Page 9

2.6K 111 0
                                    

"Tommy? Teka lang.. Bakit ka nagmamadali? Anong nangyari? Akala ko ba pag uusapan pa natin yung trabahong inoffer mo sakin?" habol hingang sambit ni Timmy sa kanyang hinahabol.

Biglang nagmadali si Tommy nang makatanggap ito ng tawag. Para itong natataranta. Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito mula nang makalabas na sila sa kwarto ng Blind Date "kuno" nila.

"Ang gulo mo naman atang kausap. Akala ko ba seryoso ka? Bakit tinatakbuhan mo ako. Wala ka atang isang salita?" naiirita na ang boses niya dahil habol siya nang habol dito.

"Something happened Timmy. Pasensiya ka na. Wag kang mag alala. We will talk about this after a few days. Here is my calling card. Call me or text me. I just need to go now. Bye Timmy.."

Pagkaabot sa kanya ng calling card nito ay nagmadali na itong tumakbo palabas ng Passion Circle. Hindi niya parin maintindihan kung bakit nagkakaganun si Tommy. May nangyari sigurong hindi maganda dito. Napabuntong hininga nalang siya at lumabas narin sa Passion Circle.

Naabutan pa niya si Tommy na pasakay sa kanyang kotse at pinaharurot na nito agad ang sasakyan ng makalabas sa parking space.

"Hays! Parang wala lang din palang nangyari sa araw nato.. Akala ko talaga ok na yung pinag usapan namin. Ano kaya nangyari dun? Ang labo talaga." naiinis niyang sambit sa sarili.

Tiningnan niya ang calling card na binigay nito sa kanya.

Tomas Gregorio Lim De Jesus
HR Manager, The Colors

Napatulala siya. Bigatin nga talaga si Tommy. At ang alam niya kapag HR Manager eh ito ang nag mamanage ng mga empleyado at ang kanilang performance sa trabaho. Di pala ito basta basta.

Habang naglalakad siya ay napansin niya na may hawak pa siyang isang bagay. Isa itong papel. Hindi niya alam kung ano ang laman nun. At hindi niya alam kung saan nanggaling yun?

Binuklat niya ito at nabasa niya ang isang kontrata. Hindi niya maintindihan kung anong kontrata ang laman nun. Pero ang nakalagay dun ay parang sulat kamay.

"The one who shall meet the person inside this room will never be apart from the other. No circumstance will come on their way and the only thing to make the contract ineffective is to turn back the time." mahina niya basa dito. Lalo siyang naguluhan sa kanyang nabasa. Siguro ay dala ito ni Tommy. May kinalaman iyon sa kanya. Hindi niya kasi maintindihan ang ibig sabihin ng mga salitang yun.

"Bakit naman kaya napunta sakin to? Di naman ako nagdala ng kahit ano mula sa loob. Baka nga napulot ko to, di ko lang maalala. Hays.. Makakalimutin na ata ako? Tumatanda na ba ako?"

Tiniklop nalang niya ulit ang papel at linagay iyon sa loob ng bag niya. Siguro ay itatago niya na muna iyon. At kapag nagkita na ulit sila ni Tommy ay ibibigay niya iyon. Pakiramdam niya kasi may kinalaman iyon kay Tommy kahit hindi naman siya sigurado.

Naglakad siya papunta sa sakayan ng mga dyip pauwi sa kanilang lugar. Iniisip niya parin si Tommy. Kanina lang nung nandoon sila sa subdivision nito kasama ang mama niya ay may halong pagkainis ang pagkakakilala niya dito. Pero ngayon, bigla nalang nagbago ang lahat. Nararamdaman niya na mabuting tao si Tommy at mapagkakatiwalaan ito.

Sabay din niyang naisip ang lalaking muntik nang makabangga sa kanya kanina. Ibang klase din ang dating ng lalaking yun sa kanya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nakakaramdam ng ganun sa kapwa lalaki.

