Tommy
I was frozen nang bigla nalang banggitin ni Timmy ang tungkol sa kasal. Hindi ko kasi iniexpect na gagawa siya ng ganung desisyon na hindi ko din alam kung ano ang isasagot.
"What are you thinking Tommy? Bakit ganyang ang itsura mo?" pagpukaw niya sa aking pagkatulala. Hindi ko kasi talaga maipasok sa utak ko na dadating ang araw na mag aalok siya ng kasal sakin. I never had any idea about anything. Minahal ko si Timmy without even knowing na pagmamahal na pala ang nararamdaman ko para sa kanya.
"It's just too soon para isipin natin ang magpakasal tayo. I mean.. I never had any idea about me getting married. Akala ko kasi masaya na tayo kahit ganito lang ang ating sitwasyon." sagot ko sa kanya. He looked at me at may nakita akong lungkot sa kanyang mata. Hindi ko kasi alam kung talaga bang handa na ako pumasok sa ganung buhay. Nagkasama kami ng halos tatlong taon but half of it, I was in coma and bedridden and I don't even know how I can make it up to him. Kilala ko na siya pero something inside me is telling me I have to fulfill something for myself.
"You don't have to agree with me kung ayaw mo pang gawin yun. I understand. Alam ko na ang iniisip mo." mapait niyang saad sakin.
"You know how much I love you.. Kung alam mo lang talaga. I don't even know if I can still survive kung wala ka sa tabi ko. Pero may gusto pa akong magawa para sa sarili ko. I cannot be completely happy. Gusto kong tuparin ang aking pangarap para sa sarili ko."
"Then do what you really want. Hihintayin kita. I will wait for you kahit gaano pa katagal yan. Kung yun lang ang magagawa ko para sayo." saad niya na lalo pang nagpalungkot sakin. Iniisip ko parin kasi ang sinasabi ni Gabriel. That I am gold digging kahit hindi ko naman talaga ginagawa yun. I have to be stable enough para wala na itong masabi sa akin.
Natapos ang gabing iyon ng malamig na paalam ni Timmy sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya na I have to go back to the States. May offer kasi sa akin ng isang malaking Clothing Company doon at maganda ang kanilang feedback sa aking performance kahit naging unemployed ako for three years.
I given up being with him. Ginugol ko ang halos isang taon sa pagtratrabaho at umabot na nga to a point na ako na ang naging General Manager ng Clothing Company. Lahat ng mga katrabaho ko pati na ang mga boss ko ay namamangha sa aking maayos na management scheme. Lagi naming nahihit ang target sales namin dahil sa magandang flow ng production, marketing at analysis ng kompanya. I made it. Naging matagumpay ako. And I did it in just a year. And I never really thought that time flew so fast.
Pero pakiramdam ko sa loob ng isang taon ay madalang ko nalang ding nakakausap si Timmy. Si Nanay naman ay minsan nalang din daw nadadalaw ni Timmy. I can't help but feel na siguro napagod na siya sa paghihintay sakin. Pero hindi ko na yun pinapansin. Alam kong marami lang siyang inaasikaso sa kanilang kompanya.
I decided to take a vacation and I also seek for recommendation na sana ay ako ang magmanage ng branch ng Clothier Company sa Pilipinas. Para mas mapalapit na ulit ako kay Timmy at sa aking Nanay.
And luckily Mr. Hunter, The CEO of the company decided that I will be effective if I will be in my native land kaya naman napakasaya ko sa balitang yun. I can finally go home and be with the people that I love the most.
It was mid April ng umuwi na ako ng tuluyan sa Pilipinas. I was still having chills nang maramdamang kong maglaland na kami sa NAIA. The more that I am close.. Mas lalo akong kinakabahan nang makarating na ako sa arrival area.
Pinaalam ko kay Timmy ang lahat. Pero wala akong narecieve na kahit anong text manlang or tawag mula sa kanya. Nag aalala ako. He was never like this. At agad kong iginiya ang aking tingin sa kung sino man ang naghihintay sakin. Pero unfortunately wala akong nakita. I was expecting it was Timmy pero wala.
Nagpahatid ako sa taxi papunta sa bahay ni Nanay. Dahil alam kong masosorpresa siya sa kanyang makikita. Alam kong matagal narin kasi kaming hindi nagkikita. Mula ng bumalik kami ni Timmy last year, hindi kami nagkaroon ng maraming oras para sa isa't isa. Pero ngayon na I will be here for good ay magiging masaya narin ulit siya.
Nakarating ako sa bahay namin by afternoon. Nakita ko agad ang isang black na sasakyan na nakapark sa labas ng aming bahay. Hindi ako sigurado sa iniisip ko pero siguro ay nandoon si Timmy. It made me smile. Ang nalulungkot kong mood kanina ay napalitan agad ng saya.
I dragged my luggage at agad akong nagdoorbell hoping that si Nanay ang magbubukas nito. Pero siguro nga ay busy ito sa loob kasi may bisita siya kaya si Manang Ester ang nagbukas ng gate na napasigaw naman sa sobrang pagkagulat.
"TOMMY!! Ay jusko ikaw pala yan!"masayang masaya niyang salubong satin.
"Sorry Manang.. Hindi ako nagpasabi. Surprise!!" masaya ko namang bati sa matanda. She has been with Nanay mula nang magpunta kami ni Timmy sa Amerika para magpagamot.
"Ay! Naku!? Eh paano yan.. Maghahanda na ako para sa hapunan.. Sasarapan ko ang luto.." excited niyang tugon bago siya pumasok sa loob ng bahay para siguro sabihin kay Nanay na nandito na ulit ako.
At di nga ako nagkamali. Isang malakig ngiti ang isinalubong sa akin ni Nanay habang papalapit siya sakin para yakapin ako ng mahigpit.
"Jusko! Bakit hindi kamanlang nagpasabi Tomas!! Hay.. Anak ko.. Ang gwapo gwapo mo na! At kelan pa tumubo itong mga masel mo ha? Ang laki na ng pinagbago mo.."
Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mama. Napansin niya ang aking mas magandang katawan. I decided to go to the gym kasi para maging matibay ulit ang katawan ko. I felt ao fragile nung nagkaroon ako ng injury. And now I feel good achieving this kind of body.
"Nay naman.. Binobola mo na agad ako kakarating ko palang.. I missed you Nanay.." may halong pananabik kong sagot sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at agad niya akong inalalayan papasok ng bahay. I was about to ask kung sino ang nasa bahay dahil ay kotse sa labas pero nalaman ko na agad ang sagot.
"Timmy.." bigla ko nalang nalabas sa bibig ko ang pangalan niya. He was there standing in the living room. There was a big smile in his face. Akala ko talaga ay nakalimutan na niya ang lahat. But he was there. Hindi niya ako sinalubong sa airport pero dito sa bahay namin. That was unexpected.
"Sorry kung di kita nasundo.. I was about to pero I was too late. May meeting kasi ako kanina kaya pasensya na.. Dumeritso nalang ako dito sa bahay ninyo." masaya niyang bati sakin. Hindi ko alam kung anong mararadaman.. Half of my self is thinking na bakit nagkakaganun na si Timmy? Dati hindi naman siya ganun.. He will always be there kapag kailangan ko siya. And half of me ay sinasabing hayaan ko nalang. Maybe I am just thinking too much. I trust him. Lahat ng tiwala na meron ako binigay ko na sa kanya.
Yinakap niya ako at hinalikan sa noo. That was the longest time na hindi ko naramdaman ang init ng yakap niya. I was craving for it. I can't wait to feel his heat on my skin again. Napapangiti nalang ako dahil bigla niyang hinawakan ang pwetan ko.. Sinaway ko siya dahil baka makita kami ni Nanay ay kung ano pang sermon ang danasin namin.
It was dinner time nang masaya kaming nag uusap usap tungkol sa mga nangyari sakin while I was away. Lagi ko namang nakukwento kay Nanay at Timmy ang lahat pero mas maganda daw kapag sinasabi ko sa kanila in flesh. We were having a fun time nang bigla kong makita ang pag ring ng phone ni Timmy.. I saw the name on the screen of his phone.. Gwen. That was the name of the person calling him. Agad niya itong sinagot at nagpaalam sa amin na sasagutin lang ang urgent na tawag..
Honestly.. That was the first time I seen him so eager to answer a phone call. I know it is baseless para mag isip ako ng masama. But somehow.. I felt jealous.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko...
~~to be continued...
BINABASA MO ANG
A Love Like This (boyxboy) (cmplt)
RomanceKapag pinag uusapan ang temang "pag-ibig".. Agad itong iniiwasan ni Tommy. Alam niya naman na kapag iyon ang pinag uusapan ay wala siyang ideya dahil kahit kailan ay hindi pa niya ito naramdaman. Sabi nga ng pamilya, mga kaibigan at katrabaho niya...