Page 27

1.7K 80 4
                                    


  Timmy

    Habang hinahalikan niya si Tommy ay lalo niyang nararamdaman na kailangan siya ni Tommy. Bumalik sa kanya ang mga mga masasayang sandali nilang dalawa. Kahit na sandali palang silang nagkakakilala ay naramdaman niya na dito ang sinseridad nito at ang malinis nitong intensyon sa kanya. Wala itong masamang ginawa sa kanya kundi ang tulungan siyang magbago ang kanyang buhay. Pero ang nangyari ay nabigyan niya ito ng sama ng loob. Ang halik na yun ay napakasarap sa pakiramdam. Wala na siyang pakialam kung may makakita man sa kanila doon. Siguro nga ito na ang panahon para itabi na niya ang pag aalinlangan niya.

  Nagkatitigan sila ni Tommy nang matapos ang paghalik niya dito. Hindi niya alam kung ano ang nakikita niya sa mata ni Tommy. Yinakap niya ito at alam niyang naluluha na ito. Hindi niya rin mapigilang hindi maluha. Dahil sa daming pangyayari na hindi niya parin inaasahang mangyayari sa kanyang buhay.

  "Magtulungan tayo Tommy. Tulungan mo akong tanggapin kung ano ako. Tulungan mo akong tanggapin lahat ng dapat ay sakin. Tulungan mo akong maunawaan lahat. At tutulungan kitang makuha mo ang pangarap mo.."

Wala siyang narinig kundi hikbi at mainit na likido na tumutulo sa kanyang balikat. Iniharap niya sa kanya si Tommy. Unti unti niyang nasisilayan ang ngiti nito.

"Bakit ba kasi hindi ko magawang magalit sayo mg sobra? Dapat galit na galit ako sayo.. Pero bakit pinapahina mo ang loob ko? Tapos ngayon ginugulo mo nanaman ang isip ko? Wala ka ba talagang isang salita?" may halong galit sa boses nito. Napayuko siya dahil alam niyang totoo lahat ng sinabi nito sa kanya.

  "Gusto kong magbago Tommy. Gusto kong panindigan lahat ng sinasabi ko. Gusto kong subukan na ibigay ng lahat ng makakaya ko para sayo. Kasi ikaw naman talaga ang nagparamdam sakin na espesyal ako. Ikaw ang nakakita ng kahalagahan ko bilang tao. Wala kang ibang ginawa kundi ang maging mabuti sakin. Kaya sana ibigay mo ulit sakin ang tiwala mo. Susubukan kong gawin ang lahat para magbago rin ang buhay ko."

"Kung gusto mong magbago ang buhay mo.. Tanggapin mo muna ang katotohanan na ikaw ay isang Grant. Isa ka sa pinakamayayaman sa buong Pilipinas. At kailangan mong tanggapin na iyon ang nakatadhana para sayo. Hindi ang buhay mo ngayon. Dapat mong ibigay sa sarili mo ang karapatan na yun." madiin na sagot sa kanya ni Tommy. Nakikita niya ang panghahamon nito sa kanya. Siguro nga hindi pa niya lubos na natatanggap na isang mayamang pamilya ang pinagmulan ng kanyang ama. At tinago iyon ss kanya ng kanyang ina ng mahabang panahon.

  "Mahirap parin tanggapin para sakin yun Tommy. Dahil ipinagkait sakin ng Mama ko ang katotohanan. Hindi ko basta bastang tatanggapin yun dahil alam kong kapag pumasok ako sa mundo ng karangyaan, natatakot akong tuluyan akong mabago ng kayamanan na nasa kamay ko.."

  "Kung hindi mo yun tatanggapin, wala ka ding magagawang pagbabago sa sarili mo. At kung gusto mo akong tulungan sa pangarap ko. Ang kayamanan ng ama mo na para sayo ang magpapawala sa karapatan ng Gerald Eizenger sa kompanya ng tiyo mo.. Kaya habang hindi mo pa natatanggap ang katotohanan. Malabong magbago ka." sabi ni Tommy bago ito umalis sa kanyang harapan ng tuluyan. Hindi niya alam kung ilang sandali na siyang nakatayo bago siya bumalik sa realidad.

Binalikan niya ang kanyang tiyo at mga pinsan. Nag uusap usap parin ang mga ito at patungkol ito sa kanya. Naririnig niya ang pagkairita sa kanya ni Gabriel pero pinagtatanggol parin siya ng kanyang tiyo.

Nang makita siya nito ay nilapitan na niya ang kinauupuan nito. Siguro ngayon na siya dapat magdisesyon. Lahat ng dapat na gawin niya ay pinag iisipan niya ng mabuti. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari ngayon. Pero susubukan niyang sumugal. Dahil yun lang ang paraan para lumaya siya sa kanyang kaduwagan sa maraming bagay.

  "Kailangan ko munang sabihin kay Mama ang lahat. At kapag nalaman na ng mga kapatid ko ang lahat, kung ano man ang naiwan sa akin ng aking ama ay tatanggapin ko. Gusto ko lang na malaman ninyo na hindi ko tinatanggap ito dahil sa kasakiman ko. May malaki akong dahilan para tanggapin ito."

  Agad namang tumayo ang kanyang tiyo at yinakap siya nito. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon.

  "Then I will make sure that you will have them all. At hindi ko kayo papabayaan. Ituturo ko lahat ng alam ko at gagawin ko lahat para maging maayos ang lahat. I am happy that you have realized my good intentions." nakangiting saad ng kanyang tiyo. Tiningnan lang siya ni Gabriel na para bang wala itong pakialam sa kanya. Pero si Adam ay malaki ang ngiti.

  "We have a lot of catching up to do cousin.. You have to be ready for the price of being a Grant.. But I'm sure you are born with it. Don't worry, I will make sure you will have the best experiences. Just don't mind Kuya Gabby." at tiningnan nito ang kapatid nito na patuloy parin ang pag ismid sa kanya.

"So for now.. I will drive you home at kakausapin natin si Tina. And I have to make sure na papayag siya sa paglipat niyo sa bahay ni Kuya Jerome. He will be very happy if he is seeing you around his house. Alam ko masaya na siya dahil nahanap na kita. I fulfilled his wish."

Tumango nalang siya at agad silang umalis sa restaurant na iyon at dumiretso na sa kanilang tinitirahan. Hindi parin niya alam kung ano ang magiging desisyon ng kanyang Mama pero kailangan niya rin itong mapapayag. Hindi niya gustong pangunahan ito pero yun ang gusto niyang mangyari. Kailangan na ang mga ginawang pagtatago sa kanya ng katotohanan ay kanyang pagsisihan at hayaan siyang maranasan ang buhay na dapat ay sa kanya.

Habang papalapit sila sa bahay nila ay di niya maiwasang hindi mapaluha. Alam ng kanyang Mama na ayaw na ayaw niya ang pinagsisinungalingan siya. Pero hahayaan niyang magpaliwanag ito sa kanya. Dahil ayaw niyang magtanim ng galit sa Mama niya.

  Nakita niyang nasa salas ito. Alam na siguro nito kung saan siya nagpunta. At nakikita na niyang ang naluluha nitong mga mata. Ayaw niyang maging emosyonal ngayon dahil kailangan niyang malaman kung bakit siya nito tinago sa kanyang ama?

  "Patawarin mo ako Timmy.. Alam kong nagkamali ako na hindi sabihin sayo ang totoo. Ayaw ko lang na malaman ni Sir Jerome ang tungkol sayo dahil masiyadong malaki ang pagkakaiba namin. Mayaman siya at katulong lang nila ako. Nalaman ni Donya Francia na buntis ako kaya pinapili niya ako kung ipapalaglag kita at mananatili ako sa bahay nila o lalayo ako at tuluyan nang kalimutan si Sir Jerome. Mas pinili kita dahil alam kong wala kang kasalanan sa mga nangyari. Patawarin mo ako anak... Patawarin mo ako.." naluluhang lahad sa kanya ng Mama niya. Hindi niya mapigilang hindi mapaiyak. Dahil siguro sa hindi niya rin matanggap na hindi siya nagkaroon ng buong pamilya. Buong buhay niya hinahanap niya ang pakiramdam na yun pero mapaglaro talaga ang tadhana. Maging ang kanyang buhay ngayon ay sobrang pinaglalaruan.

"Tatanggapin ko po ang iniwan sakin ng ama ko. At sasama kayo sakin sa bahay niya. Kahit yun nalang ang gawin niyo para makabawi sa mga kasinungalingan niyo. Ang pagtatago mo ng katotohanan sakin. Naiintindihan kita Ma.. Pero gusto kong may magbago sa buhay ko. At alam kong yun ay ang malaman ko ang buong pagkatao ko. Ang buhay na dapat para satin." madiin niyang sagot sa kanyang Mama.

Nakita niya naman ang paglapit sa kanila ng kanyang tiyo. Nakatingin lang dito ang kanyang Mama na para bang gusto nitong bulyawan ito dahil sa pagkakaalam nito ng katotohanan.

  "Timmy has the right to my brother's riches. Masiyadong maraming paghihirap na ang kanyang dinanas. He has to live a better life now. And he has chosen to accept that life." diin ng Tiyo Jeffrey niya.

  "Bakit? Akala mo ba Timmy madali ang buhay mayaman? Tingnan mo ang nangyari sakin dahil sa lecheng pagmamahal ko sa ama mo! Mas madaming hirap ang dinanas ko.. Pero sige kung yan ang magiging disesyon mo. Pumunta ka sa kanila. Aalis kami ng mga kapatid mo at mabubuhay kami ng kami lang. Piliin mo ang buhay mayaman. Sana huwag kang magsisi." bulyaw ng kanyang mama bago ito pumunta sa kwarto nito.

Sinundan niya ito pero hindi na siya nito kinikibo. Hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin.

  "Umalis ka na Timothy. Hinihintay ka na ng taong magpapabuo ng pagkatao mo. Huwag mo na akong pilitin pa sa gusto mo. Dahil naranasan ko na lahat ng sama ng loob. Sana lang tama ang magiging desisyon mo. Mahal na mahal kita anak."

At yun lang ang narinig niya mula dito bago ito mawalan ng malay. Hindi niya alam ang gagawin. Napahiyaw siya at agad namang dumating ang tiyo niya at dinala nila agad ang kanyang mama sa pinakamalapit na ospital..

  ~~to be continued..

A/N

  Guys!! I will be having another story.. I will publish it soon. I will try to finish A Love Like This in several parts remaining. The climax of this story is coming so I hope that you are still enjoying reading my story.

  MrAoiKun

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon