-Third Person-
Arrdission Chaos
Nakarinig si Dasha ng door bell sa labas ng unit niya. Bumaba siya at nagpunta sa may pintuan para buksan ito.
"Ruckus." Malamig na sabi nito pagkabukas ng pintuan. Nakaramdam naman ng takot si Ruckus at hindi matignan ng maayos si Dasha.
Napatawad na ni Dasha si Ruckus pero hindi niya alam kung papaano ipapakita ito. Eh sa kilala ba naman siya bilang walang awa.
"Mahal na reyna. May padala po kayo." Tinignan ni Dasha ang kargang kahon ni Ruckus ngayon. Hindi naman siya nagsususpensya kung anong laman nito, dahil alam naman na niya kung ano.
"Pumasok ka." Naunang pumasoksi Dasha para makapasok si Ruckus. Nanginginig naman na sumunod si Ruckus at agad na ipinatong ang dala niyang box at halos tumakbo nang palabas.
Napahinto naman siya nang makitang nakatayo sa may pintuan si Dasha at masama ang tingin.
"Now... Let me ask you something...."
---
Dana was walking at the school corridor nang may mahagip ang kanyang mga mata. Hindi siya puwedeng magkamali, si Lance ang kanyang nakikita ngayon.
Hindi man siya ganun kaclose kay Lance noon ay alam parin niya ang bawat galaw nito. Hindi nalang siya nagpadala sa kanyang nararamdaman at sinundan nalang niya ito.
Dinala siya ng pagsunod niya kay Lance sa school office. Buti nalang at may bintanang bukas doon para makakinig.
"Mr. Lance Ruffertcliff? You look familiar. Nagkita na ba tayo?" Rinig niyang tanong ng Principal. The surname ring the bell, magka-apilyedo sila ni Terrah dahil nga mag-kapatid sila.
"No sir. It's actually my first time here at hindi po ako masyadong pamilyar dito sa Vampington dahil lumaki po ako sa ibang bansa." Ngumiti ito at napayuko ng kaunti. Hindi naman umimik si Dana at nagpatuloy na nakinig.
"Ahh. Alam ko na, you look like Emilio Dream!! Magkamag-anak ba kayo?" Napansin naman ni Dana ang paglunok ni Lance, senyales nang medyo hindi siya prepared sa tanong.
Siyempre hindi siya prepared, dahil ba naman sa halos 50 years niyang hindi nakikita si Emilio which is tatay ni Lance. Umalis lang din si Emilio Dream sa Arrdission nang hindi matuloy ang kasalan nila ni Dasha. Dahil hindi nito matanggap ang pagkamatay ni Lance, nagpagawa nalang ito ng eskwelahan para sa mga ordinaryong tao which remind him of his late son.
"Ahh, wala po. Hindi po pamilyar ang pangalan." Hindi pinahalata ni Lance ang pagka-distract sa presensya ni Dana. Dahil sa pagtira niya sa kaharian ng mga wolf ay natuto din siya ng mga techniques nila gaya ng pag-langhap kung may kalaban bang paparating.
"Gusto mo ba siyang makilala? I can help you." Mukhang wala namang kaalam-alam si Dana na alam na ni Lance na nakikinig siya at patuloy lang ito sa ginagawa niya. Lance fix the bridge of his glasses.
"Ahh sir kailan po ba ako mag-uumpisa?" Pambaling na tanong naman ni Lance, halata ang pag-iwas niya sa tanong at ang pag-iwas niyang mameet ang kanyang ama.
"You can start tomorrow." Ano nga kayang trabaho niya dito? Tanong ni Dana sa kanyang sarili. Nang tumayo naman si Lance ay agad siyang bumaba sa kanyang tungtungan at agad na naglakad paalis.
Ngunit napahinto siya ng may nagtawag sa kanya.
"How long you've known I was alive Miss Dana?" Napatalikod siya dahil sa pagkakarinig ng pangalan niya. Nawaglit kasi sa kanyang isipan na matalas pala ang pang-amoy ng mga wolf, kung wolf man ang kanyang kaharap ngayon.
"Lance... Why did you lie? Bakit mo pineke ang pagkamatay mo?" Nagpupuyos sa galit na tanong ni Dana. Without blinking, Lance answered.
"I did not lie. Hindi niyo lang talaga alam na buhay ako, at mukhang nakamove-on naman kayo agad." Dana smiled bitterly, walang alam si Lance sa pinagdaanan ng Arrdission nang isipin ng lahat na patay na siya.
"Hindi mo alam ang mga nangyari, for 50 years hindi mo alam ang pinagbago ng Arrdission. Hindi mo alam kung panong muntik nang masira ang Vampire Dynasty ng mga Empire dahil sa pag-aaklas! Hindi mo alam ang pagdadalamhati ng lahat dahil wala ng hari na uupo sa trono! At hindi mo alam kung panong umiyak ng 3 taon si Dasha dahil sa pag-upo niya ng tronong mag-isa at dahil sa pagkamatay mo!! Hindi mo alam kung pano mo sinira ang buhay niya!" Marami pang gustong sabihin si Dana sa kanya ngunit baka abutin sila ng siyam-siyam kapag ginawa niya pa ito.
Nakaramdam naman ng hindi maipaliwanag na pakiramdam si Lance. Hindi niya alam kung ang nararamdaman ba niya ay awa para kay Dasha at sa mga taong naginig malungkot o kasiyahan dahil sa malapit na nilang mabuwag ang Vampire Dynasty ng mga Empire.
"Kaya ako bumalik Lady Dana, para ayusin ang gulong iniwan ko. Babawiin ko si Dasha, sisirain ko siya pagkatapos. Nauna niyang sinira ang buhay ko, dahil sa pesteng pagpapakasal na yan!! Hindi sana ako nahiwalay sa kapatid ko, hindi sana ako umibig ng isang bampira, hindi ko sana hinangad ang umupo sa trono, at hindi sana ako namatay!!" Gusto pa sanang sabihin ni Lance na sana hindi siya napakampi sa masama at sa mga kalaban ngunit nangako siya kay Clarina na hindi niya ipagsasabi kahit kanino ang alam niya tungkol aa kanila.
Hindi naman nagsalita si Dana at naglakad nalang palayo. Kahit ba kasalanan ng kapatid niya ay tama bang saktan niya habang buhay si Dasha?
Nang makarating siya sa Sunlit Forest ay napasandal siya sa isang puno at umupo.
Hindi naman nagtagal ay dumating si Ruckus.
"Lady Dana ayos lang po ba kayo?" Tumingin si Dana kay Ruckus nang walang emosyon. Wala siyang oras atupagin ang buhay pag-ibig niya ngayon.
"Bukas, tell Terrah to bring Dasha back. We can't lose another pure blood again."
BINABASA MO ANG
Vampire And The Heartthrob ✔
VampirgeschichtenA love story between two worlds. Sa umpisa I thought I was just simply playing with him. Pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na siya at kasabay nun....... I'm slowly breaking our absolute rules. How can I save him, when the day of judgement comes? Da...