uhmmm, you know na inlove lang ako sa isang tao diba? You know that." Malambing na sabi ni Xander sa asawa. Ahy, hanggang ngayon ay torpe parin pala ito.
"S-sa ta-tao ka i-inlove? Hi-hindi sakin? Bakit mo pa ako pinakasalan?" Maluha-luha nang sabi ni Terrah. Napa kamot nalang sa batok ang asawa dahil sa kabaliwan ng misis nito. Isa nga talaga siya sa may mga ugali na 'uncontrolled temper'.
"Ano ka ba, shhhh. Bakit naman kita papakasalan kung hindi kita mahal. I love you more than you know." Sabi nito habang pinupunasan ang mga nagbabadyang luha ni Terrah. Kanina pa naman napapansin ni Darryll ang ka-emo ng dalawa.
"Okay, okay. Enough lovebirds malalate na kami oh." Pambasag moment nitong si Darryll.
"Asungot talaga to kahit kelan." Naiinis namang sabi ni Xander na halatang nabitin.
---
"Please wear your seatbelt and were going to land off in a minute."
Sinalubong ang dalawa ng isang Van na papunta sa isang villa kung saan muna sila mag-iistay ng mga ilang araw.
"Kailan tayo pupunta ng kompanya?" Tanong ni Darryll, maging sa sarili ay hindi din niya maipaliwanag ang nararamdamang pagod ka galing biyahe pero gusto mo na agad pumunta sa lugar na pupuntahan mo. Something is pulling him na pumunta doon.
"Tomorrow sir." Tipid na sabi ng assistant nito, napatango nalang siya dahil sa disappointment na nararamdaman. Akala pa naman kasi niya ay makakapunta na sila doon.
Kinabukasan....
"What's with the suit?" Tanong ni Xander kay Darryll.
"Uhmmm, it is a business suit. Para medyo bossy ang dating." Paliwanag naman nito habang nag popogi-sign pa sa harapan ng salamin na kung saan siya nakatayo ngayon.
'Just for one day, forget about Dasha and Think about the work.' Parang ewan na sabi nito sa utak.
Pag-dating nila sa kompanya ay agad silang pinag-titinginan at pinag-bubulungan ng mga nakakakita sa kanila. Kesyo, bakit daw ang guwapo nila, kaninong anak ba daw sila, at ang nakakatawa pa ay may sumigaw pa kanina ng 'how to be you po'.
"Please call the Manager. I want to have a talk." Tipid na utos ni Darryll sa kanyang sekretarya pag dating nila sa opisina.
"Tol, ang lala kanina. Mambabae kaya tayo?" Aya ni Xander sa kaibigan. Napa-iling nalang si Darryll dahil sa may asawa na ang kaibigan pero gusto parin mambabae.
"Sir Miss Claire is here." Sabi ng assistant sa telepono.
"Papasukin mo siya." Reply naman pabalik ni Darryll. Saka nito binalingan ang kaibigan na ngayon ay umiinom na ng dugo.
"Loyal ako ulul." Sabi nito na tinatawanan pa ang kaibigan.Nang mag-bukas ang pintuan ay napatingin ang dalawa. Muntik nang maibuga ni Xander ang iniinom dahil sa sobrang gulat.
Sino ba naman kasi ang makakalimot sa puting buhok, mapupungay na mata, maputlang balat, at natatanging ganda.
Napabulong nalang si Darryll sa sarili dahil sa nakikita. Ang babaeng laging nasa pangarap at panaginip niya.
"Dasha"
BINABASA MO ANG
Vampire And The Heartthrob ✔
VampirosA love story between two worlds. Sa umpisa I thought I was just simply playing with him. Pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na siya at kasabay nun....... I'm slowly breaking our absolute rules. How can I save him, when the day of judgement comes? Da...