Naeexcite siya sa tuwing naiisip niya ito. Yung galit ng lalaking iyon ay may tama sa kanya. Parang nangungusap ang taong yun na hindi talaga siya ganun. May pinagdadaanan lamang siya.

"Tigilan mo na nga yan Timmy!! Hindi ka bakla ok? Lalaking lalaki ka.. Bakit mo iisipin ang isang lalaki? Bakit mo iisipin na may kalungkutan lang siya kaya siya nagkakaganun?" sabi niya ulit sa sarili.

Ang mga nakakasabay niya sa dyip ay panay ang tingin sa kanya. Di niya alam na naririnig na pala siya ng mga ito.

Napatingin siya sa mga ito. Iratable na ang mukha niya. Para siyang nababaliw. Siguro nga ay may nakain siya o may nagpakulam sa kanya para magkaganun ang pakiramdam niya. Parang sinasadya ng panahon na makilala niya ang dalawang taong gumugulo sa isip niya.

Pinilit niyang iwala si Tommy at ang lalaking muntik nang makabangga sa kanya sa kanyang isip. Pero ang mga mata nito, ang kilay, ang ilong at ang kilos.. Iyon ang pumapasok sa kanyang isipan.

"Kuya.. Ok lang yan kung ngayon mo lang nadiscover na beki ka.. Ganun talaga ang buhay.. Sabi pa nga nila life is like a rosary.. Kailangan dasal dasal lang.. Haha.. Joke lang kuya." biglang sabi sa kanya ng katabing babae. Lalo siyang nairita dahil sa sinabi nito. Nangingialam pa talaga ito sa buhay niya. Sasampolan niya ito. Nakuha pa nitong mag joke sa kanya.

"Ikaw ate? Paano kung malaman mo na ang boyfriend mo bakla pala? Tapos naiimagine mo nakikipagsex din siya sa lalaki? Hahaha.. Joke lang din ate!"

"Ang bastos mo naman Kuya.. Grabe ka ha? Pinapagaan ko na nga loob mo tapos ganyan ka pa.. Di ka bagay maging beki.. Bilis mong maasar!!" iritableng sagot sa kanya ng babae na nagpatawa sa kanya.

Tumahimik nalang ito at hindi na tumingin sa kanyang banda. Mabuti nalang at kaunti nalang silang sakay ng dyip.

Siguro nga kailangan lang niyang ipahinga ang isip niya. Wala pa siyang tulog sa araw na iyon. Kaya siguro kung ano ano nalang ang pumapasok sa isip niya. Pinikit niya ang kanyang mata. At bigla nanamang pumasok sa isip niya ang mukha ni Tommy.

Napaigtad siya at inayos ang upo niya.. Naaasar na siya sa nangyayari sa kanya. Para na siyang baliw. Paano nalang ang iisipin ng mga kapatid niya at mama niya kung malaman nilang nagkakaganun siya?

Di na siya nag.isip pa.. Kung anuman ang mangyari, kailangan niyang maging sigurado sa sarili niya. Oo nagkaroon narin siya ng mga karelasyon noon. Pero puro mga babae ang mga iyon. Minahal niya ang mga ito pero sa huli ay iniiwanan siya dahil nga sa wala siyang maibigay na magandang bagay sa mga ito. Kaya tumigil na siya sa pakikipagrelasyon at tinutukan nalang ang sarili niyang pamilya.

Pero ang nangyayari sa kanya ngayon ay hindi niya inakala na mararamdaman niya. Ang pakiramdam na unti unti siyang binabago ng mga insedente na nagaganap sa buhay niya.

Paano kung isang araw ay hindi na niya kilala kung sino siya? Paano kung isang araw ay malaman nalang niya na hindi na siya normal? Ano na ang gagawin niya? May dadamay ba sa kanya sakaling mangyari yun?

-

---to be continued...

A Love Like This (boyxboy) (cmplt)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon