Page 31

1.6K 71 1
                                    

   
  Tommy

       Nagkatinginan silang lahat ng mga nasa loob ng board room. Hindi parin sila makapaniwala sa kanilang mga narinig. Maging siya ay hindi inaasahan ang mga bagay na ginawa ni Timmy. At maging ang paglalantad ni Gerald na pakana lahat ng ama ni Dale ang lahat ng pananabotahe sa kompanya. Tiningnan niya si Timmy na ngayon ay nakatutok parin kay Dale at Gerald. Nandoon ang kanyang kaba na maaaring mapahamak si Timmy sa kanyang ginawa,

  "What is all this Mr. Eizenger? On what purpose that Mr. Almosa and his father will do such thing on my company?" galit na bulyaw ni Mr. Grant. Nakikita niya ang poot sa mga mata nito. Wala siyang masabi dahil wala siya sa lugar para makisawsaw pa sa gulo. Ang kailangan niya ngayon ay makahanap ng paraan para malaman kung ano talaga ang binabalak ni Dale at ng ama nito.

  Agad siyang umalis ng board room. Sinamantala niya ang commotion na nangyayari dahil kailangan niyang malaman kung sino ba talaga ang ama ni Dale. Dahil kung nagawa nitong unti unting sirain ang The Colors, kaya niya ring sirain ang buhay ni Timmy at ni Mr. Grant. Ano ba ang koneksyon nito sa kanila? At hindi naman nagkataon na dahil sa dito nagtratrabaho si Dale at gusto nilang makuha ang kompanya para lang pabagsakin ito? May mas malalim pa itong dahilan.

  Agad siyang lumabas ng building at pumunta ng parking area at may naabutan siyang dalawang may edad na na nagtatalo. At napansin niya na para bang hinahatak ng lalaki ang babae papasok sa kanyang sasakyan. Pero nagpupumiglas ang babae dahil sa ayaw niya nga talagang sumunod sa matanda.

  Naisip niya na kailangan niyang tulungan ang babae dahil kung nasa panganib man ito ay huli na ang lahat para doon.

"Ferdie! Tama na! Wala na akong dapat pang ipaliwanag sayo! Matagal ka nang namatay sa puso at sa isipan ko! Ngayon guguluhin mo nanaman ang buhay namin ng anak ko?" bulyaw ng babae na pilit kumakawala sa pagkakahawak ng lalaki sa kanya.

"Dina!! Ako ang asawa mo nakalimutan mo na ba? O baka gustong gusto mo ang hayop na Jeffrey na yun kaya nagkakaganyan ka? Ako ang asawa mo at sa ayaw at sa gusto mo, sa akin ka lang uuwi!" sagot naman ng lalaki na hawig na hawig ni Dale. Doon niya napagtanto na ito siguro ang mga magulang ni Dale..

  "Tama na! Wala ka nang karapatan sa amin ni Dale.. 17 years kang nawala? Tapos babalik ka na parang wala lang nangyari?! Pupuntahan ko si Jeffrey para sabihin sa kanya ang lahat ng ginagawa niyo ng ampon mo!"

  "Sige Dina.. Subukan mo at papatayin ko ng tuluyan si Jeffrey. Alam kong noon pa gustong gusto mo na siya ang makatuluyan mo.. Dahil mayaman siya diba?! Dahil aasenso ka kaagad kapag siya ang pinakasalan mo noon?"

  Ngayon niya na nalilinaw sa kanyang isip ang lahat. Ang buhay nilang lahat ay konektado sa nakaraan. Hindi niya akalain na pagtatagpuin silang lahat ng pagkakataon. Hindi niya akalain na ganito kalupit ang tadhana sa kanila.

"Alam mong hindi totoo yan.. Linayuan ko si Jeffrey dahil ikaw ang mahal ko. Pinilit kong gawin lahat para maging masaya tayo. Pero pinipilit mo lagi na si Jeffrey ang gusto kong makasama. Yun ba ang dahilan kaya umalis ka? Dahil kapag yumaman ka na hindi na ako mawawala sayo?"

Hindi na nakaimik pa ang ama ni Dale. Nakatago lang siya sa likod ng isang sasakyan dahil ayaw niyang makita siya ng ga ito. Kailangan malaman niya lahat ng totoo.

  "Oo! Dahil kay Jeffrey! Dahil simula ng ikasal tayo hanggang sa magkaanak na tayo, alam kong siya parin ang nasa isip mo. Akala mo ba hindi kita nakikita kung gaano ka kasaya habang pinapanood mo sa telebisyon at sa mga newspaper ang pagunlad ng negosyo ni Jeffrey!? Tapos ako? Isang mekaniko lang? Ano ang laban ko kay Jeffrey?"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Ferdie.. Hindi ba ako pwedeng maging masaya para sa kaibigan ko? Ganun ba kakitid ang utak mo?"

  Nakikita niya ng pagluha ng nanay ni Dale. Napakaganda niya kahit medyo may edad na ito. Siguro nga ay pinag aagawan din siya noon ni Mr. Grant at ng tatay ni Dale. Wala siyang magawa kundi makinig dahil hindi niya ala kung ano pa ang susunod na mangyayari.

  "Sige Dina.. Subukan mong puntahan sa taas si Jeffrey.. Hindi ako magdadalawang isip na barilin siya sa harapan mo mismo.."

Kinilabutan siya sa kanyang narinig.. Tiningnan niya ang isang kamay ng tatay ni Dale at nandoon nga ang isang baril sa kamay nito. Agad siyang sumugod. Hindi na siya nakapag isip pa dahil natatakot siya sa mangyayari.

Agad niyang sinunggaban ng suntok ang ama ni Dale. Napabalikwas naman ito at nagulat sa kanyang ginawa.

  "H-how dare you interfere!! Gusto mo bang mamatay?" galit na bulyaw sa kanya ng matanda.

"Tama din bang saktan niyo ang isang babae na walang kalaban laban?" matalim niyang sagot sa matanda na nagngingitngit sa galit.

"Iho.. Umalis ka na dito.. I can handle him.. Huwag ka nang makialam sa gulo naing dalawa." pagsumamo sa kanya ng nanay ni Dale.

"Kaya pala may pinagmanahan si Dale.. Akala ko natural lang sa kanya ang pagiging masama.. Dahil din pala sa kanyang ama.." pang iinsulto niya sa kaharap.

Tinutukan naman agad siya nito sa kanyang ulo. Tila para siyang nasemento sa kanyang kinatatayuan. Natatakot siya dahil pwedeng kalabitin nito ang gatilyo at iputok iyon sa kanyang bungo.

"Gusto mo talagang mamatay.. Your insulting me like you know me? Pwede kitang patayin ngayon mismo.."

"Ferdie tama na! Itigil mo na 'to!? Wag kang mandamay ng ibang tao na walang kinalaman sa ating mga buhay. ." pagtatanggol sa kanya ng ina ni Dale.

Hindi na niya alam kung ano pang gagawin kaya wala siyang choice kundi agawin dito ang baril nito dahil nakasalalay sa kanya ang buhay ni Mr. Grant at ni Timmy.. Kailangan niyang mapigilan ang gagawin ng taong labis na ang galit na nakaharap sa kanya.

  Pinalo niya ang kamay nito at tinadyakan ang paa upang mapaurong ito sa kanya pero agad nitong nakuha ang baril na nalaglag at doon na sila nag agawan. Pinipilit niya itong kunin mula dito pero malakas masiyado ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Kita niya ang pagragasa ng galit sa mukha nito..

"Tama na!! Feeeerrddiiee!" yun ang huling hiyaw na narin niya mula sa babaeng nasa kanilang harapan. Hindi niya alam kung ano pa ang sumunod na nangyari. Basta ang huling naradaman niya ay ang isang masakit na bagay ang bumaon sa kanyang tiyan..

He was subconsciously thinking kung ano ang mangyayari sa kanya. It was dark everywhere. He was looking towards nothingness. Paano na ang Nanay niya. Yun ang kanyang iniisip. Paano na si Timmy? Hindi pa siya handang bumitaw. Hindi pa niya kayang iwanan ang mga taong mahalaga sa kanya.

  Bigla nalang siyang naalimpungatan..  Hinawakan niya ang kanyang tiyan.. Wala siyang maramdaman na sakit doon. Nanaginip ba siya? Parang totoo ang lahat ng nangyari na yun.

  Tiningnan niya ang paligid niya. It was his room. Isang painting ng Birds of Paradise ang nasa harapan niya. At napansin niyang may isang tao pala na nakatayo sa tapat ng bintana. Hindi niya ito makilala. Tindig at ayos nito ay hindi niya makilala. At nang humarap na ito ay doon niya lang narealize kung sino ito..

  "Nanaginip ka nanaman.. Sobra ang paghiyaw mo eh.." nakangiting saad nito sa kanya bago ito tumabi sa kanya sa kama. Naupo ito at hinapit siya papalapit nito.

  Napakaganda ng mga mata nito. Hindi niya akalain na matapos ang napakaraming nangyari ay nasa tabi na niya ito at kasama na niya ito sa isang bahay. Mas linapitan pa niya ito at agad na binigyan ng isang halik sa labi nito.

  "Oo.. Panaginip na masama.. Pero alam ko malalampasan ko rin ito. I think it is the right time para makita ko na ulit ang taong yun." sabi niya sa kanyang katabi.

  "Tommy.. Its been three years. Kailangan pa ba? He was already convicted. Nakakulong na siya. Ayokong bumalik pa ang trauma na pinagdaanan mo sa taong yun." pagpigil nito sa kanya. Tiningnan niya ulit ito. Kahit kailan ay hindi siya nito iniwan. Alam niyang naging mahirap ang lahat pero nakayanan niya yun dahil dito.

"Timmy.. It has to be done.. I need to face that man."

~~to be continued...

 

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon