Timmy
Eversince nangyari kay Tommy ang bagay na yun, hindi ko na alam kung ilang beses ko rin sinubukang patayin sa isip ko ang taong gumawa nun sa kanya. Bigla nalang bumabalik sa akin ang paghihirap na dinanas ni Tommy dahil sa kahayupan ni Ferdie Almosa..
Nung araw na nalaman na ng lahat ng board members ng The Colors ang pananabotahe ni Gerald Eizenger sa kompanya ng Tito ko ay hindi na nila ito pinaligtas. Agad nila itong pinaaresto sa kasong fraud at embezzlement. Nagkagulo sa opisina ng araw na iyon. Usap usapan sa buong bansa ang nangyari. At ang mas malala pa nun ay ang ginawang krimen ng ama ni Dale sa taong pinakamamahal ko.
Nabaril ni Ferdie si Tommy habang tinatangka nitong agawin ang baril mula dito. Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na yun. Nakahandusay si Tommy at walang malay habang sumisigaw ng tulong si Tita Dina.. Ang nanay ni Dale. Agad akong tumawag ng ambulance at agad din nahuli ng mga pulis si Ferdie bago paman ito nakaalis sa parking lot ng building.
Halos mapatay ko narin ang taong yun dahil sa kanyang kahayupan pero pinigilan ako ni Tito Jeffrey. Napaluha nalang ako sa sobrang galit ko. Habang nakikita ko ang pagdala kay Tommy sa ospital para gamutin.. Agad kong sinundan ang ambulance at hindi ko narin nalaman kung may nabangga ako dahil hindi pa ako ganun kasanay magmaneho..
Narating ko ang ospital at agad ko narin ipinaalam sa Nanay niya ang nangyari sa kanya. Humagulhol ito sa iyak at agad na tinungo ang ospital na pinagdalhan kay Tommy. Malaki ang damage sa kanyang internal organs ng bala at bumaon ang bala sa kanyang spine.
He was on a critical condition at hindi ko na mapigilang hilingin sa panginoon na sana ay iligtas niya ang buhay ni Tommy.
Dinala siya sa ICU and he was in Comatose stage for almost a year. Dahil ito sa damage sa kanyang spinal cord at muntik na nga siyang mamatay ng dahil dun pero siguro ay malakas ang fighting spirit ni Tommy.
Walang araw na hindi bumibisita si Dale sa ospital pero hindi ko ito hinahayaan na makalapit kay Tommy. Sobra ang galit ko sa kanyang ama na kahit sa korte ay sinigurado ko ang pagkapahiya niya.
"Timmy.. Hayaan mo akong makabawi manlang. Hindi ko alam na aabot dito ang lahat. Sana kahit manlang ang bumawi kay Tommy ay magawa ko." sabi pa nito sakin nang makulong na ang tatay nito sa attempted murder na kaso.
"Alam mo Dale? Huwag ka nalang magpakita samin.. Yun ang dapat mong gawin. Matapos kang makipagsabwatan sa ama mo at sa kanyang ampon sa tingin mo makakabawi ka pa kay Tommy?!" galit na saad ko dito. Hindi ito makatingin sa akin ng deritso dahil sa alam nito ang katotohanan. Lahat ng paghanga ko dito ay nawala dahil sa ginawa niyang iyon.
"Hindi ako nakipagsabwatan sa kanila Timmy maniwala ka.. Wala akong kinalaman sa kanilang mga plano. Sana maniwala ka sakin. Nagsisisi na ako sa ginawa ko sayo. Sa lahat ng ginawa ko kay Tommy. Sa lahat ng bagay na nakasama sa inyong dalawa."
Kahit anong paliwanag nito sakin ay wala na akong panahon para pakinggan pa ito. Siguro napagod narin ako sa maraming bagay na nangyari. Napahamak si Tommy dahil sa paghihiganti ng ama nito. Sa kagustuhan nitong sirain ang pangalan ng Tito Jeffrey ko.
Nang tuluyang magising si Tommy ay sobra ang saya na naramdaman naming lahat. Ipinaalam ko sa pamilya ko ang pag ibig na nararamdaman ko para kay Tommy. Noong una ay hindi nila ito matanggap dahil hindi naman talaga katanggap tanggap ang lalaki sa lalaking relasyon. Pero pinaglaban ko si Tommy sa kanila.
At hindi pa pala doon natatapos ang paghihirap ni Tommy. Dahil nang magising siya ay hindi niya maramdaman ang kanyang kalahating katawan. Labis ang aking takot na baka kung ano na ang mangyari sa taong pinakamamahal ko.
"Sabi ng doktor kailangan natin pumunta sa US para doon ka maoperahan ulit. Kailangan daw maayos ang iyong spine dahil iyon ang nagpaparalyze sayo." malungkot kong saad dito. Hawak ko ang kanyang mga kamay habang nakahiga siya at naiiyak dahil narin sa hirap ng kanyang sitwasyon. Kung pwede lang ipalit ko ang katawan ko para ako nalang ang nahihirapan ay ginawa ko na.
"Timmy.. I am sorry for causing you too much trouble.. Hindi ko alam na magkakaganito ang lahat. Sana iniwasan ko nalang ang taong yun.. Sana.. Sana.." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang napaiyak. Mas nahihirapan akong makita siya na nagkakaganun.
"Hindi mo kasalanan ang nangyari Tommy.. Gagawin ko ang lahat para gumaling ka. Pupunta tayo sa pinakamagagaling na doktor kung kinakailangan gumaling ka lang." pag aalo ko dito. Niyakap ko siya nang mahigpit. Alam kong malalagpasan din namin ang lahat ng ito.
Ilang buwan din ang lumipas at naoperahan narin si Tommy.. Maliit ang chance na maayos pa ang kanyang spine pero lagi kong pinagdadasal ang kanyang katatagan at paggaling.
Nasa US kami ng mga panahon na yun. Walang araw na hindi siya dumadaing ng sakit dahil narin sa kanyang operasyon. Nanlulumo ako sa tuwing makikita ko siya sa ganung sitwasyon. Lahat ng sakit na nararamdaman niya parang doble sa puso ko.
After a few months.. Sa hindi inaasahang pangyayari.. Naganap na nga ang matagal na naming hinihintay. Ang muling makalakad si Tommy. At sobra ang tuwa na nararamdaman ko ng makita ko siyang lumalakad papunta sakin upang yakapin ako.
"Salamat kasi hindi ka nagsawa pagaalaga sakin kahit hirap na hirap ka na.. Sa totoo lang.. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin kung wala ka. Napakahirap. Pero dahil sayo.. Nagawa kong lumaban dahil hindi ka rin sumusuko sakin." naluluha niyang saad sakin. Namamasa narin ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung ilang beses narin ako pinaiyak ni Tommy dahil lagi akong natatakot na baka isang araw ay hindi na siya magising.
"Ganun ka kahalaga sakin. Ganun kita kamahal kaya hinding hindi din ako susuko. Alam kong maliit lang ang pinagsamahan natin pero mas lalo kitang minahal ng ipakita mo sakin kung ano ang kaya ko pang gawin. Hindi ka nagkamali sa mga desisyon mo. Kaya masaya ako sa blind date na yun. Ikaw nga siguro ang tinadhana para sakin. Ikaw ang taong magpapakita sakin na mas higit pa ako sa inaakala ko." masaya kong hayag sa kanya. Nakangiti habang naluluha kaming dalawa sa mga oras na yun. Doon na tuluyang nagsimula ang malalim pa naming ugnayan. Tuluyan na siyang naging akin. Siya ang taong gusto kong makasama habang buhay.
Sa loob ng isang taon ay wala kaming ginawa kundi ang maglibot sa iba't ibang bansa. Kailangan ko rin bumalik na sa Pilipinas dahil hindi narin pwedeng pabayaan ko ang negosyo ng aking ama. Although wala akong dapat ipag alala dahil magaling ang humahawak nun in behalf of me..
We were in Maldives ng nagsimulang magkaroon ng bangungot si Tommy. Bigla nalang siyang humihiyaw habang natutuog at naghyhysterical siya minsan kapag nakakakita ng taong kahawig ni Ferdie Almosa.
Bumalik ang takot ko na baka magkaroon nanaman ng ibang karamdaman si Tommy pero lagi niyang sinasabi na kakayanin niya ang lahat. Nagpa therapy siya sa isang magaling na Psychologist para mas mapadali ang paggaling niya. At nagbunga naman iyon dahil dumalang na ang kanyang mga bangungot. Post Traumatic Experiences daw ang nangyayari kay Tommy. Natural lang daw ito sa mga tang dumaan sa matinding pangyayari na hindi kinakaya minsan ng utak gaya ng nangyari kay Tommy.
At ngayon nga ay uuwi na kamimg dalawa sa Pilipinas. Makalipas ang tatlong taon ay haharapin na ulit namin ang dati naming buhay. Alam kong sa panahon na nawala kami ay mapayapa ang buhay ng aming mga pamilya.Si Mama at ang mga kapatid ko ay may mga pinagkakaabalahan nang negosyo. Sobrang layo na ng kanilang estado dati sa buhay nila ngayon. Nagkaroon pa ng dalawang wing ang The Colors sa New York at Milan. Naging multi company narin ang Atlantic Corp. dahil maliban sa mining ay nagventure narin sila sa shipping at export services.
Habang lumalanding ang eroplano ay hindi mapigil ni Tommy na hawaka ako ng mahigpit sa kamay. Ramdam na ramdam ko ang kanyang excitement pero nasa mata din niya ang takot. Pero hinawi ko ang may kahabaan niyang buhok at pinaharap ko siya.
"This time.. Everything will be fine. We will be happy. Ipapakita natin sa kanila that we deserve each other."
Yun ang problema ko. Hindi matanggap ni Tito Jeffrey at ni Mama na may relasyon kami ni Tommy. Hindi ko alam kung ganun parin ba ang sitwasyon now that we are back.
~~to be continued...
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
RomanceKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...