Page 2

6.4K 189 0
                                    

    Timmy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Timmy

"Ayun, lumayas nanaman ang anak ng ate mo. Sawang sawa na ako sa kakasaway dun pero ayaw parin makinig. Sasama daw siya sa boyprend niyang Kano. Leche talagang bata yun." sermon agad na salubong ng kanyang nanay sa kanya. Galing palang siya sa isang event at naghost siya doon pero ito ang aabutan niya.

"Eh ano naman sabi ni Ate? Wala din siyang pakialam sa anak niya? Ano ba kasing problema ng batang yun? Puro nalang problema ang dumadating sa bahay na'to.. Nakakapagod na." mainit ang ulo niyang sagot. Hindi na niya makayanan ang mga nangyayari sa kanya.

"Timothy! Wag mong akuin lahat ng problema? Bakit ikaw lang ba kumakayod dito? Dalawang kapatid mo nabuntis ng maaga yun.. Sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Pinili ko ba na magkaganito tayo?"

"Ma? Hindi ko kayo sinusumbatan ok? Sinasabi ko lang hayaan mo na silang umalis dito sa bahay. Total malalaki na ang mga anak nila. Sila na ang mag isip kung paano nila bubuhayin ang mga anak nila. Hindi habangbuhay nakadikit sila sayo.. Pati ako ginagawa ko na lahat ng raket makatulong lang sa kanila. Hindi paba yung dahilan para maghinanakit ako?"

Napatahimik bigla ang kanyang ina na kanina pa paikot ikot sa maliit na salas ng kanilang inuupahang bahay.

"Sa susunod na buwan papaalisin na tayo dito dahil madedemolish na ang lugar na to.. Kaya sana intindihin mo rin ako Timmy. Saan na tayo pupunta? Hindi ko alam kung ano pang mangyayari satin."

Napabuntong hininga nalang si Timmy. Tama ang kanyang Mama.. Mahirap talaga ang kanilang sitwasyon dahil sa lahat ng mga kapatid niya ay umaasa lang sa kanilang dalawa. Kapwa iniwan nang mga asawa nila ang dalawa niyang kapatid na babae. May dalaga nang anak ang kanilamg panganay, ang Ate Tricia niya. At ang bunso nilang babae na si Trina ay may dalawang anak na maliliit pa.

"Hindi ko nga po alam kung anong gagawin natin kaya ginagawa ko na lahat ng raket para lang makaipon ako nang sapat para may malipatan tayong bago.. Nakakasawa na ang ganitong buhay Ma.. Pero sinusubukan ko parin gawin lahat para sa inyo dahil alam kong ako ang may kasalanan kung bakit nawala satin si Papa." naluluha niyang sambit sa kanyang Mama na nakatulala lang sa isang tabi. Lumapit ito sa kanya at naupo sa kanyang tabi.

"Anak.. Wala kang kasalanan.. Kailanman hindi kita sinisi sa nangyari sa Papa mo noon. Alam ko nahihirapan ka narin sa ating sitwasyon. Pero anak, wala nang ibang tutulong sa atin. Tayo lang ang inaasahan ng mga kapatid mo."

"Bukas na bukas din kakausapin ko ang aking promoter na hanapan na ng mapapasukan si Ate Tricia. Si Trina naman pwede kong isama doon sa mga usherette sa Events ng aking kaibigan. Matagal ko na dapat ginawa ito pero sila mismo ang ayaw magsipag banat ng sariling buto."

Hinila ni Timmy ang kanyang bag at umakyat na papunta sa kanyang kwarto. Nagbihis siya at tiningnan ang kanyang sarili sa salamin na nasa tapat ng kanyang higaan.

Buong buhay niya ginugol niya upang itaguyod ang kanyang pamilya. Hindi na niya nagawang tapusin ang kanyang kolehiyo dahil sa mahirap na ng buhay nila. Marami na silang binubuhay ng kanyang ina. Nagkaron pa ng dagdag na alagain dahil nabuntis ang panganay nila nang maaga.Alam niyang mabigat ang loob ng mga kapatid niya sa kanya. Dahil iniisip ng mga ito na kung di dahil sa kanya, buhay pa sana ang kanilang ama.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Mahaba na ang kanyang buhok. Tumubo narin nang bahagya ang kanyang balbas. At nangingitim ang gilid ng kanyang mata. Dahil nga sa may angking kagwapuhan ay kahit papaano ay napadali sa kanya ang magkaroon ng ibat ibang trabaho.

Isa siyang host sa ibat ibang events. Kahit anong klaseng event ay pinapasok niya para lang kumita ng pera. Hindi siya napapagod. Minsan nag momodel din siya sa mga small time na garment manufacturer. Kaya kahit papano nairaraos niya ang kanilang pamilya sa araw araw.

Lahat ng bagay ay nagbago mula nung mamatay ang Papa nila sa isang aksidente. Bata pa siya noon. Hindi niya inakala na manyayari yun nang araw na yun.

Nagkaroon ng pagtatalo ang kanyang Papa at Mama. Nakita niya kung paano sinaktan ng Papa niya ang kanyang Mama. Sinubukan niyang awatin ang Papa niya noon pero hindi ito tumigil. Nagtatakbo siya sa labas at humingi ng tulong. Pero sinundan siya ng kanyang Papa at lalo pa siyang natakot. At hindi nga inaasahang nasa kalsada na pala siya at muntik na siyang masagasaan ng isang rumaragasang truck. Naitapon siya ng kanyang Papa papunta sa gilid ng kalsada pero nagulantang siya nang makita niyang nalasog ang katawan ng kanyang Papa sa pagkakadagan ng truck dito.

Mula noon ay sinisi na niya amg kanyang sarili at hindi na natahimik ang kanyang kalooban. Sinisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari.

Biglang nagring ang kanyang cellphone. May tumatawag nanaman sa kanya sa ganung oras. Kailangan niya ng pahinga dahil mamayang gabi ay may event nanaman siyang pagtratrabahuan.

"Hello? Sino to?"

"Hello? Is this Timothy Chan?"

"Ako nga? Bakit? Anong kailangan mo sakin?" nagtataka niyang tanong. Wala pang client na ganun magsalita kaya naisip niyang hindi niya yun kliyente.

"We are inviting you to a Blind Date on Passion Circle tonight, 7PM. Thank You."

At biglang namatay ang kabilang linya.

"Ano bang kalokohan yun? Blind Date? Baka sa isang event yun na gagawin ko.. Pero hindi naman ako nainform ni Boss na may Blind Date Event akong pupuntahan ah? Nagkamali lang yun.. Hays makatulog na nga lang."

At tuluyan niyang pinalaya ang sarili sa mabibigat na isipin. Gusto lang niya na mahiga at magpahinga dahil sasabak nanaman siya sa trabaho. Hindi na nga niya alam kung kelan siya huling nakangiti. Hindi na niya alam kung kelan siya tumawa ng malakas na malakas. Nakalimutan na rin niya kung kelan ang kanyang huling pagnanasa sa isang tao. Dahil madami siyang problemang iniisip.

"Timmy!! Bumangon ka diyan!! May nangyayari.. Nagwawala ang kapatid mo doon sa bahay ng Kano.. Puntahan natin.. Baka kung anong mangyari sa pamangkin mo."

"Hay naku!! Di pa nga ako nakakatulog problema nanaman. Ano nanaman ba kasi pumasok sa isip ni Ate Tricia? At bakit ba kasi sumama si Helen doon sa kano na yun?"

Napabangon agad siya at nag ayos nang sarili. Babanatan niya talaga nang tuluyan ang Amerikanong kasintahan ng kanyang pamangkin na hindi pa nga halos dise otso.

"Punyeta.. Ako nga na bente otso na hindi magawang lumandi.. Siya na napakabata pa paglalandi na ang iniisip. Makakatikim talaga sakin yang batang yan."

At agad na nga siyang umalis ng bahay kasama ang kanyang Mama. Hindi rin naman siya makakatulog habang may ganitong nangyayari. Pinagdadasal nalang niya na wala siyang masamang gawin dahil sa hindi niya parin maintindihan ang mga bagay.

--to be continued

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon