Chapter 47: Second Game

5 0 0
                                    

Keesh's POV

Second game ngayon ng basketball. My school versus prince university. Home court namin and we're hoping na sana manalo ulit kami. Naalala ko pa yong sinabi ni Damian noon sa captain namin "I'll kill you on your own court". Oh well. Nasa court na kami at naghanap na ng mauupuan. Medyo wala nga ako sa mood ngayon kasi time of the month ko. Sakit ng puson ko,bigtime. Yon bang nababadtrip ako sa mga bagay nang walang dahilan? Eh pano side effect talaga to pag meron ang isang babae. Kaya boys,di niyo kami masisisi pag nagsusungit kami. Haha isa pa puson lang ang may karapatang saktan kaming mga babae. Fwe. Maya maya pa'y nagsipasukan na yong players ng both school. Nagsihiyawan na ang crowd. Lalo na ang mga babae. Sobrang daming fan ni Damian. Oo na,hawwt talaga siya. Lalo na sa jersey niya. Bago magsimula yong game,kinanta muna namin yong Pambansang Awit at nanalangin. Nag start na ang 1st quarter. Bigay todo talaga yong dalawang captain. Pursigido talaga si Damian na manalo ngayon. Nong nakashoot ang team nila Damian,nagsitalunan yong school mates nila at nahagip ng maganda kong mata si Sofia. So she's here? Eh di wow. Lmao. Nagpapaligsahan talaga ang both team. Parehong ayaw matalo. Nong 5 minutes break nila,nagpaalam ako kila Ella na mag si-CR lang. Magpapalit lang ako ng pad. Naglakad na ako papuntang CR nang nakasalubong ko si Sofia.

"Balita ko niloko ka lang ni joaqy? I mean,ginamit? *smirk*"-sofia

Pinapainit nito ang ulo ko. Hutang ina nitong babaeng to.

"Pakialam mo?"-keesh

"Eh diba sabi ko naman sayo,di ka niyan seseryosohin? Ano ka ngayon? Assumera ka kasi"-sofia

Utot mo! Tae neto.

"So? Ikakaganda mo ba yang pangingialam mo?"-keesh

Di siya nakasagot. Napapoker face siya.

"Niloko man niya ako,narealized naman niyang mahal niya talaga ako kaya bumalik siya ulit para ligawan ako but guess what,I resist. Hindi naman kasi ako gaya ng IBA diyan na naghahabol eh pinagsawaan naman na siya. Tabi! Dadaan ang dyosa *smirk*"-keesh

Nganga siya. Tounge in a kasi niya. Ako pa talaga ang ginanon? Mainit ulo ko ngayon. Ts. Nagtuloy na ako sa CR at nagpalit na ng pad. Pagkatapos ko,bumalik na ako sa court na nakasimangot at agad namang nagtanong sila Kisses. Sinabi ko sakanila yong nangyari at halatang inis din sila kay sofia. Nasa 3rd Quarter na yong game at ang laki ng lamang nila Damian. Tinignan ko yong captain namin at inis na inis na siya. Mukang di na sila makakaabot. Sobrang laki kasi ng lamang ng kabilang team. Pero malay naman natin magkamilagro. Manalo team namin. Ang ganda ng panonood ko sa laro nang nairita nalang ako bigla sa babae sa harap ko. Galaw ng galaw. Hawak ng hawak sa buhok niyang dry. Ts. Di naman maganda. Tae. Aish! Nanlalait nanaman ako. Nainis na talaga ako sakaniya kaya kinausap ko na.

"Miss! Galaw ka ng galaw! May tao sa likod mo!"-keesh

Tumingin lang siya saakin at tumalikod. Aba! Galaw ulit ng galaw. Ayy tae!

"HOY ATE! MAY TAO SA LIKURAN MO! GALAW KA NG GALAW! MAY NANONOOD DITO UY!"-keesh

Nasigawan ko na tuloy siya. Nagulat sila Nathalia sa ginawa ko. Inirapan lang ako nong babae. Punyatera.

"Miss sorry sa kaibigan namin. Meron kasi yan ngayon"- orange

Di sumagot yong babae at tumalikod na. Di ba niya alam magsalita? Di naman na siya galaw ng galaw. My friends glared at me.

"What? Told you,when I'm not in a good mood,everything annoys me."-keesh

"Ang init ng ulo mo. Manood ka na nga"-orange

"Fine"-keesh

Nanonood na ulit kami at patuloy na nakakascore yong kabilang school. Pagdating ng 4rth quarter,hindi na talaga mapipigilan ang pagkapanalo ng Prince university. Ang laki ng lamang nila kaya naman sila ang nanalo. Nakita ko namang nag smirk si Damian sa captain ng school namin. Asar na asar naman yong captain namin. Nagsibabaan na yong yong mga tao at nagpapicture na sa players. Habang ako,ito nauna na sa cafeteria dahil gutom na ako. Susunod nalang daw sila Ella. Humanap na ako ng mauupuan at hinintay sila.

---

A/N: malayo layo pa ang journey ng mga characters. Sa mga susunod na chapter,magkakaroon ng revealations. :) keep voting and reading! Thanks xoxo

Dear Heart,Why Him?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon