Hinhintay parin ni Tommy na maibsan ang kanyang nararamdamang sakit bago siya umuwi sa kanilang bahay. Hindi niya kayang magpakita sa Nanay niya na nasasaktan ng ganito. Para siyang tanga na umiiyak nalang bigla at paulit ulit na nagplaplay sa utak niya ang huling sinabi ni Timmy sa Gwen na yun.
Naisipan niya munang pumunta sa kung saan sila unang nagkakilala ni Timmy. Sa Passion Circle. Nang makarating siya doon ay nakita niya na napakaraming pulang lobo ang nasa entrance ng building. Ganitong ganito ang set up ng Passion Circle noong nakipagblind date siya kay Timmy. Pero habang naiisip niya yun ay muli siyang napapaluha. He did everything mapasaya lang niya si Timmy pero siguro nagsawa na talaga ito sa paghihintay sa kanya kaya naisip nitong makipagkilala sa ibang tao.
Agad niyang giniya ang kanyang tingin sa paligid at nahagip nga ng kanyang paningin ang taong ayaw niyang makita sa mga oras na yun.
Lumapit ito sa kanya pero agad niyang binaling sa iba ang kanyang tingin at agad siyang tumakbo at pumasok sa loob ng Passion Circle. Hindi niya alam kung anong naisip niya pero bahala na. Kailangan niya lang makalayo dito. Nahihirapan siyang harapin 'to..
May humarang agad sa kanya pagkapasok sa building dahil wala naman siyang dalang invitation para sa event na nangyayari doon. He was going crazy dahil any minute ay aabutan na siya ni Timmy at ayaw niya itong makita o makausap dahil nagagalit parin siya dito.
"Sir? If you have someone special, you can freely enter the event because we have a special section just for the couples. This is actually an anniversary special of Passion Circle. And also if you have been in this event, our database can easily detect you and we can let you inside but again, you need to be a couple." paliwanag sa kanya ng isang cute na babae na siguro ay naghohost ng event.
"Let us in. We are a couple." bigla siyang may narinig na boses na nasa tabi na niya. Si Timmy yun at ayaw na ayaw niya talaga itong makasama manlang sa isang pwesto. Bigla nanaman siyang nakaramdam ng inis.
"No.. We are not. Don't believe this guy. I came here alone." pagtanggi niya naman. Kumunot ang noo ng babae dahil naguguluhan siguro ito sa kanilang dalawa.
"This guy is the one that I will spend my whole life with.. So please let us in." malumanay naman na tanggi ulit ni Timmy. Hindi talaga ito papayag na hindi siya nito makausap. Pero ayaw niyang magpatalo dito.
"Well Miss, I don't know this guy and please tell him to go away. I come here by myself." pagsisinungaling niya para inisin si Timmy. Gumaganti lang siya sa sinabi nito sa Gwen na yun.
"Gentlemen? If you are arguing on something, this event will help you fix everything. So please come inside. I know that the two of you are a couple. Our database has confirmed your identities Mr. Timothy Chan and Tomas De Jesus."
Napanganga siya dahil totoo pala ang database na sinasabi nito. Kaya wala na siyang lusot. Hindi na siya makakalabas dahil hinarang narin ng mga guards ang glass door ng event hall. Ang rules kasi bawal lumabas hanggang di nasusubukan kung ano ang nasa loob.
Tahimik nalang silang dalawa habang sumusunod sa babaeng naghohost ng event. Maraming pintuan nanaman ang kanilang nakita. Just like before, ganun parin ang setup.. But this time dinala sila sa isang special na pinto. It was pink in color. And the door has words written on it. "A Love Like This"..
Nagkatinginan nalang sila ni Timmy at pumasok sa loob nito. Nagulat si Tommy dahil walang kahit anong bagay sa loob ng kwarto. Isang malaking screen lang ang nagplaplay doon. Nakita niya ang masasayang ngiti nilang dalawa ni Timmy habang nasa loob sila ng kwartong iyon. Ang nakikita niya ay ang una nilang blind date.
Hindi niya maiwasang mapangiti dahil kakaiba talaga ang event na ito. Pakiramdam niya it was destiny in flesh. It was a matchmaker na kahit matagal na panahon ang lumipas ay alam nito kung kelan kayo magtatagpo ng taong nakalaan para sayo. He heard their conversations. Natawa si Timmy bigla. Siguro sa itsura niya doon. He was wearing a black jacket and faded jeans. Malayong malayo ang itsura niya noon kesa ngayon.
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
RomanceKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...