Page 23

1.6K 80 7
                                    

  Malaki parin ang pagtataka ni Dale nang sumunod na araw. Akala niya ay magiging maganda ang simula ng araw niya dahil nga sa mga nangyari noong isang araw. Hinanap niya si Tommy at Timmy sa opisina ng HR Department pero hindi niya ito makita doon. Bigla nanaman uminit ang kanyang ulo. Bakit wala silang dalawa sa mga oras na yun? May pinuntahan nanaman ba silang lugar?

May pinanghahawakan siya sa dalawang iyon. Alam niya ang sekreto ni Tommy at sa oras na kinalaban nanaman siya nito ay hindi siya magdadalawang isip na ilantad yun sa lahat ng tao sa kompanya.. Hindi siya pwedeng manalo sa labang iyon. Dahil marami siyang hawak sa kanyang kamay. At sigurado siyang may nararamdaman ito kay Timmy. Si Timmy ang bigla niyang naisip. Baka naman tinotohanan na nito ang hindi pagpasok sa kompanya.

Agad siyang bumaba ng building at tinanong ang guard kung pumasok ba si Tommy at Timmy sa araw na yun. Pero sabi lamg nito ay hindi nito napansin. Tinawagan niya ang kanyang secretary para hanapin sa profile ni Timmy ang address nito. Nararamdaman niyang may nangyayaring hindi niya alam. May kung ano sa isip niya na kailangan niyang mapigilan iyon. Kailangan niyang magawa lahat ng plano niya. Paano nalang niya magagawa yun kung wala na sa kanyang kamay ang kanyang alas. Hindi niya mapapatumba si Tommy kung wala siyang panghahawakan.

Agad naman niyang tinungo ang address na sinend sa kanya ng kanyang assistant. He drive crazily na akala mo ay lahat ng napapasadahan niya ay wala lang. Namumuo ang galit niya dahil ayaw na ayaw niya na binabali ang isang kasunduan. Malaki ang utang ni Timmy sa kanya. But what affects him more is the thought na he has been thinking about Timmy the whole night. Yung isip niya ay nandoon parin sa paghalik niya dito. Hindi niya akalain na magagawa niya yun. It was harder to think dahil sa dami ng lalaki at babaeng ginugustong makasama siya ay ito palang ang nahalikan niya. That was the very first time for him. And somehow, it feels special. Kaya nagagalit siya ngayon. Nangingibabaw parin ang kanyang goal na mapaalis na nang tuluyan si Tomas De Jesus sa kompanya at siya na ang mamuno dito. Then everything else will follow.

Narating narin niya sa wakas ang address na nakalagay sa kanyang phone. As expected, isang mataong lugar at nakakaasiwa pumasok doon. Nagtitinginan ang mga tao sa kaniyang banda dahil siguro sa magara niyang sasakyan. It was a 1973 Mustang. Isa sa pinakamahal na kotse niya. And it made him think na ang mga tao talaga ay bulag sa magagandang bagay.

Habang inaayos ni Timmy ang kanyang sarili ay hindi naman magkamayaw ang ingay sa labas ng kanilang bahay. Matapos nga ang mga tagpong nangyari kagabi at nung mga bagay pa bago dun ay maswerte nang nakatulog pa siya. Ngayong araw napagdesisyunan niyang ipaalam kay Dale na hindi na siya magpapatuloy pa sa kompanya. Dahil sa hindi na nga niya kaya pang harapin ulit si Tommy. Nasaktan niya ito nang husto. Hindi niya man alam paano babawi dito pero sana balang araw ay magawa pa siyang patawarin nito.

Lalabas na sana siya para bumili ng pandesal pero laking gulat niya na naglalakad papalapit sa bahay nila si Dale.
Nagkatinginan sila sa mata at kita niya dito ang namumuong galit. Hindi na siya makatingin ng deritso dito dahil hindi niya naman inaasahan na dadating ito sa kanila na bihis na bihis at halatang galing pa ito ng The Colors.

"Just what the hell are you doing? Bakit wala ka pa sa opisina?" galit na tanong nito sa kanya. Hindi siya agad nakaimik dahil bakas sa mga mata nito ang galit na ayaw niyang makita. Simula nang makasama niya si Dale, nakita niya kung paano ito magalit at kung paano din ito kapag nagiging mabait at pinapakita ang malambot na bahagi nito da kanya.

"Ano.. Sir Dale.. Pasensiya na po. Ang totoo po kasi sasabihin ko na sana sa inyo ng personal. Papunta na ako ng The Colors. Tinanggal na po ako ni Tommy sa trabaho." mahinahon niyang sagot dito. Napakunot ang noo nito at agad na bumaling sa ibang deriksyon.

"No! How did this happen?! Ano bang ginawa mo at tinanggal ka niya agad agad? Nalaman ba niya ang plinaplano ko?" sunod sunod na tanong nito sa kanya.

"Hindi ko po alam kung ano ang totoong dahilan. Pero sinabi ko lang sa kanya ang nararamdaman ko. Nahihirapan na ako sa sitwasyon. Simula palang alam ko na gulo ang pinasok ko pero ginawa ko parin. Kaya naman mas mabuti na siguro na hindi na ako magpakita pa.. Hindi din ako makakatulong sa kung ano man ang plinaplano mo sa kanya. Gusto ko maging tahimik ulit ang buhay ko Sir Dale." sagot niya nang mahinahon. Walang emosyon. Hindi niya gustong sabihin dito na nasaktan niya si Tommy dahil sa pag amin niya sa nararamdaman nito para kay Dale.

"And did you really think na makakaalis ka pa? You cannot just leave your promises behind Mr. Chan.. Malinaw ang usapan natin! So kung ayaw ka niyang makita.. I will make him suffer more. I will get you into my hands.."

"Tama na Dale!! Ganyan ba talaga kayo? Dahil sa sobrang kagustuhan niyong makuha ang isang bagay..gagawin niyo ang gusto niyo kahit may mga tao nang nasasaktan? Bakit? Ano bang nagawa ko para ipitin niyong dalawa sa mga kagustuhan niyo?! Gusto ko lang bigyan ng magandang buhay ang mahirap kong pamilya tapos kayo, gagawin niyo ang lahat kahit apakan pa ang ibang tao para lang makuha ang kapangyarihan na ginugusto niyo?!" bulyaw niya na ikinagulat ni Dale. Siguro nga punong puno na siya. Dahil ayaw na ayaw na niya ang ginagawa sa kanya ni Dale. Pakiramdam niya isa lang siyang gamit na sa ngayon ay mahalaga pero kapag hindi na mapakikinabangan ay itatapon nalang nito bigla. Ganun ang kanyang nararamdaman sa mga oras na yun.

Hindi na nakaimik pa si Dale. Siguro ay nabigla ito sa bigla niyang pagbulyaw. Kailangan niya narin sigurong gawin yun. Ang maging matapang. Total ganun naman talaga siya. Siguro nga ay isa lang ilusyon ang mga nararamdaman niya para dito. Siguro napapahanga lang siya sa katapangan ng pagkatao nito. Pero ang pagkagusto niya bang yun ay matibay nang dahilan para di niya ito masigawan? Siguro nga nagkamali din siya sa pagkakakilala dito. Mabait lang ito sa tao kung alam niyang may makukuha siya mula dito.

Hindi na ito muling nagsalita pa at umalis na sa kinatatayuan nito. Kung yun lang talaga ng paraan para layuan narin siya nito, mas mabuti na nangyari iyon. Dahil ayaw na niyang makita pa ang mga ito. Si Tommy na nasaktan niya at si Dale na ginagamit lang siya sa mga makasariling kagustuhan nito.

Agad siyang bumalik sa loob ng bahay at hinanda ang sarili. Kailangang magpatuloy ang buhay niya. Hahanap siya ng raket dahil nauubos narin ang kaniyang pera. Mahirap mawalan lalo na at iniisip parin niya kung saan sila lilipat. Kailangang makalipat na sila agad. Kaya naman naghanap na agad siya ng event na pwede siyang maghost.

Hinanap niya ang kanyang cellphone. Pero tunog ng tunog na pala ito ng mahanap niya. At isang number lang ang nakaregister dun. Siguro ay isang promoter yun.

"Hello?" sagot niya sa tumatawag.

"Hi Timothy.. Its me.. Jeffrey Grant. I have something very important to tell you. Sana mapagbigyan mo ang hiling ko na magkita tayo." sagot naman ng isang malalim na boses. Ang bisita nila ng Mama niya nung isang gabi.

"Sige po.. Saan po ba?" mahinahon niya paring sagot dito. Kailangan niyang makipagkita dito. Hindi rin kasi biro ang tagpong iyon kagabi. Matagal na niyang gustong malaman kung sino ang ama niya. Pero sana nga ay tama ang kanyang kutob na bak tama nga ang Mama niya. Pinaniniwalaan niya parin ang Mama niya.

"I will text you the location. See you."

Yun lang at nawala na sa linya ang kanyang kausap. Sana wala nanamang mangyari sa araw na yun. Sobra sobra na ang bigat na kanyang nararamdaman. Para bang itinadhana na ng panahon na maramdaman niya ang mga bagay na yun.

Pero kailangan niya pang tatagan ang kanyang sarili. Dahil wala na siyang iba pang kakapitan kundi ang kanyang sarili.. Dahil ang buong paligid niya ay labis na siyang pinahihirapan.

~~to be continued...

A/N

  This story is almost done.. Sana ay nagugustuhan niyo po ang flow ng story. I will soon make a new story. I am really inspired writing again. Siguro nga ito ang gusto kong gawin noon paman. It is me. I really am into it now. And sana mas magustuhan niyo pa ang mga susunod kong gagawin.

Aisheteru Minna!

-MrAoiKun

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon