Ella's POV
Matapos ang usapan namin ng mga bitch sa school cafeteria,umalis na kami at umuwi na. Nagditch nalang kami. Tinamad na kami pumasok eh. Wala akong naabutan sa bahay kundi sila yaya lang. Malamang nasa work pa sila daddy. Umakyat na ako sa kwarto ko at binagsak ang aking sarili sa napakalambot na kama. Nakatingin lang ako sa ceiling ng kwarto ko at iniisip kung makikipagkita ba ako kay james or hindi. Kailangan ko rin naman siyang kausapin. Biglang tumunog yong phone ko. May tumatawag.
Calling: Brixx"Hello Ella!"-brixx
"Oh hello! Kyaaah namiss kita. Haha"-ella
"Ayiee namiss din naman kita loves"-brixx
"Loves? Yuck! Corny. Hahaha"-ella
"Haha sayo lang naman ako nagpapakacorny eh. Lalabs kasi kita"-brixx
"Utot mo! Hahaha"-ella
Hanggang ngayon,nanliligaw parin saakin si Brixx. Ganon din sila Louie at Fred kila Kisses at Orange. Ligawan portion. Kaya ganyan kasweet si Brixx sakin. Kenekeleg din naman ako because honestly,gusto ko din siya. At alam niya yon kaya carefree kaming dalawa sa usapang ganyan.
"Anyway,may lakad ka ba ngayon after class?"-brixx
"Ahm. Ewan ko pa. Pero wala akong klase ngayon. Nagditch kami nila Keesh eh"-ella
"What?! Geez. Sumbong nga kita kay tita"-brixx
"Go Brixx. Hahaha"-ella
Natahimik siya. For sure nagpout nanaman yan. Haha ang kyoot niya kasi pag nagpout.
"Nakapout ka nanaman no? Oo na kyoot ka na! Haha"-ella
"Ehh bakit ewan mo kung may pupuntahan ka o wala?"-brixx
This time,ako naman yong natahimik pero hindi ako nagpout. Naalala ko nanaman kasi si James.
"Hey,still there?"-brixx
"A.ah y-yes"-ella
"Anything's wrong?"-brixx
I sighed before answering him.
"I'm going to meet my ex boy bestfriend"-ella
Yes,I'll see him.
"Si james? Nasa pilipinas na siya?"-brixx
Brixx know about James. Naikwento ko kasi sakaniya.
"Yah."-ella
"Okay. Take care. Text me kung nagkita na kayo,okay?"-brixx
Pumayag siyang makipagkita ako kay James.
"Oo sige. Salamat Brixx"-Ella
"Oh sige na mag-ayos ka na. Wag ka masiyadong magpaganda ha? Sakin lang dapat."-brixx
"Hahahaha! Baliw"-ella
"I'm serious Ella"-brixx
"Oo na. Oo na. Sige bye."-ella
"Bye"-brixx
-call ended-
Bago ako naligo,tinext ko muna si James.
To: 09469672333
James,I'll see you later. 2:00 pm at the La Kresya Cafe. See you.After sending my message for him,naligo na ako. After a few minutes,natapos na ako naligo at nagpalit na. Nag ripped jeans lang ako at nag lausy shirt and high heels. Cineck ko naman yong phone ko at nakita kong nagreply si James.
From: 09469672333
Really?! Sure. See you.Pagkabasa ko non,umalis na ako. Nagpaalam na ako kila yaya at umalis na. Drinive ko yong porsche ko. After a moment,nakarating na ako sa cafe. Suki na kami dito sa cafe. Lagi kami dito eh. Halata naman,diba Author? Hahaha pumasok na ako at nakita ko na si James. Kinakabahan ako. Lumapit na ako.
"Hi Ella! God! You're so pretty. How are you?"-james
He pulled the chair so that I can sit. ngumiti muna ako bago ako sumagot.
"I'm fine. Ikaw,kamusta na?"-ella
"Ayos lang. It's been a long time,Ella"-james
"Yah. It's been a long time since you left for abroad. And chose her. :)"-ella
"Oh,that. Ella,I'm so sorry about that. Hindi ko naisip na mas mahalaga ka. nataranta lang siguro ako that time"-james
"Well,past is past. Natanggap ko naman na. Anyway,let's order"-ella
Tinawag namin yong waiter at nag order. Hot choco yong inorder ko at isang lasagna. Si james naman,black coffee at isang slice ng chocolate cake. Hindi naman nagtagal at dumating agad yong order namin.
"So,bakit gusto mo akong makita?"-ella
"Namiss kita,basic"-james
I arched a brow.
"we broke up"-james
"Why?"-ella
"I caught her cheating on me. Ilang beses ko siyang nahuling nakikipaghalikan sa kung sinong lalaki"-james
"Well,di naman nakakapanggulat. Whore"-ella
"What do you mean?"-james
"Nong nasa pinas na siya,lagi siya sa bar at nakikipaghalikan sa iba't ibang lalaki.And worse,nilalandi pa niya yong nagkakagusto sa bestfriend kong si Keesh. Nakuha pa niyang magsumbong sa kuya niya para lang maging boyfriend si DJ. Tss"-ella
Natahimik si James.
"Mahal mo pa ba siya?"-ella
Ngumiti siya at umiling.
"Hindi na. Matagal na panahon na yon,nakamove on na ako"-james
"Okay"-ella
Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan nang maalala kong itext si Brixx.
To: Brixx
Heys,nakarating na ako. Nakita ko na siya. :)Hindi siya nagreply. Oh well,may klase pa yon kaya di pa siguro nabasa. Wala na ata kaming mapag-usapan kaya bigla siyang nagtanong.
"Pwede bang maging bestfriend ulit kita?"-james
Napatigil ako sa tanong niya. Wala na akong galit sakaniya kaya pumayag ako.
"Oo naman. Bes. :)"-ella
"Thanks Ella"-james
Niyakap niya ako. Pagkatapos naming kumain sa cafe,umalis na kami at namasyal. Medyo matagal din kami sa mall kaya ginabi na kami sa pag-uwi. Hinatid niya ako sa bahay pero di na siya pumasok dahil gabi narin. Pagkaakyat ko sa kwarto ko,naligo muna ako. Pagkatapos kung magbihis,nagconference call kami nila Keesh at sinabi ko sakanilang nagkaayos na kami ni James at natuwa naman sila. Sinabi ko rin kay brixx at natuwa din naman siya. Thank God,we're okay now.
---
A/N: Miss niyo na po ba si Dj at si Keesh? Haha no worries,sila na ulit next chapter. Please vote and keep reading! Thank you xoxo
BINABASA MO ANG
Dear Heart,Why Him?
Teen FictionI think this story is not odd anymore but I hope you'll like it. "Dear Heart,why him" ang naisip kong ititle kasi parang sa title palang,attractive na. well,I got this title from somewhere and thanks to that somewhere because I had an Idea to do thi...