A normal life................................................
What is that for you? For me, normal life is me itself. School-bahay, school-bahay thing. That is normal, and I am normal. Me, and my family are normal. I thought.
And this is normal day for me. Pupunta ako ng school, at uuwi pag-katapos. Ganon lang ang buhay ko, naiintindihan ko naman si mama sa pag-bilin niya saakin na wag lalapit sa kahit kanino. Hindi ko man alam kung bakit pero iniintindi ko nalang.
"Dasha! Tara na ihahatid na kita, baka malate ka pa. Ako din malalate kung hindi mo bibilisan diyan."Rinig kong sigaw ni ate Dana sa labas. Ngumiti naman ako sa sarili ko dito sa harap ng salamin bago tumalikod at saka hinablot ang bag ko. Well, nakatira ako sa isang normal na bahay at mayroon akong normal na pamilya. Basta, lahat na ata ng bagay na tungkol sa normal nasa akin na.
"Opo ate palabas na!"sigaw ko naman. Sa huling pagkakataon tumingin ulit ako sa salamin at saka inayos yung neck tie at blazer ng uniform ko. Inayos ko din yung salamin sa pagitan ng dalawa kong mata, at fresto! Nerd nanaman ako.
"Kumain na tayo!"Rinig kong sigaw ulit ni ate. Napa-iling iling na lang ako bago kumaripas ng takbo papunta sa kusina. Baka ubusan ako ng ulam ni kuya eh.
"Kuya Dionysus Mitchell Empire!!!! Yung hotdog ko."sigaw ko. Nakita ko naman na halos mabulunan na siya doon. Habang natatawang tumingin sakin. Agad naman akong tumakbo sa tabi niya para kunin yung ulam ko.
"I told you to fasten your movements."natatawang sabi ni ate kaya naman natawa ulit si kuya doon. Dahil sa inis ko ay tinapakan ko yung paa ni kuya causing him to moan in pain. Napa-smirk nalang ako dun.
Nakita ko naman si Mama na parating na may dalang tray, baka yung sa ulam.
"Ma! Si kuya oh....... nangunguha ng ulam."reklamo ko. Ibinaba naman ni mama yung tray at saka umupo sa kanyang upuan. Sabay hawak sa sentido niya.
Our mother is a 49 year old woman with three kids, which is us. But a widowed mother, because my dad died when I was still a kid.
"Ian..... ang tanda mo na inaagawan mo pa ng ulam yang kapatid mo."mahinahong sabi ni mama kay kuya.
"Pero ma... andami naman diyan oh."itinuro niya yung tray sabay naman akong napatingin at napa-tch nalang. Pasalamat si kuya.
"Ayyyy bunso, ma, Dan, alis na ako. Mala-late na ako."Paalam ni kuya at saka tumayo at hinalikan kaming tatlo sa pisngi. Kahit ganyan naman si kuya eh mabait padin yan, sweet din.
At nang natapos na akong kumain ay tumayo na ako at saka kinuha yung bag na nasa may sofa.
"Ma alis na kami...."paalam ni ate na kakatapos ding kumain. Tumakbo ako papunta kay Mama at saka hinalikan din siya sa may cheeks at nag-paalam.
Pagka-labas namin ng bahay ay bumungad samin ang medyo lumang model na ng toyota vios, medyo hindi na makinang pero gumagana padin. Oh diba, normal things.
For the last time ay nag-paalam ulit kami kay mama at saka hinalikan ulit siya sa may pisngi. Sinabihan niya naman kami ng mag-ingat pabalik.
Nang makasakay na kami parehas ni ate sa loob ay i-nistart na niya yung kotse at nag-wave na ng kamay si Mama bago pumasok ng bahay.
Habang nag-dridrive si ate ay hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. Sa ganda ni ate na yan, bakit kaya wala pa siyang boyfriend? Ang trabaho lang naman niya ay isang ordinaryong worker sa isang kompanya, hindi din naman mabigat ang trabaho. Maganda naman ang ate ko, maputi, matalino at------
"Hoy. Bat ganyan ka makatitig? May dumi ba ako sa mukha?"tanong ni ate na nakapagpabalik sa wisyo ko. Teka, pano nga ba niya nalaman na nakatitig ako sa kanya? Eh nakatingin siya sa daan ah. Darn, weird.
BINABASA MO ANG
Vampire And The Heartthrob ✔
VampireA love story between two worlds. Sa umpisa I thought I was just simply playing with him. Pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na siya at kasabay nun....... I'm slowly breaking our absolute rules. How can I save him, when the day of judgement comes? Da...