Dasha's POV
Darn, I can't believe that we are officially us. Haha. Kami na! Last night was the happiest night of my life. Hindi ko pa nararanasan maging ganun kasaya sa buong buhay ko.
Sa sobrang saya ko ay pagulong-gulong na rin ako sa kama ko. Habang kinikilig. Hindi na nga rin ako nakatulog ng maayos eh, grabe talaga.
Naka-kagat parin ako sa unan ko nang tumunog ang telepono sa may gilid ng kama ko.
Bumangon ako nang mabilisan at agad na inayos yung buhok ko. Parang makiki-pag video chat naman ako noh.
Kinuha ko agad yun at saka tinapat sa sa tenga ko.
"Hello."medyo kinikilig ko pang sabi.'Dasha compose yourself.'bulyaw ko sa utak ko pero sabi naman ng malandi kong puso,'sige pakalandi ka lang mahal na reyna tama yan.'
And the winner is...... siyempre yung puso ko. Kung sa palandian lang naman ang usapan ay malamang panalo palagi ang puso ko. Hehe.
"You didn't sleep My Princess?"Pambungad na bati sakin ng taong pinaka-mamahal ko.
"Hey! Do you think a girl like me would go to sleep if she keeps on thinking about what happened last night?"Tanong ko. Tumawa naman siya ng mahina sa kabilang linya.
"Mahal talaga kita Prinsesa ko."sabi niya at halatado sa boses niya na kagigising lang niya.
"Ahm, hindi ako prinsesa... well parang ganun na nga pero REYNA na ako."medyo pabulyaw kong tugon.
"Dali, punta ka dito. I want to see the love of my life."sabi niya, and darn kahit alam ko na wala na akong dugo ay feeling ko nag-iinit parin yung pisngi ko. Damn this guy.
"Ok. Ok. Give me one sec."sabi ko naman.
"Yeah, I love you."sabi niya. Oh, God. Kinikilig ako to the bones. Napa-ngiti ako nang wala sa oras.
"I'll save mine. Muwah."sabi ko at saka ibinaba ang telepono.
Tumayo na ako mula sa kama at saka nag-lakad papuntang banyo.
Ginawa ko na ang lahat nang natural na gawain ng isang babae, ng isang normal na babae. Pero siyempre hindi ko parin nakakalimutan kung sino ako.
Binuksan ko yung isang drawer na nasa tabi ng kama ko at saka kinuha yung syringe na naglalaman ng blood potion. Alam niyo naman na siguro kung ano ang epekto nito sakin diba.
Umupo ako sa gilid ng kama ko at saka itinaas ang manggas ng long sleeve na uniform namin. Inalis ko ang takip nung syringe at saka tinurok sa braso ko yung gamot. Pagkatapos kong maiturok ay nakaramdam ako ng kaunting panlalambot at pagkahilo, side effects ng gamot gaya ng sabi ni Dana. Hindi kasi isang daang porsyento ang kaligtasan ng gamot. Isang maling take ko lang ay maaari akong mawalan ng lakas o mabaliw.
Nang mag-fade na yung side effects ng gamot ay tumayo agad ako at saka hinablot yung blazer ko at saka isinuot ito. Kinuha ko nadin yung bag ko at saka lumabas.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng unit ni Darryll.
Kumatok din ako ng mga limang beses bago mapagtanto na meron pala silang doorbell. Bigla tuloy akong napaisip, nagiging tanga ba lahat ng pumapag-ibig?(a/n: hey-ow, I wanna see what you think 'bout her question in the comments below. Thanks)
Pero bago ako maka-pindot ng doorbell ay bigla nalang bumukas yung pintuan, sa sobrang gulat ko naman ay napisil ko yung doorbell kaya naging maingay sa loob ng bahay. Binitawan ko naman agad ito at saka pasimpleng nag-hello kay Darryll. Bakit ba ang tanga ko ngayon?
"Oh sabi ko na eh may tao.... Saka pala, may doorbell oh. Dibale na, halika na pasok ka."Sabi niya atsaka ako hinila paloob. Pasimple ko naman siyang tinignan mula ulo hanggang paa at saka napansin na naka-uniform na din pala siya.
"Ah-eh puwede mo na akong bitawan. Hehe."Sabi ko pero sa loob-loob ko ay sumisigaw ako ng 'hindi wag mo akong bibitawan!'. Hehe landi ko.
Ngunit imbis na bitawan ako ay hinila niya ako at saka niyakap sa likod. Ang magandang pakiramdam ay ang maramdaman ang hindi mo maramdaman. Gets niyo?
Ramdam na ramdam ko ang pag-tibok ng puso niya mula sa likod. Pano kaya pag naging tao nalang ako? Baka siguro walang sumpa na mag-hihiwalay samin diba? Baka siguro masaya ako ngayon, living a normal life without laws, rules, and curse.
"Ang sarap pakiramdaman ng pulso mo."Malumanay na sabi ko. Yung pulso lang ata niya ang nakakapag-pakalma sakin.
"Sayo lang yan."Sabi naman niya pabalik. Gusto kong may maramdaman, pero wala. Kahit kilig o anuman wala akong maramdaman. Tanging alam ko lang ay ang ngiti at galit."Mahal na mahal kita."sabi ko. Ngunit imbis na sumagot siya ay bigla nalang niya akong sinandal sa isang malapit na pader. Habang nakapatong yung kamay niya sa pader, ay nakatingin naman siya sakin ng malagkit. Darn, medyo may goosebumps yun ah.
Hindi ko inaasahan na lumalapit na ng lumalapit yung mukha niya sakin. Hahalikan ba niya ako? I'm excited. Waaaaaaa.
Ayan na, malapit na. Nang pipikit na rin ako ay biglang.......
*Boogsh*
Pareho kaming napapitlag. Darn. F*cking son of a bitch.
BINABASA MO ANG
Vampire And The Heartthrob ✔
VampireA love story between two worlds. Sa umpisa I thought I was just simply playing with him. Pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na siya at kasabay nun....... I'm slowly breaking our absolute rules. How can I save him, when the day of judgement comes? Da...