Thirteen: Lance Past

2.3K 76 15
                                    

-Third Person-

Lance Past

Do you still remember king Lance? I mean the crowned King, pero hindi siya nakaupo sa trono niya dahil namatay siya? Kaya ang nakoronahan lang ay si Empress Dasha herself.

To tell you the truth, practically ay hindi naman talaga namatay si Lance. Look what happened the day that everyone thought he's dead.

Flashback

"Look. Kapag kinasal tayo we can do anything we want, we don't need to love and cherish each other." Nasaktan si Dasha sa sinabi ni Lance. Bakit kailangan pa niyang sabihin na hindi nila kailangang mahalin ang isat-isa? Samantalang nahihirapan na si Dasha na ipinaglalaban ang kasal na ito sa mga magulang niya.

"Hindi mo ba talaga ako matututunang mahalin?" Hinawakan ni Lance ang pisngi ni Dasha. Walang emosyon niya itong tinignan.

"Hindi. Si Jane ang mahal ko at hinihintay niya ako. She's willing to be my mistress." Napabuntong-hininga nalang si Dasha. Kahit anong pilit niya ay hindi talaga niya maramdaman ang isang pakiramdam na gusto niyang maramdaman. Yun ay ang sakit, gusto niya kasing iiyak lahat ng pananakit ni Lance sa kanya. Emotionally.

"Please Lance. Mahalin mo naman ako, kahit yung trono ko na nga willing akong ibigay sayo pero ikaw ano ba ang kaya mong ibigay saakin?" Binitawan naman ni Lance ang pisngi niya at nagsimulang maglakad palayo.

"Kaya kitang bigyan ng anak!!" Napanganga naman si Dasha. Sino ba namang bampira ang nasa matinong pag-iisip na nasa kalagitnaan ng pagdradrama eh magbibiro?

"You know I can't have a child if it weren't my mate!!" Sigaw naman nito pabalik. Bumaba din siya sa bato at sinundan ito.

"You're lucky if I was your mate." Sabi nito. Sinundan ito ni Dasha sa likod at pasimpleng sinusulyapan.

Hindi niya napansin ang isang crack sa daan at nahulog ang paa ni Dasha dito. Medyo nahirapan siyang kunin ang paa niya dahil naibaon ang kalahati nito.

"L-Lance tulong." Sigaw nito. Hindi man nila napansin ang isang babaeng matagal nang may galit sa mga bampira na sumusulyap sa kanila.

Agad naman siyang tinulungan ni Lance. Ngunit hindi rin nagtagal ay bigla nalang nagdidikit ang lupa kung saan nabaon ang paa ni Dasha. Unti-unti siyang napapasigaw sa sakit at unti-unti namang natataranta si Lance at hindi alam ang gagawin.

"It's good for you Vampire. Mamatay ka na, kasama niyang mahal mo." Bulong ni Clarina sa sarili. Isa siyang wolf at may kakayahan na kontrolin ang dalawang elemento. Ang hangin at ang lupa. Siya rin ang nakatakdang reyna at gusto ng paghihiganti sa namatay niyang ina.

May biglang dumating na truck na sobrang bilis ang pagpapatakbo. Walang naisip na ibang paraan si Lance kundi ang suntukin ang lupa at iahon si Dasha.

Hinagis niya ito at tumama si Dasha sa isang puno. Nawalan siya ng malay at nasagasaan naman si Lance.

Magdidiwang na sana si Clarina nang makita niya ang mukha ni Lance. Na love at first sight ata siya dito at kinuha ito. Leaving Dasha behind.

"Are you willing to show yourself to her?" Tanong ni Clarina kay Lance. It's been 50 years simula nang mangyari ang insidenteng iyon.

"Maybe it's the right time. Nauna ka naman eh." Uminom siya ng dugo at inilapag ang school paper niya. May balak din siyang magtrabaho sa eskwelahan bilang isang guro.

"Maari ka nilang patayin kapag nalaman nila." Natatakot si Clarina na baka hindi na sa kanya kumampi itong si Lance once na bumalik na siya.

"Matagal na nating pinaghandaan ito... Saka nandiyan ka naman diba?"

Vampire And The Heartthrob ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon