Page 28

1.6K 76 1
                                    

 
  Agad na tumawag ng ambulance si Mr. Grant upang madala nila ni Timmy ang Mama nito sa pinakamalapit na ospital. Hindi niya akalain na magiging ganito ang kahahantungan ng mga bagay. Nakikita niya ang sobrang takot sa mukha ni Timmy. Agad namang dumating ang isang ambulance sa kanilang kinaroroonan.
 
  Hindi parin mawala ang pag aalala ni Timmy dahil sa hindi magising ang Mama niya. Wala naman siyang alam na may sakit ito o kung anuman. Siguro masiyado itong nabigatan sa mga nangyayari dahil ayaw siguro nito na mawala siya. Ayaw niya itong pangunahan sa desisyon pero matanda na siya para gumawa ng sarili niyang mg desisyon.

  "She'll be okay Timmy.. Malapit na tayo sa hospital." mahinahong saad ng kanyang tiyo. Tumango nalang siya at agad na hinanap ulit ang cellphone para tawagan ang kanyang mga kapatid. Nakarating naman sila agad sa ospital at dinala nia ang Mama niya sa emergency room.

  Agad na inasikaso ito ng mga hospital staff at doktor. Chineck lahat ng vitals ng Mama niya at linagyan ng IV. Hindi niya mapigilang kabahan dahil hindi pa nasasabi ng doktor sa kanya kung ano ang kalagayan ng Mama niya. Pero bago paman lubusang mawala ang kanyang pag aalala ay kinausap na siya ng doktor.

  "Doc? Kumusta po ang Mama ko? Ano po ang nangyari sa kanya?" alala niyang tanong sa doktor. Tiningnan siya nito na para bang mabigat ang sinapit ng kanyang ina.

  "She had a mild stroke. May hypertension ang iyong Mama and I'm afraid hindi lang yun ang problema sa kanya. She has a heart problem. Kapag tumagal ay posibleng magkaron siya ng heart failure. For now maayos na siya. Pero she needs to have maintenance medicines for her hypertension and heart health. Sobrang stress ang nagpatrigger sa kanyang stroke kaya sana ingatan na wag na siyang masiyadong mastress. She will be transfered in a room. I have to check some tests. Maiwan na muna kita." at agad naman niyang pinuntahan ang kanyang Mama na wala paring malay.

Naluluha siya dahil sa hindi niya naman alam na may dinaramdam na pala ito. Nakakalimutan niya na may edad narin ang kanyang ina. Hinawakan niya ang kamay nito. Naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng pag ayaw nito na pumunta siya sa pamilya ng kanyang ama. Bata palang siya lagi nang sinasabi sa kanya ng Mama niya na walang mabuting naiidudulot ang sobrang kayamanan. Nagiging sanhi lang ito ng pagkakagulo ng mga tao.

  "Timmy? Ano bang nangyari kay Mama? Diyos ko at bakit nandito siya sa mahal na hospital? Saan tayo kukuha ng pera?" salubong sa kanya ng kanyang ate. Hindi siya agad nakaimik dahil hindi parin niya alam paano sasabihin dito ang tungkol sa pagkatao niya.

"Nagkamild stroke si Mama. Highblood na pala siya hindi manlang natin nalalaman. Tapos may sakit pa siya sa puso." sagot niya lang dito.

"Eh.. Ano daw sabi ng doktor? Ano na ang mangyayari sa kanya? Magiging okay lang daw ba siya?" mas lalo pang nakikita niya ng pagkagulantang sa mukha ng ate niya. Hinawakan niya ang mga kamay nito. Naluha naman agad ito dahil sa alam niya kung gaano kalaki ang sakit sa ulo na binigay ng ate niya sa Mama niya.

"Magiging okay siya ate. Wag ka nang mag alala. Kailangan lang niya ng pahinga. Hindi pa natin alam kung ano ang magiging epekto ng mild stroke sa kanya kasi hindi pa siya nagigising."

  "Diyos ko! Bakit ba kasi ngayon pa nangyari satin 'to? Wala tayong kapera pera. At dito mo pa dinala sa napakamahal na hospital si Mama. Ano nalang mangyayari sa atin?" naiiyak na ang ate niya.

   Hindi pa niya kayang sabihin dito ang lahat dahil alam niyang mas gugulo lang ang sitwasyon. Kaya nanahimik nalang siya. Sana nga ay maging maayos ang kanyang Mama. Sana ay hindi malala ang pinsala ng stroke sa kanyang katawan. Natatakot siya baka hindi na ito makapagsalita o mahirapan na maglakad.

  Ilang araw ang nagdaan at nagkamalay na ang kanyang Mama. Pero nalaman rin nila na paralisado ang kabilang katawan nito. Kailangan ng Mama niya ng sapat na pahinga at therapy para bumalik ang dati nitong lakas at makapaglakad ulit ito ng maayos. Tila nawawalan na ng pag.asa ang kanyang ate at ang isa pa niyang kapatid dahil sa hindi naman talaga alam ng dalawa kung saan sila kukuha ng pera para mailabas nila ang kanyang Mama.

  "Diyos ko!! 120 Thousand Pesos! Saan tayo kukuha ng ganun kalaking halaga ngayon Timmy?! Kahit isangla ko pa ang lahat ng meron ako wala parin tayong makukuhang ganun kalaking pera." agad na bulalas ng kanyang ate ng makita ang bill ng kanilang Mama. Agad niya naman itonh kinuha at tinawagan ang kanyang tiyo.

  Ilang saglit pa ay nakalabas na sila ng hospital. Nagtataka parin ang kanyang mga kapatid dahil sa hindi siya nagsasalita tungkol sa pagkakabayad agad ng kanilang hospital bills. Ang mama niya naman ay walang imik. Nakakapagsalita pa ito pero hindi nito binabanggit ang tungkol sa totoong pagkatao niya. Siguro ay hahayaan na siya ng kanyang Mama na siya ang magsalita tungkol dito.

  Habang papalabas sila ng hospital ay nagkasalubong agad ang mga tingin nila. Noong una ay hindi pa niya alam kung ano ang magiging reaksiyon. Nakikita niya dito ang pag aalala sa mga mata nito. Pero agad naman napalitan ang kanyang emosyon ng galit. Hindi niya ito tiningnan pa at agad na binaling ang tingin sa nauuna niyang mga kapatid pero hinablot siya nito.

  "I heard what happened. Bumalik ako sa inyo para mag apologize sa mga sinabi ko. Pero sabi ng mga tao na dinala ang Mama mo sa hospital. Nandito ako para makatulong. In any way. I have been mistaken. Alam ko naging masiyado akong marahas sa pagtrato sayo. Pero I swear. Wala akong intensyon na ipahamak ka." masuyong saad nito sa kanya. Naramdaman niya ang tila pag iiba ng ugali nito. May nangyari ba dito at tila kalmado ito at walang ginagawang paninigaw sa kanya.

  "Sinabi ko na sayo Dale. Tama na ang pagsunod mo sakin. Hindi na tayo dapat mag usap pa dahil wala na tayong dapar pag usapan. Tigilan mo narin ako. Pakiusap lang."

"Alam ko mahirap na patawarin ang isang tulad ko. Pero I am sincerely apologizing. Sana wag mo akong layuan. I was wrong to treat you like that. Nagkamali ako na dinamay kita sa gulo namin ni Tommy. Pero sana bigyan mo pa ako pagkakataon na makabawi sayo Timmy. Gusto kong magbago. And I think you are the one who can help me change." may pagmamakaawa sa boses nito. Nakikita niya ang pagkasincere ng mga sinasabi nito. Pero naalala niya na kahit anong gawin nitong pagbabago ay babalik at babalik parin ang ugali nitong hindi napipigilan ang galit.

  "Kung anuman ang namagitan sa inyo ni Tommy.. Wala na akong pakialam. At kung gusto mo talagang magbago.. Harapin mo ang mga bagay na nagpapahina sayo. Huwag mong isipin na matapang ka dahil kaya mong kontrolin ang mga tao. Hindi lahat ng tao makokontrol mo."

  Agad na lumakad palayo si Timmy. Hindi niya na kayang makipag usap pa kay Dale. Nasa isip niya parin ang kagustuhan niyang tulungan si Tommy. Si Tommy ang karapatdapat para sa kanya. Si Dale ay isang taong hindi niya maiintindihan ng lubusan dahil linamon na ito ng galit at kagustuhang manatili sa kung anuman ang meron ito.

  Tinawagan siya ng kanyang tiyo para sabihin na naghihintay na ang lawyer ng kanyang ama sa bahay nito at kailangan niya naring magtapat sa kanyang mga kapatid tungkol dito.

   Sa halip na pumunta sila sa bahay nila ay pumunta sila sa isang exclusive na subdivision na puro milyonaryo ang nakatira. Nagulat naman ang mga kapatid niya dahil hindi nila alam ang mga nangyayari.

  "Timmy? May hindi ka ba sinasabi samin? Bakit tayo pupunta sa lugar na 'to?" nagtatakang tanong ng kanyang ate. Nakatingin ito sa kanya na hinihintay ang kanyang isasagot.

  "Nakilala ko na ang ama ko. Siya si Jerome Grant. Mamaya malalaman niyo ang lahat. Patawarin niyo ako kung tinago ko sa inyo ang nalalaman ko."

  "Jerome Grant?? Kung ganun.. Kung ganun.."

  Napabuntong hininga nalang si Timmy dahil hindi madali para sa mga kapatid na malaman ang mga bagay na 'to.. Tiningnan niya ang kanyang mama. Nakatingin lang ito sa kawalan. Nararamdaman niya na hindi magiging madali ang mga bagay.

  At narating na nga nila ang isang malaking gate. At agad itong bumukas. Kitang kita niya ang isang napakalawak na hardin na puno ng magagandang halaman. At nasa harap niya ang isang malaki at napakagarang bahay.

Ito na ang simula ng bagong mundo niya..

~~to be continued...

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon