Chapter 34: can't figure out

22 0 0
                                    

Dj's POV

Nasa school kami ngayon. May pasok na at back to aral na kami. Pupunta kami kila Nathalia mamayang lunch break. Nahuli ata akong hindi nakikinig ni sir kaya tinawag ako.

"Mr.Lopez,are you listening?"-sir

"Ah. Yes sir. May naalala lang. Hehe"-dj

"If I caught you again that you're not listening,better get your things and the door's open."-sir

"Yes sir. Sorry po ulit."-dj

Nagdiscuss lang ulit si sir. May binigay namang papel saakin si Brixx at may nakasulat. Binasa ko ito.
Problema mo bro?-brixx. Sinagot ko naman ito.
Wala.may naalala lang. Makinig ka na baka mahuli pa tayo. Uusok nanaman yang ilong ni Sir Dimaano pag nagkataon. Hahaha-Dj. Di na siya sumagot at nakinig na kami kay Sir. Pagkatapos ng klase namin,lunch break na kaya umalis na kami sa school at pumunta sa royalties university. Tinext ko si Nathalia kung asaan kami.
To: Gf nathalia
Babe,nasa tapat na kami ng gate niyo. Wuur are yah?

Nagreply naman agad siya.
From: gf nathalia
where on our way going there na. See you. I love you.

Di ko na siya nireplyan. Minsan di ko siya sinasagot ng Iloveyoutoo. Ewan ko. Hindi ko rin siya sinasabihan ng Iloveyou. Ewan ko ba. Hindi ko kaya eh. I'm trying hard not to make her cry dahil yon yong sinabi ko kay Ionna noon. Lahat ng current girlfriend ko,brinake ko. Si nathalia nalang ang gf ko ngayon. Di narin ako lagi sa Bar. I'm focusing on Nathalia but really,I can't figure out why I can't say those words to her. Pero syempre namimiss ko din yong dating gawain kong playboy. Hayy ewan. After a moment,nandito na sila Nathalia. Nakita ko si Ionna hinalikan niya sa pisngi si Gray. Ano tong nararamdaman ko? Sila na ba talaga? Bakit di nila sinabi saamin? Eh ano bang pakialam ko? Teka nga Dj,gusto mo na ba talaga si Ionna? Diba si Nathalia yong gusto mo? Bakit parang hindi ka masaya kay nathalia? Bakit ganyan yong nararamdaman mo pag magkasama si Gray at si Ionna? Urgh! Can't figure it out! Nakakakabaliw to! Tsk. Umalis na kami at pumunta sa mall para doon mag lunch. Nong nakarating na kami,kumain agad kami dahil gutom na daw sila. Magkakatabi yong mga mag partners. Katabi ko si nathalia at napakasweet niya. Aish.

"Babe,say 'ahh' "-nathalia

Sinubuan niya ako. Ganon din yong ginagawa ni Gray kay Ionna. Bigla akong nawala sa mood. Saglit lang kami sa mall dahil 1 hour lang ang lunch break namin. Naging balisa ako sa mga subject ko kaya panay ang warning saakin na pag nahuli daw akong hindi nakikinig ulit,palalabasin na daw ako. Nakakainis kasi. Bakit ganito nararamdaman ko? Pagkauwi ko sa bahay,nagshower ako at nagbihis. Pupunta akong bar. Nai-stress kasi ako. Iinom lang ako. Hindi alam nila Brixx na pupunta ako. Tiyak magsusumbong sila kay nathalia kaya solo ako ngayon. Umupo na ako sa may counter at nag-order ng heavy drink.

"Oh sir Dj,ngayon lang ulit kayo nadalaw dito sa bar ha?"-bar tender

"Oo eh. May gf kasi ako ngayon"-dj

"Eh diba,lagi ka namang may girlpren. Di ka nga nauubusan eh"-bar tender

"*grin* I mean,seryosong girlfriend"-dj

"Talaga? Di ka na playboy sir? Hahaha"-bar tender

"Siguro. Haha"-dj

Uminom lang ako ng uminom hanggang nalasing na pala ako. Ang rami nang lumalapit saaking babae. Yong iba pinapansin ko. Yong iba ini-snob ko. Nasa harap ko ngayon yong ex ko na hinahalikan ako. Tinutulak ko siya dahil naalala ko yong pangako ko kay Ionna. At gusto kong tuparin yon para sakaniya. Ahhh! ano ba! Bakit ba siya nanaman nasa isip ko!

"Dj,bakit ayaw mo nang magpahalik? Dati ikaw pa yong nauunang humahalik eh"-bea

"Dati yon. Iba na ngayon. At saka leave me alone!"-dj

Tinulak ko siya kaya napaupo siya sa floor. Wala siyang sinabi at umalis na. Tuloy tuloy lang ako sa pag-inom. Biglang may humalik saakin at pagtingin ko,si Ionna. Shit! Hinahalikan ako ni Ionna! Hinalikan ko siya sa labi at di siya pumalag. We're kissing passionately. Pagladilat ko ng mga mata ko para tignan siya,ibang babae na! Ayy puta! Tingin ko lang pala yon! Yong isang ex ko pala to. Tinulak ko nalang siya at umalis na sa bar para umuwi na. Habang naglalakad papunta sa sasakyan ko,naaalala ko si Ionna. Bakit siya yong nakikita ko? Bakit may kakaiba akong nararamdaman sakaniya? Bakit? Naguguluhan talaga ako!

--

A/N: yey! I'm so thankful na medyo marami narin akong readers. Thank you so much for reading guys! Keep reading and please vote. Mwaa

Dear Heart,Why Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon