Days had passed at after nang awkward moment namin ni Darryll ay mas naging close kami sa isat-isa. Ayaw ko man ay mapilit talaga siya, lakas lang maka-topak ng ugali niya.
"Dasha! Tulala ka nanaman!"Medyo bulyaw ni ate sakin. Nakalimutan ko nga pala na andito ako sa bahay, at kumakain kami ng dinner.
"Ha? May sinasabi ka ate?"tanong ko. Iling-iling naman ang sagot ni ate atsaka bumalik sa pag-kain.
"Inlabables yang si kapatid, aruyy."Pang-aasar naman ni kuya. Ugh, mahilig talagang mang-laglag si kuya, parang yung kaklase lang ni Miss Author. Chos, hehe.
Tinignan naman ako ni Mama at ni ate ng isang weird stare. Lumingon naman ako kay kuya at saka siya binigyan ng 'ikaw kasi' look. Umiwas naman siya ng tingin at kunwaring kumakain.
"Dasha, ano ba bakit ka tulala. Diba sinabihan na kita na wag makikipag kaibigan? Ginagawa mo padin ba? Ilang araw ka nang ganyan."Medyo pa-sermon na sabi sakin ni Mama. Bakit ba bawal? Hindi ba puwede na maging masaya ako kahit ang weird-weird na ng buhay ko?
"H-hindi po. W-wala po a-akong kaibigan, u-umiiwas naman p-po a-ako." Utal ko namang tugon. Ayan kasi Mama, pinalaki mo akong hindi sinungaling kaya nahihirapan tuloy ako ngayon. Hehe.
"At ngayon natututo ka nang mag-sinungaling? Aba, tumigil ka na sa pag-aaral kung ganyan din pala ang itratrato mo. Lumalaki kang bastos." Sermon na saakin ni Mama. Sa sobrang inis ko na ay binagsak ko ang tinidor ko at saka tumingin sa kanilang lahat.
"Ayaw niyo ba akong sumaya? Ma, bakit ba ayaw niyo nalang akong sumaya kahit saglit lang? Hindi ko man lang alam kung bakit ayaw niyo akong makipag-kaibigan. Pagod na akong umiintindi." Saad ko at saka tumayo at nag-walk out. Pumunta ako saka kuwarto ko at saka ni-lock ito.
Agad akong nahiga sa kama ko, habang habol-habol ang hininga ko. Hindi ako sumasagot sa mga nakakatanda, ngayon lang. At kung inaakala niyong naging magaan ang loob ko dahil doon ay hindi. Ang sama ng loob ko dahil sa sinabi ko. Hindi ako ganong klase ng anak.
3rd Person's POV
SAMANTALA, labis naman ang pagkalungkot ng Ina at mga kapatid ni Dasha dahil sa inasal niya. Halos mawasak ang puso ng kanyang ina dahil sa pag-rarason ng kanyang anak sa kanya.
"May itinuro ba akong mali sa kapatid niyo? Bakit siya biglang nagkaganun?" Halos mangiyak-ngiyak na saad ng kanilang ina habang inaalo siya ni Dana.
"Wala kang naiturong mali Mama, hindi lang talaga niya maintindihan kung ano ba talaga ang mangyayari sa kanya." Sabi naman ni Dana sa ina.
"Malapit na siyang maging isang bampira, kaya lang naman natin siya inilalayo ay dahil sa baka kapag naging isa na siya saatin ay may masaktan siyang iba." Sabi ulit ng kanilang ina.
Masakit din para kay Dana ang kanilang sinapit, kung hindi kasi dahil sa kanya ay malamang buhay pa ang asawa at anak niya ngayon. Pinatay niya ito bago ipanganak si Dasha, dahil na-tempt siya sa mga dugo nito.
"Kailangan nating mag-handa dahil siya ang pinakamalakas. Nakasulat sa kanyang hinaharap na mawawala ang isang taong mahal niya kaya kailangan nating mag-handa." Masakit, ngunit kailangang tanggapin. Mawawala ang isang taong mahal niya, ng dahil sa kanya.
Kinabukasan ay walang imik na bumaba si Dasha para kumain. Still feeling guilty of what she have said yesterday.
Wala naman imik ang dalawang kapatid niya at nagpatuloy lang sa pag-kain pagkatapos tignan siya. Ilang man, ay nginitian parin siya ng kanyang nanay at saka sinabihan na kumain na at baka ma-late pa siya.
"Anak. Mag-ingat ka ha." Tanging habilin lang ng kanyang ina sa kanya. Humingi naman ito ng patawad at nagpasalamat.
DAYS went that way at pasikreto nang may pagtitinginan si Darryll at Dasha sa isat-isa hanggang dumating ang araw na nag-aminan na sila at naging sila na.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Darryll sa kanyang kasintahan dahil parang kanina pa ito nahihilo.
"Ahhh. O-oo a-ayos lang ako. Parang a-ang init lang n-ng mata ko.............."Those were her last words bago siya nahimatay.
Kitang-kita ni Darryll ang paglabas ng kulay blue na parang usok sa katawan ni Dasha at saka lumipad papalayo.
Tatakbo pa sana ang binata para humingi ng tulong nang biglang bumangon si Dasha hawak-hawak ang kanyang ulo.
Lalapitan sana ito ni Darryll nang bigla nitong inangat ang kanyang ulo at minulat ang mata.
Napaatras naman si Darryll nang makita ang mata ni Dasha. Pula ito, pulang pula. Parang natapunan ng kulay pulang paint ang mata nito. Nanlilisik ang mata ni Dasha habang nakatingin siya kay Darryll.
Saka lamang niya narealize na bakit nga ba niya dinala si Dasha sa gitna ng Sunlit Forest? Bakit?
'Vampire's has no soul, no pores, and has no blood. They sip blood just to feel a humanized body and to feel they has still soul. That is according to the book.' That hit's him hard. Pero ayaw niyang paniwalaan na kahit ang taong pinaka-mamahal ng isang bampira ay kaya niyang kainin. Naniniwala siyang mahal siya ni Dasha.
"B-blood." Sabi neto at saka ipinakita ang matutulis nitong pangil. Umamoy-amoy pa sa hangin at nang maamoy niya ang dugo ni Darryll ay agad niya itong sinugod.
Kinagat niya ito sa leeg at ang tanging naririnig na lamang ay ang pagmamakaawa ni Darryll. Hanggang sa nawalan na ito ng hininga na siya namang pagka-satisfied ni Dasha. Ipinikit nito ang mga mata niya at nilasap ang dugo ng kasintahan. Habang hawak-hawak nito sa mga braso ang duguan at wala nang buhay na minamahal.
Minulat niya ang kanyang mata at napaiyak nalang bigla.
"No! Darryll, who did this to you?" Iyak ng iyak niyang sabi. Napahagulgol pa siya ng marealize na siya pala ang may gawa. Nanginginig siyang tumayo at umuwi ng bahay, iwan-iwan ang bangkay ng taong pinakamamahal niya.
"What kind of monster I am?" Tanong niya sa sarili niya pagkapasok ng bahay. Agad naman siyang niyakap ng kanyang ina.
"No your not a monster. Kahit ano pang sabihin mo ikaw padin yan." Sabi sa kanya ng ina. Pilit naman siyang kumakalas ngunit mas hinihigpitan pa ng ina ang yakap nito. Not minding the blood all over her body.
"No!! I killed him. Bakit siya pa ang napatay ko? Bakit siya?" Tanong niya sa sarili. Inalo naman siya ng buong pamilya at saka nilinisan na. Iyak padin siya ng iyak hanggang siya ay nakatulog.
Hanggang panaginip ay sinundan parin siya ng lalaking mahal niya.
'Darryll sorry. Sorry. Sorry talaga. Mahal kita. Mahal na mahal kita.' Iyak niya saka niyakap ito. Kumalas agad ang lalaki sa pagkaka-yakap at tinignan ito ng masama.
'I don't want you here. Bumalik ka doon.' Tipid at mahinang sabi nito. Napapaluha naman ang dalaga na tumingin sa kanya.
'I SAID GO BACK!!' Sigaw nito na nakapagpamulat ng mata ni Dasha.
---
Natapos din... hehe
After this chapter expect a very slow update from me ayt? Ayun lang at salamat sa mga vote at reads niyo.
BINABASA MO ANG
Vampire And The Heartthrob ✔
VampireA love story between two worlds. Sa umpisa I thought I was just simply playing with him. Pero ng tumagal ay nagugustuhan ko na siya at kasabay nun....... I'm slowly breaking our absolute rules. How can I save him, when the day of judgement comes? Da...