Page 7

3.4K 136 0
                                    

Hindi makapaniwala si Tommy na kaharap niya ang lalaking kanyang napanaginipan. Yung lalaking hinihintay niyang lumingon sa kanya.

Nakatingin lang sila sa isat isa. Napakaganda ng mga mata nito, parang nangungusap. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya na iyon.

"Ano bang ginagawa mo sa buhay Tommy? Siguro mayaman ka kasi dun ka sa magarang subdivision na yun nakatira." tanong bigla sa kanya ni Timmy. Naasiwa siya dahil isang letra lang ang pagkakaiba ng pangalan nila or their nicknames? Maybe screen name lang din yun ng lalaking kaharap.

"Ahh.. Ano.. Ahm.. Empleyado ako sa isang company. Hindi naman mayaman. Matipid lang kaya nakapundar ng bahay." matipid naman niyang sagot.

"Naku.. Ako kahit sampung event pa ata pagsabay sabayin ko sa isang araw hindi ako kikita ng malaki para magkaron din kami nila Mama ng ganun kalaking bahay."

"Bakit ano bang ginagawa mo? You seem to have a good job because you look decent."

"Haha.. Mukhang desinte lang pero ang totoo mahirap lang kami. Nag hohost lang ako sa mga event. Mga mall show, mga birthday party, minsan sa patay kinukuha ako.. Kahit anong mapagkakakitaan ginagawa ko. Kailangan dumiskarte." masayang saad nito sa kanya. Ramdam niya na totoo ang mga sinasabi nito. He is a straightforward person. Tigasin at walang pag aalinlangan sa pagsasalita. Kahit marami siyang pagdududa parang nagsisimula na siyang magustuhan si Timmy.

"Ah.. I see. Galing din naman ako sa hirap. Si nanay lang ang nagpalaki sakin dahil iniwan kami ng Papa ko noong maliit pa ako. Hindi na namin siya nahagilap mula nang iwanan niya kami."

"Hmmm.. Halos parehas din pala ang kwento ng buhay natin. Si Papa kasi nawala din samin ng maaga. Kaya napilitan akong tumayo para sa pamilya ko kahit bata pa ako. Ginagawa ko na lahat ng diskarte para makatulong kay Mama."

Hindi namamalayan ni Tommy na nag oopen up na pala siya dito. Inayos niya ang kanyang upo at inikot ang kanyang paningin. Gusto niyang mahanap ang sensor na sinasabi ni Timmy sa kanya.

"...kaya yun parang sa akin nalang din umasa si Mama at mga kapatid ko." huling narinig niya na sinabi ni Timmy nang makita niya ang sensor.

"Ahh.. Ganun ba? Ang lungkot natin pareho.. Haha. Sorry kasi napasok ako dito sa kwarto na to kasama ka. Baka kasi uncomfortable ka sakin. Parehas tayong lalaki."

"Ayos lang yun pare.. Hindi mo naman kasalanan to.. Kasalanan to ng lecheng mga taong gumawa ng kalokohang 'to." may halong galit na sambit ni Timmy.

"Shhhh!!.. Hinaan mo lang boses mo. Kanina kasi nakitang kong umiilaw na yung sensor. Baka yun ang paraan para makalabas na tayo. Kailangan lang natin mag usap nang mahinahon." pagsaway niya sa kanyang kaharap.

Napatawa naman ito at hindi nito inaasahan na matutumba siya sa upuan. Iyon naman ang ikinatawa ni Tommy. At sabay nanaman silang nagtatawanan.

"Alam mo Timmy. Nakakatawa ka talaga!? Akala ko astigin ka talaga pero kalog karin pala." patuloy parin sila sa paghalakhak.

"Ganito lang talaga ako.. Hahaha!! Pero kapag nagagalit ako, nagwawala talaga ako. Yung parang sumasabog na bulkan."

"Hahaha!!..Opposite na opposite talaga kita. Ako kasi mahiyain. Wala halos kaibigan. Simpleng tao lang. Kaya wala talagang nagkakagusto sakin kahit kelan." biglang nahaluan ng lungkot ang atmosphere nila. Biglang may lumabas na kadramahan sa bibig ni Tommy.

"Pare?! Kulang ka lang sa self confidence.. Sa tingin mo ba kung mahiyain din ako gagawin ko ang ginagawa ko. Ibig sabihin lang nito, hindi ka na nahihiya. Nagbabago kana. Sinusubukan mo ang mga bagong bagay. Kaya wag kang mag alala. Naiintindihan ko ang ugali mo."

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon