Nathalia's POV
Sobrang sakit nong ginawa saakin ni Dj. Parang pinaglalaruan niya kami ni Keesh eh. Sobrang sakit. Mahal ko siya. Tapos ganon lang? All this time,si Keesh pala ang mahal niya? It hurts so much na parang mamamatay na ako. Tinawagan na ako ng buong barkada. Tinatanong kung kamusta ako. Pero si Keesh,hindi pa niya ako tinatawagan o tinetext. Alam kong nagulat din siya kaya naiintindihan ko. Even Dj,hindi niya ako tinatawagan. Well,who cares? Ako syempre! Mahal ko siya eh! Ang sakit talaga. Sobrang mugto na yong mata ko. Grabe,for 1 year,2 heartbreaks ang napagdaanan ko. Buti nalang di pa dumarating sila daddy. Baka kasi mapansin na mugto yong mata ko. Ayoko namang mag-alala sila saakin. Sobrang nakakapagod pala talaga ang umiyak no? Feeling ko nga,wala nang lumalabas sa mata ko eh. Nakakainggit si Keesh. Nong mga panahong nasaktan siya ni Dj,may gray na nasa tabi niya. Eh ako? Wala. nakakainggit si keesh,dalawang tao yong nagkakagusto sakaniya. Bakit ganon? ano bang meron kay Keesh na wala ako? Maganda naman ako gaya ni Keesh. Mabait din naman ako gaya ni Keesh. Mayaman gaya ni Keesh. Matalino gaya ni Keesh. May night life nga lang ako,hindi gaya ni Keesh. Pero,counted ba yon? Ang sakit. Anong oras na hindi pa ako nakakatulog. Maaga pa naman ang klase bukas. Baka malate ako niyan. Sinusubukan kong matulog pero di ko magawa. Umiiyak nanaman ako. Ahhhh! Ayoko naaaa! Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko namalayan,nakatulog na pala ako. Pagkagising ko 4:00 am palang. 1:00 am ako nakatulog. Grabe! 3 hours lang tulog ko. Pinaka heart breaking talaga tong nangyari saamin ni Dj. At dahil hindi na ako makatulog,nagtungaga na lang ako muna ako. Nagsound trip ako at sakto namang yong porque yong tumutugtog.
♬tulala lang sa'king kwarto at nagmumuni muni. Ang tanong sa'king sarili san ako nagkamali?
Oo nga,san ba ako nagkamali? May nagawa ba akong mali para masaktan ng ganto?
Bakit saiyo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho. Porque con ti go yo yas ko hi. Aura me corazon ta supri. Bien simple lang iyo tapidi era sinti to el ko sayo ya sinti. Tapidi milagro veral tiempo el mali asi deretso. Tadi mi yo reso tapidi yo era olvida yo kontigo.Nakakainis naman eh. Ginagago mo ba talaga ako tadhana? Grabe ha? Maawa naman po kayo saakin! Ang ganda ganda ko tapos ganto nangyayari saakin?
Ang lahat ay binigay ko ngayon ay sising sisi sobra sobra ang pasrusa di alam kung kaya pa. Bakit sa iyo pag nagkagusto parang bulo ika'y naglahoSobra naman ata tong nararamdaman kong sakit. Gano ba kalaki kasalanan ko? Binigay ko naman lahat eh.
Wag nang lumapit o tumawag pa at baka masampal lang kita. Di babalikan,magsisi ka man. Ako ay lisanin.Magmomove on na ako sayo Dj. Magmomove on na ako.
Bakit ikaw pa ang napili ngayon ang puso ko ay sawi. Kay simple lang ng aking hiling na madama mo rin ang pait at pighati. Sana'y magmilagro mabalik ko,mali ay maideritso. Pinagdarasal ko,saking puso na mabura na sa isip ko.♬Hayop din tong kantang to eh no. Tamang tama para saakin. Hay! Tama nga si kisses noon, umiyak ngayon,paganda mamaya. Hindi ko hahayaang mamatay ako nang dahil lang sa sakit na nararamdaman ko. Magmomove on ako at alam kong makakaraos ako. Naghintay lang ako ng ilang oras at naligo na. Tinitigan ko yong sarili ko sa salamin.
"Maganda ka Audrey Nathalia Torres. Move on,you'll get over him." Nagpalit na ako at umalis na papunta sa school. Kakausapin ko si Dj mamaya at makikipag break ako. Ngiti lang,maganda ako. :)
--
Dj's POV
Ewan ko kung anong mararamdaman ko. Masaya ako na nasabi ko na yong tunay kong nararamdaman pero at the same time,malungkot ako dahil nakasakit ako. Chineck ko yong phone ko at nakita kong may message.
From: nathalia
Let's meet later at the La Kresya Cafe.Hindi na ako nagreply sakaniya at alam na niyang pupunta ako. Pinalitan ko narin yong contact name niya. Pagkatapos ng last subject,agad akong pumunta sa Cafe at nagpaalam nalang ako sa mga kaibigan ko na may pupuntahan ako. Nakita ko na agad si Nathalia. Halata sa mga mata niya na nasasaktan siya pero hindi niya ito pinapahalata sa mga kilos niya. Ngumiti ako ng tipid sakaniya at umupo na sa harap niya.
"Let's break up"-nathalia
Biglang sabi niya saakin. Kalmado lang siya sa pagsasalita. Hindi ako sumagot sakaniya.
"Ayokong hintayin pa yong araw na ikaw na mismo ang makikipagbreak saakin. Mas masakit yon."-nathalia
"I'm sorry nathalia. I'm so sorry"-dj
"Tanggap ko na. Sabi nga nila Keesh,first step in moving on is acceptance. Tanggap ko na. Pero masakit lang talaga"-nathalia
Biglang tumulo yong mga luha niya. Pinunasan niya ito agad.
"Iiyakan lang kita once or twice Dj. Hindi na aabot pa sa pangatlong pagkakataon"-nathalia
Wala akong masabi sakaniya. Hindi ako makasagot.
"Galit ako sayo,oo pero hindi ibig sabihin non na lalayo ako sa barkada. Ayokong gayahin si Keesh. Well,di ko naman siya masisisi"-nathalia
Nakikinig lang ako sakaniya. Bigla siyang tumayo at tumapat saakin.
"Ito lang masasabi ko Dj,ipaglaban mo yong mahal mo. Masakit mang sakin pa to nanggaling,pero wala na akong magagawa. Mahal kita pero mahal mo siya. Ipaglaban mo si Keesh Dj. Don't worry about me. Just give me time,i'll get over you."-nathalia
And she left. Pagkalingon ko sakaniya,lumingon din siya at ngumiti. Nagthank you ako sakaniya at umalis narin sa cafe.
---
A/N: Dumadami na talaga ang readers. Salamat talaga guys. Sana ipagpatuloy niyo lang ang pagbabasa. Wag niyo rin pong kalimutang magvote. Thanky! Mwaa
BINABASA MO ANG
Dear Heart,Why Him?
Novela JuvenilI think this story is not odd anymore but I hope you'll like it. "Dear Heart,why him" ang naisip kong ititle kasi parang sa title palang,attractive na. well,I got this title from somewhere and thanks to that somewhere because I had an Idea to do thi...