Page 4

4.5K 152 1
                                    

Paalis na si Tommy sa kanyang opisina. That day was filled with many new things for him. What made him that way? Bakit bigla nalang siya nagkaganun naiisip niya habang papunta sa parking space ng building. It was already 5PM at may kailangan pa siyang bilhin sa grocery. Wala na kasi ang kanyang paboritong peanut butter. Mawala na lahat ng kape at gatas sa kanilang bahay wag lang ang peanut butter. Natatawa siya sa kanyang sarili. He never grown up with that craving.

Habang binabaybay niya ang medyo maluwag na traffic ay bigla nanamang nagring ang kanyang cellphone. It was his mother. Ini on niya amg kanyang bluetooth headset para sagutin ito.

"Hello? Nay?"

"Anak!! May letter na dumating dito sa bahay? Hindi ko alam kung para saan but it is addressed to you." sabi ng kanyang Nanay sa kabilang linya.

"Eh ano ang nakalagay.. Buksan mo nalang Nay and tell me what it says."

Nagtataka parin siya. Bakit naman bigla nalang may magpapadala sa kanya ng sulat? Its the technology era. It should be emails and text messages pero bakit sulat?

"Eto anak sabi.. Dear Mr. De Jesus, we are hoping that you can come to a... Teka ano to? Blind Date? That we will be holding tonight at 7PM in Passion Circle. Please be there. Thank you. Anonymous." may pagkagulat sa boses ng kanyang Nanay.

"Hoy Tomas! Ano tong Blind Date nato? Ano nanamang kalokohan tong naisip mo? Bakit ka makikipagblind date?"

"Nay? Hindi ko nga po alam yan.. Kanina may tumawag din sakin na may Blind Date event daw po ako mamayang 7PM sa Passion Circle. Eh wala naman akong kinalaman dun? Kailan ba ako nakipagdate? Wala naman akong nagustuhan kahit kailan? Kaya imposible yan Nay.. Wag mo na isipin yan. Pauwi na po ako. I will just drop by the grocery store." mahinahon niya namang sagot sa kanyang ina na nagtataka parin.

"Hindi.. Pupunta ka sa Blind Date na yan.. I think its about time. Sige umuwi ka nang maaga then change into something na bagay sayo.. Tumatanda na ako anak.. I want to see you happy with someone before I leave you." sagot naman ng kanyang ina na bigla niyang kinalungkot. Bakit naman bigla nagbago ang isip nito? Eh dati ayaw na ayaw nito na may mga ganun siyang ginagawa dahil ayaw niya mawala ang focus niya. Pero ngayon, ito na mismo ang nagtutulak sa kanya na gawin yun.

"Nay that is nonsense ok? Hindi ako pupunta sa Blind Date na yan.. Tsaka baka ginogood time lang ako ng mga iyan. I never even registered to any dating site tapos bigla akong magkakaron ng invitation for a blind date?"

"Ah basta.. Pupunta ka sa Passion Circle.. Eh teka san ba yung Passion Circle na yan? Bagong restaurant ba yan anak?" biglang tanong ng nanay niya na kinatawa niya. Akala naman niya alam ng Nanay niya kung ano ang Passion Circle.

"Nakakatawa naman kayo Nay.. Hindi po yun restaurant.. Parang event center yun.. Pwede kang mag concert dun o di kaya musical presentation. Kaya nga nagtataka ako kung bakit doon? Baka pinaglalaruan ako ng mga yan.."

"Ah basta.. Pumunta ka doon mamaya.. Wala nang pero pero.. Sigurado akong magiging masaya yun. Sige na anak.. Bye! Ingat!" at binaba na rin ng nanay niya ang tawag nito.

"Ano ba kasing kawierdohan ang nangyayari sa araw na 'to? Meron bang mangyayaring hindi maganda?" pabuntong hininga niyang sambit sa sarili.

Agad siyang dumaan sa isang grocery na paborito niyang bilhan ng paborito din niyang peanut butter at binaybay na ang daan pauwi. He sure has a lot of things in mind right now..

Dumating siya sa kanilang bahay matapos ang isang oras and when he parked his car in their garage, may isang taong nagsisisigaw malapit sa kanilang kapitbahay. It was not just one person, may kasama itong babae na siguro ay kaedad ng nanay niya. He was so curious kaya tiningnan niya ang nangyayari sa tapat ng kanilang bahay. At lumabas din ng tuluyan ang kanyang nanay na kanina parin nagtataka sa kung anong meron sa kanilang kapitbahay..

"Nay? What is happening here? Sino yang mga tao sa tapat ng bahay ni Mr. Sheldon?" nagtatakang tanong niya na inilingan lang din ng nanay niya.

"Ewan ko ba.. Napakaeskandalosa talaga ng mga tao ngayon. Kalalaking tao lakas makadada.. Nakakahiya na tuloy sa mga taga rito. Mabuti pa tawagan ko na ang security.. Para mapaalis na ang mga yan."

"Nay? Wag na tayong makialam.. Lets just ignore them.. Im sure its just a misunderstanding."

Biglang napatingin sa kanila ang lalaking kanina pa sigaw nang sigaw sa harap ng bahay ni Mr. Sheldon. Ang amerikanong lalaki na kanilang kapitbahay. Hindi nila kilala masiyado ang foriegner na yun dahil bagong lipat lang ito sa kanilang subdivision.

"Mawalang galang lang po.. Kilala niyo po ba ang may ari ng bahay nato? Nandito po ba yung may ari nito?" maangas na tanong ng lalaki sa kanila. Di niya ito masiyadong mamukhaan dahil madilim na at mahina ang dating ng liwanag sa parteng iyon ng bahay nila.

"Eh ano ba ang kailangan mo diyan iho? Kanina ka pa kasi sigaw nang sigaw? Sana manlang marunong kang rumespeto kasi maraming tao ang nakatira dito.. Nagiging eskandalo ang ginagawa mo?" maanghang na sagot naman ng nanay niya.

Agad namang umalis sa kanilang harapan ang lalaki. Siguro ay nabadtrip sa sagot ng kanyang Nanay.

Linapitan niya ito at pinaharap ito sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali. Nakita na niya ang lalaking iyon.

"Bakit pare? Anong problema? Sasapakin mo ako kasi nababastusan kayo ng nanay mo sa inaasal ko?" maangas parin na tanong nito. Kinakalma nito ang sarili pero halatang galit na galit na ito.

"No.. Its not like that. Sorry sa inasal ng Nanay ko. Gusto ko lang kasi malaman kung ano ang kailangan niyo sa nakatira diyan?" mahinahon niya namang sagot.

"Kasi ang lecheng kano na boyfriend ng pamangkin ko, diyan nakatira.. Kaya hinahanap namin sa kanya ang aking pamangkin dahil alam kong nasa kanya siya. Kaya sana naiintindihan niyo rin ang damdamin namin ng Mama ko."

"Ahh.. Pasensiya ka na sa nanay ko.. Ayaw lang niya talaga niya sa away at ingay.. Anyway, pwedeng ako ang tumawag sa kanya para malaman natin kung nandiyan siya. Teka lang." at kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ang number ni Mr. Sheldon. Mabuti nalang at nakuha niya ang number nito nung minsang bumisita ito sa bahay nila.

"Hello? Mr.Sheldon.. Hey this is Tommy from the Leaf.. Your neighbor." bati niya nang sagutin nito ang kanyang tawag.

"Hey Tom! Whats up? What is this call all about?" sagot naman nito sa kanya. Naririnig niya ang malakas na tunog ng music. Pakiramdam niya ay wala ito sa bahay nito

"Well I was just asking for a dinner at our house tonight. But I guess your not at home right now?"

"Oh.. Yeah.. Ahm.. I am at a bar.. I have my girlfriend here.. Were having a goodtime.. Maybe next time.."

"Well, alright then.. Maybe next time. Sorry for the trouble. Enjoy?!" sagoy niya nalang dito at binaba na niya ang tawag.

"Ano pare? Nasan daw siya? Tinakas na niya ang pamagkin ko?" paranoid na tanong ng lalaking kanyang kaharap. Hindi parin maalis sa isip niya ang mukha ng lalaking yun. Pakiramdam niya ay nakita na niya talaga ito pero di niya alam kung saan.

"Ahh.. Eh.. Wala daw siya diyan.. Kasama niya ang girlfriend niya sa isang bar.. Im not sure kung yung pamangkin mo ang girlfriend niya?"

"Gago talaga ang kano na yun.. Pinapahirapan niya talaga kami.. Pasensiya na sa abala pare.. Maraming salamat ulit." galit na saad nito. Pinuntahan na nito ang nanay nito at agad narin silang umalis. Siguro ay dismayado sila sa mga nangyari.

"Oh? Ano daw? Sino daw ba hinahanap nila diyan sa bahay ni Mr. Sheldon?" sunod sunod na tanong ng kanyang nanay.

"Eh yung pamagkin daw niya eh yung boyfriend daw eh si Mr. Sheldon.."

"Naku.. Kaya naman pala.. Siguro nga magandang bata yun eh napakapogi nun ni Mr. Sheldon.. Pero naku.. Ang mga kabataan talaga ngayon.. Hindi na iniisip ang mangyayari sa buhay nila. Akala siguro ng batang yun easy life ang magkaron ng foriegner na boyfriend."

"Nay? Wag na natin silang pakialaman.. Its their lives.. Tara pumasok na tayo.. Nagugutom na ako." pagyaya niya sa kanyang nanay at pumasok na nga sila sa kanilang bahay.

Di parin maalis sa isip niya ang mukha ng lalaking kanyang nakausap. He was really someone na nakilala na niya noon.

Is he going nuts?

--to be continued...

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon